X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Kasambahay pinagnakawan ang amo—tinago ang pera sa kaniyang ari

4 min read
Kasambahay pinagnakawan ang amo—tinago ang pera sa kaniyang ariKasambahay pinagnakawan ang amo—tinago ang pera sa kaniyang ari

Pinay na kasambahay pinagnakawan ang amo—pera itinago sa loob ng kaniyang ari.

Bajo Nelgielyn Bobita ang pangalan ng Pinay domestic helper na nakulong sa Singapore matapos pagnakawan ang kaniyang amo. Ang perang ninakaw ng kasambahay ay itinago niya sa kaniyang ari sa pag-aakalang doon ay hindi ito makikita.

Bajo Nelgielyn Bobita Pinay DH

Image from Freepik

Bajo Nelgielyn Bobita, Pinay DH na nakulong dahil sa pagnanakaw

Usap-usapan ngayon sa mga Asian newspapers ang 28 anyos na si Bajo Nelgielyn Bobita, isang Pilipinang nagtratrabahong kasambahay sa Singapore. Ito ay matapos niyang pagnakawan ng hindi lang isa kung hindi dalawang beses ang kaniyang amo.

Ayon sa report, si Bajo Nelgielyn Bobita ay nagtratrabaho sa kaniyang 69 anyos na Singaporean businessman na amo na si Lee See Boon bilang isang taga-linis at taga-luto. Matapos ang isang taon at dalawang buwan na pagtratrabaho rito ay saka ginawa umano ni Bajo ang pagnanakaw.

Ayon parin sa report, unang ginawa ni Bajo Nelgielyn Bobita ang pagnanakaw sa kaniyang amo Pebrero ngayong taon. Pumasok daw ito sa loob ng kuwarto ng kaniyang amo at binuksan ang isang bag na may safe key.

Nakita daw nito ang pin number ng naturang safe na nakasulat sa isang papel. Ang nakuha daw ni Bajo noon ay $3,000 cash o P114,900.

Pinadala daw ni Bajo ang kalahati ng perang nakuha sa Pilipinas dalawang araw matapos ang pagnanakaw. At ang sumunod na kalahati noong March 3.

Inulit umano ni Bajo ang pagnanakaw noong March 6 na kung saan $5,002 cash o P191,500 naman ang kinuha nito.

Sa pangalawang pagnanakaw lang natuklasan ng kaniyang amo na si Lee See Boon na nawawala ang kaniyang pera. Sa parehong araw ng pagnanakaw ay naaresto ng mga pulis si Bajo Nelgielyn Bobita.

Nang hanapin at magsagawa ng body scan kay Bajo ay na-recover ang $5,002 na ninakaw nitong pera sa loob ng kaniyang ari. Nakabalot daw ito sa isang sanitary pad at plastic bag bago tuluyang ipinasok sa loob ng ari nito.

Sa ngayon ay nakakulong si Bajo sa Changi Women’s Prison matapos siyang mag-guilty plea sa two counts ng theft.

Pagdudusahan niya ang nagawang kasalanan sa loob ng 16 weeks sa kulungan. Ngunit kung susumahin ang katumbas ng lahat ng pera na kaniyang ninakaw, maaring makulong sana ng hanggang pitong taon si Bajo at magmulta.

Ayon kay Bajo, nagawa niya daw ang krimen dahil sa financial difficulty na nararanasan ng naiwang pamilya sa Pilipinas.

Paano makakaiwas sa abusadong kasambahay?

Importante na makahanap ng kasambahay na mapagkakatiwalaan. Hindi lang sapat ang pagkakaroon ng kakayanan sa mga gawaing bahay, importanteng may malasakit ito sa kaniyang pinagtratrabahuan.

Ngunit sa kasamaang palad ay hindi lahat ng kasambahay ay mayroong ganitong pag-uugali.

Upang makaiwas sa ganitong klaseng yaya, heto ang ilang tips:

  • Ayon sa agency na Maid Provider Incorporated, ang pagkuha daw ng kasambahay ay dapat dumadaan sa tatlong level. Una ay ang pag-babackground check. Pangalawa ay training at orientation para maturuan at mapaalalahan ang kasambahay sa mga dapat niyang gawin at sa mga karapatan niya. At pangatlo ay ang medical screening upang masiguradong walang communicable disease ang isang kasambahay. Ang pagdaan din ng isang kasambahay sa psychological test ay inirerekomenda bagamat ito ay magiging dagdag na gastusin sa employer na kukuha sa kasambahay.
  • Kailangan niyo ring alamin kung anong klase o paano ginagawa ng agency ang pagbabackground check nila sa isang kasambahay para masiguradong mahigpit at maayos nilang nasala ang taong makakasama mo.
  • Kung kukuha naman ng kasambahay ng hindi dumadaan sa agency ay kinakailangan rin na i-background check ang mga nag-aapply na kasambahay sa pamamagitan ng paghingi ng mga requirements gaya ng biodata o resume, police at NBI clearance upang masiguradong wala silang record ng kahit anumang krimeng nagawa.
  • Maganda rin na kumuha ng kasambahay na nirekumenda ng kakilala, kaibigan o isang kapamilya na kung saan madali mong mapagtatanungan ng pagkakakilanlan ng kukunin mong kasama sa iyong bahay.

 

Source: Yahoo News, The Straits Times 
Photo by Jonathan Rados on Unsplash

Basahin: Yaya, hinaluan ng ihi ang gatas ng alagang baby

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Kasambahay pinagnakawan ang amo—tinago ang pera sa kaniyang ari
Share:
  • Kasambahay hinaluan ng detergent ang gatas ng baby

    Kasambahay hinaluan ng detergent ang gatas ng baby

  • Benepisyo at karapatan ng mga kasambahay sa Pilipinas

    Benepisyo at karapatan ng mga kasambahay sa Pilipinas

  • Baby nasawi matapos masamid sa iniinom na gatas mula sa bote

    Baby nasawi matapos masamid sa iniinom na gatas mula sa bote

  • Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

    Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

app info
get app banner
  • Kasambahay hinaluan ng detergent ang gatas ng baby

    Kasambahay hinaluan ng detergent ang gatas ng baby

  • Benepisyo at karapatan ng mga kasambahay sa Pilipinas

    Benepisyo at karapatan ng mga kasambahay sa Pilipinas

  • Baby nasawi matapos masamid sa iniinom na gatas mula sa bote

    Baby nasawi matapos masamid sa iniinom na gatas mula sa bote

  • Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

    Anthony Taberna sa birthday ng anak na lumalaban sa Leukemia: "Salamat sa inspirasyon at tapang! Happy birthday sa iyo Anak"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.