High school student binugbog dahil sa selos ng kaklase

Isang high school student, nambugbog dahil sa selos!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaso sa pambubugbog, isasampa sa isang high school student mula sa Nueva Ecija matapos niyang bugbugin ang kanyang kaklase dahil sa selos.

Kaso sa pambubugbog

Isang high school student ang nagtamo ng bukol at pasa, pati na hematoma matapos mabugbog ng kanyang kaklase. Ani niya, hanggang ngayon ay may trauma pa rin siya dahil sa nangyari. Hindi niya raw kasi inaasahang mangyayari sa kanya ang mga napapanood niya lang noon sa social media. Ayon sa dalaga, halos isang buwan siyang hindi nakabalik sa paaralan dahil kinailangan niyang maka-recover.

Bagama’t nangyari ang insidente sa labas ng paaralan, sinisiguro naman ng mga awtoridad ng eskwelahan na sila ay makikipag-ugnayan sa DSWD para maresolba itong kaso.

Hindi naman ibinahagi ng biktima ang buong kwento kung ano ang dahilan ng pag-atake sa kanya ng kaklase. Ang tanging nakikita lang niyang dahilan ay selos.

Reaksyon ng pamilya ng biktima

Ayon sa ama ng dalaga na nabugbog, naiyak sila dahil sa sinapit ng kanilang anak. Maging sila nga raw ay hindi nagbubuhat ng kamay sa kanilang anak. Kaya naman noong nangyari ito ay hindi sila makapaniwala.

Ayon pa sa kanila, dapat lang na magkaroon ng pag-uusap at masampahan ng kaso ang kaklase ng kanilang anak. Bukod sa nag-offer na ang pamilya ng suspek na bayaran ang hospital bills ay magpapatuloy pa rin ang pamilya ng biktima sa pagsampa ng kaso sa kanya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bullying sa Pilipinas

Image from Freepik

Sa RA 10627, nakasaad na dapat protektahan ang sinumang makararanas ng bullying sa paaralan. Pinaiigting din ng Department of Education ang batas na ito dahil na rin sa dumadaming kaso ng bullying sa Pilipinas.

Sa kaso na mayroong mang-bully sa paaralan, hindi lang ang institusyon kundi pati na ang mga magulang ng bata ang maaring makasuhan. Kapag napatunayang pinabayaan ng mga magulang ang kanilang anak, sila ang maaaring mapatawan ng kasong child abuse.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi biro ang psychological effect ng bullying sa bata. Maaari itong tumagal ng taon at magdala ng trauma sa kanila. Hindi rin mawawala dyan ang takot at pag-aalala ng magulang dahil hindi na ito makakampante sa sitwasyon ng anak sa eskwela.

Kadalasang nagiging dahilan ito para i-transfer ang bata ng paaralan o di naman kaya ay ipag-homeschool sila.

Ano ang puwede mong magawa bilang magulang

Image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Upang maiwasan na maging bully ang iyong anak, bata pa lamang sila ay dapat na turuan na ng tamang asal. Hindi dapat sila pabayaang lumaki na walang gabay. Balaan din sila na sumama sa mga taong makabubuti lang para sa kanila. Madalas kasi ay kahit anong gabay natin sa kanila, maaari pa rin silang maligaw ng landas kung ang kanilang mga sinasamahan ay hindi magandang impluwensya.

Kung ang iyong anak naman ang na-bully, siguraduhin na aksyunan agad ito at makinig sa kanila. ‘Wag ipasawalang-bahala ang ganitong bagay dahil maari itong magdulot ng long-term psychological effect. Kausapin din ang kanilang mga guro kaugnay dito.

Tips kung paano maging mabuting magulang

1. Matutong mag-control o mag-self-regulate ng iyong emotions

Ang unang hakbang para mas maging pasensyoso sa iyong anak ay ang pagkakaroon ng healthy at self-nurturing na lifestyle. Ito ay iyong magagawa sa pamamagitan ng pagtulog ng maaga para makapagpahinga ng maayos, pagkain ng masustansya para ma-maintain ang iyong energy, pag-transform sa mga negative comments bilang form of encouragement at pag-isslow down sa paggawa ng mga bagay para hindi ka masyadong stress. At ang pinakaimportante sa lahat ay ang pagco-commit sa pagma-manage ng iyong reactions at emotions. Kaya ugaliin ang pagiging responsableng magulang sa iyong mga anak.

Tulad na lamang pag nagtatantrums ang iyong anak. Bago mo siya kausapin ay pakalmahin mo muna ang iyong sarili upang maayos mong masabi sa kaniya ang gusto mong sabihin.

Sa ganitong paraan ay mas maiintindihan niya na mali ang kaniyang ginagawa at mararamdaman niya ang pagmamahal at pagmamalasakit mo sa kaniya. Sa una ay mahirap gawin ngunit ito ay makakasanayan mo rin at iyong makikita ang malaking pagbabagong maidudulot nito sa kaniyang pag-uugali.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Mahalin ang iyong anak bilang siya

Ang bawat bata ay unique kaya naman kailangan rin ng magkakaibang approach para maipakita ang pagmamahal mo at pagpapahalaga sa kanila. Huwag mong asahang tulad ng ibang bata ay ganun din ang iyong anak.

Dapat ay matuto kang mahalin at tanggapin siya bilang kung sino siya habang ginagabayan siya sa tamang pag-uugali. Ang sikreto dito ay empathy o pagiging sensitive o pakikibahagi sa bawat step ng kaniyang buhay. Dapat ay maramdaman niyang sa lahat ng oras ay nariyan ka para sa kaniya na handang umitindi at umalalay habang tinuturuan din siya ng mga tama at mali.

3. Maging connected

Ang mga bata ay sumusunod at nakikipag-cooperate kapag nararamdaman nilang connected sila sa iyo. At ang pagkakaroon ng connection na ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng quality time sa kanila. Maaari mo itong gawin sa pamamagitan ng pagyakap sa kanila pagkagising sa umaga o ang paghalik sa kanila bago ka umalis at magpaalam.

Matapos ang hindi pagkikita ng ilang oras ay mag-spend ng 15 minutes sa iyong anak na siya lang ang focus at inaasikaso mo. Yakapin siya, makipaglaro o kumustahin kung ano ang nangyari sa kaniya habang ikaw ay wala.

Bago mag-hapunan ay patayin ang iyong cellphone at computer at mag-focus sa iyong pamilya. Bago matulog ay iparamdam sa kanila ang iyong pagmamahal sa pamamagitan ng goodnight kiss o pakikipagusap sa kanila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Maging role model

Ang pagiging responsableng magulang ang susi para rito. Ang isang bata ay gumagaya lang sa kaniyang nakikita. Kaya naman para magpakita sila ng maganda ring asal ay maging isang example o role model para sa kanila. Matutong makipagusap sa kanila ng may respeto at may konsiderasyon. Kapag nagagalit lagi mong tatandaan at sasabihin sa iyong sarili ang mga mantras na ito.

  • Ako ay isang role model.
  • Isa siyang bata at hidi niya pa alam ang kaniyang ginagawa.
  • Lilipas din iyan at matuto siya.

5. Bigyang pansin ang kailangan at damdamin ng iyong anak na dahilan ng kaniyang behavior

Isa sa pinakaimportanteng oras ng pagiging connected sa iyong anak ay kapag siya ay nag-tatantrums o nagpapakita ng misbehavior. Sa oras na ito ay dapat mong bigyan pansin kung ano ang kailangan niya o nararamdaman kung bakit siya nagwawala. Imbis na siya ay bigyan ng punishment ay maging loving example tulad ng pag-iencourage sa kaniya sa kung anong gusto niyang sabihin na hindi nagwawala o nanakit ng iba.

Ang sagot sa kung paano maging mabuting magulang ay hindi madali. Isa itong proseso na nagbibigay daan sa mas magandang samahan ng isang anak at magulang. Sa lahat ng oras ay dapat lang isipin na ikaw ay isang role model na kung saan ang bawat kilos mo ay tinitingnan ng iyong anak. Kaya naman para humubog ng isang mabuting anak, ang una mong kailangan gawin ay maging isang mabuting magulang muna.

 

SOURCE: GMA News Online

Basahin:

10 na bagay na ginagawa ng mabuting tatay para sa kaniyang mga anak

Sinulat ni

mayie