Isang kaso ng child neglect ang napabalita sa South Florida. Inaaresto ng mga awtoridad ang isang nanay matapos umanong iwanan at pabayaan ang kaniyang pitong anak sa kanilang bahay.
Wala sapat na pagkain ang kaniyang mga anak, hindi ini-enroll sa school, at hindi nagbibigyan ng medical care. Si Elidiesneins Perez, 35-anyos ay inaaresto noong nakaraang buwan matapos respondehan ng mga awtoridad ang kanilang bahay sa North Miami Beach dahil may nag-report ng kaso ng child neglect.
Ang 15-anyos na anak ni Perez ay mayroong cerebral palsy at sinabi niya sa mga awtoridad na dapat umano’y siya’y nagpi-physical thereapy. Subalit hindi umano siya dinadala ng kaniyang ina. Sabi pa ng ibang mga anak ni Perez limang taon na simula nang makapunta sila sa dentista o doktor.
Sinabi rin sa police report na ang kanilang bahay ay walang sapat na pagkain para sa mga bata. Kulang din ang mga bata sa bedding at damit. Dagdag pa ng mga bata mas gugustuhin na lamang nilang tumira sa foster care kaysa tumira kasama ang kanilang ina.
Nahaharap ngayon sa 7 counts na kaso ng child neglect si Perez. Para sa 7 niyang anak.
Ano ang child neglect?
Ang ilang mga pangyayari katulad ng pagkamatay o paghihiwalay ng magulang ay maaaring maging dahilan upang mapabayaan ang inyong anak.
Bilang mga magulang kayo ang pinagkukunan ng lakas ng inyong anak. Nakadepende sa inyo ang kaniyang buhay. Kaya naman kung kayo ay absent sa lahat ng kaniyang pangangailangan o hindi ito natutugunan maaaring neglected na ang iyong anak.
Image from Unsplash
Uri ng child neglect
-
Physical neglect o Deprivation needs neglect
Ang ganitong uri ng neglect ay umuugat sa mga pisikal na pangangailangan ng isang bata. Halimbawa na lamang pagkain, tahanan, at damit. Kadalasan hindi napupunan ng mga magulang ang ganitong pangangailangan ng kaniyang anak sa uri ng neglect na ito.
-
Medical neglect
Kadalasan hindi nabibigyan ng magulang ang pangangailangan medical ang kanilang anak sa uri ng neglect na ito. Kahit na alam ng magulang na may pangangailangang medical ang kaniyang anak. Hindi rin umano kusang dinadala ng magulang ang anak sa ospital o doktor kahit na ito’y may sakit at hinahayaan lamang.
-
Supervisory neglect
Dito naman, hindi nabibigyan ng sapat na supervision ang anak sa kaniyang paglaki. Halimbawa kung hindi nababantayan ang anak sa mga masasamang bagay o ikakasama at ikakapahamak niya. Walang pagbabantay at pag-gabay na nagaganap.
-
Enivronmental neglect
Ang uri ng neglect na ito ay related sa physical neglect at supervisory neglect. Pero ang halimbawa nito ay kung ang environment ng bata katulad na lamang sa bahay ay marumi, may mga sirang pagkain na hinahayaan na lamang nakatiwangwang at iba pa. Hindi nabibigyan ng sapat na pag-aalaga ang anak.
-
Educational neglect
Ito naman ay kapag ang isang bata’y hindi binibigyan ng access sa edukasyon ng kaniyang magulang. Halimbawa na lamang ang hindi pag-enroll sa anak kahit may kakayahan naman ang magulang na pag-aralin ito.
-
Emotional neglect
Nangyayari ito kapag pinagkakaitan ang isang bata ng emotional support o needs nito. Halimbawa ng emotional neglect ay pang-iinsulto sa bata, pag-reject sa bata, o pagbibigay ng mga matitinding parusa.
Epekto sa bata ng neglect
Image from Unsplash
- Pagkakaroon ng trauma
- Pagkakaroon ng stress
- Hindi maayos na development ng kaniyang pag-iisip
- Mental problems
- Maaaring mag-lead sa youth suicide
- Alcohol at drug use
- Behavioural problems
- Pagiging bayolente
- Pagbubuntis ng maaga
Tandaan na bilang mga magulang mahalaga ang presensya niyo sa inyong mga anak. Kapag kayo’y nagkaanak na magkakaroon kayo ng maraming responsibilidad bilang isang magulang. Kaya naman dapat ay handa kayo bago kayo magbalak buo ng isang pamilya at magkaroon ng anak. Hindi lamang ito usapin ng gastos kundi ng pag-aalaga at paggabay ng tama sa inyong mga anak.
Source:
nbcmiami, kaplanco
BASAHIN:
7 Things you can do to make sure your kids aren’t emotionally neglected
7 signs that would warn you that you are burning out
Mga batang napapabayaan ng magulang lumalaking may maliit na utak, ayon sa pag-aaral
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!