10 senyales na swerte ka sa iyong asawa

Ang mabuting katangian ng isang lalaki ang matibay na pundasyon ng relasyon. Paano mo nga ba malalaman na maswerte ka sa iyong asawa?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kahit na sabihin nating secured na ang relasyon niyo ng iyong asawa, mas nakakataba pa rin ng puso kapag nakakatanggap ka ng mga compliments na nagpapatunay na maganda ang pagsasama niyo. Ito ang ilang mga katangian ng isang lalaki na magpapatunay na swerte ka sa kanya.

Katangian ng isang lalaki

Hindi tatakbo ang isang relasyon kapag ang isa lang ang nagbibigay ng effort. Kailangan ay parehong gumalaw para patuloy na mag grow ang relationship niyo. Pero bilang isang ilaw ng tahanan, paano mo nga malalaman na swerte ka kay mister? Maaaring ganito pala ang asawa mo ngunit hindi mo ito napapansin!

 

Photo from Unsplash

10 senyales na swerte ka sa iyong asawa

1. Ikaw ang priority niya

Kahit na magsabay-sabay ang mga schedule ng asawa mo, nakakahanap pa rin siya ng paraan para pillin at magkaroon ng oras sa iyo.

 

2. Binibigyan niya ng atensyon kahit na maliliit na bagay

You are blessed kapag ang asawa mo ay natatandaan ang mga maliliit na bagay tungkol sayo. Katulad ng mga ayaw at hilig mo. Kung ano ang paborito mong kanta o mga movie na lagi mong pinapanood. Pinapakita niya kung gaano ka kahalaga para sa kanya sa pamamagitan ng pag-alala sa’yo sa lahat ng bagay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

3. Sa’yo lang ang kanyang focus

Kahit na kinasal na kayo, nababasa mo pa rin sa kanyang mga mata ang pag-ibig niya sa’yo. Walang nagbago at walang magbabago. Kahit hindi niya laging sinasabi na mahalaga ka sa kanya, nagagawa pa rin niyang iparamdam.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Photo from Unsplash

 

4. He challenges you

Isang blessing ang asawa mo kung ang priority niya sa’yo ay pilit ka niyang dinadala sa pagiging better version ng iyong sarili. Lagi siyang naniniwala sa’yo at sinusuportahan ka sa lahat ng bagay.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Binibigyan ka niya ng lakas ng loob

Siya ang iyong cheerleader. Binibigyang importansiya niya ang iyong mga pangarap gaya na lang sa pagpapahalaga mo dito. Pinapayagan ka niya sa lahat ng iyong kagustuhan at laging pinapaalala sa’yo na harapin ang lahat ng bagay.

 

6. Ipinagmamalaki ka

Masuwerte ka kung ang asawa mo ang kasama mo sa iyong success kahit na may pagdududa ka sa iyong sarili. Nandiyan pa rin siya bilang iyong gabay at enerhiya. Hindi siya nahihiyang purihin ka sa harap ng kanyang mga kaibigan at pamilya. Ito ay dahil sa proud siya sa’yo.

 

7. Ginagawa niyang makahulugan ang inyong pagsasama

Siya ang nagbibigay kasiyahan sa iyo. Nagagawa niyang makahulugan ang bawat araw na magkasama kayo. Ang mabuting asawa ay nakikita ang kagandahan sa isang normal na bagay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

8. Mahal niya ang inyong mga anak

Kung kaya ka niyang mahalin nang sobra, kaya rin niyang iparanas ang pagmamahal na ito sa inyong mga anak. Kung kaya niyang magpatakbo ng maayos na pamilya, isa siyang malaking biyaya para sa iyo!

 

Photo from Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

9. Hindi ka niya sinusukuan

Ang mabuting asawa ay sinusuportahan ka pa rin kahit na matagal na kayong nagsasama. Ang pagmamahal na nabuo sa inyong relasyon ay hindi kumukupas at patuloy pa ring nag-aalab.

 

10. Hindi siya takot na lunukin ang kanyang pride

Nagagawang aminin ng iyong asawa ang kanyang pagkakamali. Humihingi ng tawad at sinisiguradong hindi na ito gagawin ulit.

 

 

Tignan ang English version nito: theAsianparent Philippines

BASAHIN: 10 Signs na mahal ka ng asawa mo , ALAMIN: Mga tips para hindi iwanan ng asawa, ano nga ba ang dahilan nito?

 

Sinulat ni

Mach Marciano