Kasambahay hinaluan ng detergent ang gatas ng baby

Isang kasambahay ang nahaharap sa kaso matapos niyang haluan ng detergent ang gatas ng anak ng kaniyang amo. Basahin ang kuwento dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang kasambahay mula sa Singapore ang hinatulan ng tatlong taong pagkakakulong. Ito ay matapos mahatulan ng guilty sa paghalo ng sabong panlaba sa gatas ng isang baby.

Hinaluan ng detergent

Ang nagtulak sa 29 taong-gulang na babae mula Indonesia para gawin ang krimen ay inggit. Ginawa niya ang paghalo ng detergent sa gatas ng pamangkin ng kaniyang amo dahil sa inggit sa yaya nito nuong ika-6 ng Setyembre taong 2018.

Ayon sa kaniya, kasama sa kaniyang trabaho ang pag-gawa ng lahat ng gawaing bahay. Samantala, ang 25 taong-gulang mula Myanmar na yaya ng bata ay tanging pag-aalaga lamang sa bata ang ginagawa.

Plinano ng kasambahay na ihalo ang detergent sa gatas para masiraan ang katrabaho niyang yaya.

Ang kaniyang boss, ang pamilya ng kapatid nito, at iba pa nilang kamag-anak ay minsang nagsasama-sama sa bahay ng kanilang magulang.

Dito isinagawa ng kasambahay ang kanyang binabalak. Siya ay naghalo ng powdered detergent sa lalagyan ng gatas ng baby.

Kinabukasan, ang ina ng bata ay nagtimpla ng gatas gamit ang may halong sabon panlaba. Matapos mag-timpla, napansin nito na may mga kulay pink at itim sa may ilalim ng bote. Dahil dito, naisipan niyang gumawa ng panibagong gatas gamit ang iba pang bote. Dito naman ay may mga napansin siyang kulay asul na lumulutang sa gatas.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nang buksan niya ang bote, dito niya na naamoy ang pamilyar na amoy ng sabon panlaba. Dahil sa pag-aalala, pinili nalang nitong magpa-breastfeed.

Kinabukasan, matapos ang kanilang sariling pag-iimbestiga, nagsumbong ang amo ng kasambahay sa mga pulis. Siya ang tinurong pangunahing suspek.

Ika-20 ng Setyembre ngayong taon nahatulan ng pagkakakulong ang kasambahay sa tangkang pananakit sa baby.

Ayon sa District Judge na si Prem Raj, sinubukan ng kasambahay na gamitin ang isang inosenteng sanggol upang makapanira. Nagmakaawa lamang ang kasambahay kaya napababa ng 3 taon ang sintensiya sa kaniya. Ang kadalasang parusa sa ganitong pagkakasala ay 5 taon ng pagkakakulong at pagbabayad ng multa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paghahanap ng kasambahay

Sa dami ng naririnig na horror stories pagdating sa pagkakaroon ng kasambahay, marami ang mga nagdadalawang isip para dito. Ngunit, kung kailangan talaga ng tulong, may ilang mga paraan para ligtas na makakuha ng kasambahay. Alamin ang mga ito.

Alamin ang hinahanap mo

Hindi lahat ng kasambahay ay kayang magluto, maglinis ng bahay, maglaba at mag-alaga ng mga bata.

Upang malaman ang iyong hinahanap, gumawa ng listahan ng mga gusto mong katangian o kayang gawin ng hinahanap na kasambahay. Suriin kung alin sa mga ito ang mga pinaka-importante at hindi maaaring mawala sa tatanggapin sa kabahayan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maghanap sa tamang paraan

Maraming iba’t ibang paraan sa pagkuha ng kasambahay. Maaaring pumunta sa mga agencies, kumuha mula sa referrals, o kaya naman ay sa mga Facebook advertisements.

Subalit, maging handa sa mga matatanggap na application. Maaari rin na mahirapan na makakuha nito dahil sa iba pang mga naghahanap din ng parehong katangian ng kasambahay. Ang mahalaga ay kumportable ka sa pipiliing paraan kung saan hahanap ng kasambahay.

Interview!

Gumawa ng listahan ng mga itatanong sa mga mag-aapply na kasambahay. Itanong lahat ng nais malaman at mga importanteng impormasyon. Kahit pa may makausap na tila perpektong kasambahay at natatakot na makuha ito ng ibang pamilya, masmakakabuting sigurado.

Ipagkumpara ang mga makukuhang mga impormasyon. Ang masmaraming maiinterview, masmarami ring mapagpipilian.

I-check ang mga dating napasukan ngunit huwag masyadong seryosohin

Makakabuting kausapin ang dating boss ng mga pinagpipiliang kasambahay. Subalit, pag-isipang mabuti ang kanilang sitwasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maaaring maganda ang mga sabihin nito ngunit iba pala kasi ang kanilang expectations sa iyo. Maaari rin nilang siraan ang aplikante dahil lamang nais nila itong bumalik sa kanila.

Isaalang-alang ang desisyon ng kasambahay

Ang mahalaga sa pagkuha ng kasambahay ay ang pagiging komportable ng kasambahay sa iyong pamilya, mga gawain at kasunduan. Ang sino mang masayang nagtatrabaho ay masmakakabuti kumpara sa hindi masayang nagtatrabaho.

Ipakilala siya sa iyong pamilya at pag-usapang mabuti ang mga gawain. Sabihin ang iyong inaasahan sa magiging trabaho niya at kung sangayon siya sa ganitong kasunduan.

 

Basahin din: Kasambahay pinagnakawan ang amo—tinago ang pera sa kaniyang ari

Sources: Asia One, The HK Hub
Photo by rawpixel.com from Pexels

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement