Tips para hindi iwanan ng asawa
Hindi ko na maalala kung kailan ako uli tinignan ng asawa ko habang nagsasalita. Hindi ako pinapansin ng asawa ko, anong bang ginawa ko sa kanya para gawin niya sa akin ito?
Nangyari na rin ba ito sa inyo? Natanong mo na ba ang iyong sarili na “Bakit hindi ako pinapansin ng asawa ko?” at nagtataka kung ano ang kanyang ginagawa sa likod ng mga ito? Well, hindi ka nag-iisa.
“Bakit hindi ako pinapansin ng asawa ko?”
Hindi natin maitatanggi na masakit sa feeling kapag ang taong mahal mo ay bigla ka na lang iniwasan at itrinato na parang iba. Lalo na mas masakit tanggapin kung ang taong ito ay ang asawa mo. Ayon sa isang pag-aaral, ang pag-iwas sa isang tao nakakapagpabuhay sa isang parte ng utak at ito ang nagiging ‘physical pain’.
Parang dati, masaya pa kayo sa piling ng isa’t-isa. Kapag may sasabihin ka sa kanya, nararamdaman mo ang kanyang galak at pagka-excite sa bawat salitang binibitawan mo. Pero ngayon, para na lang kayong estranghero na nakatira sa iisang bubong. Mas pinipili niya pang humarap sa laptop at makipag-usap sa kanyang mga katrabaho.
Kapag mas tumatagal pa ang ganitong scenario, mas nababalisa ka. Kung anu-ano na lamang ang pumapasok sa isip mo. Kadalasan, ang oras talaga ang makakatulong sa iyo para tuluyang makalimutan ang sakit. Pero kung ganito ang inyong scenario? Lalo lang itong lalala kung patatagalin.
Dahil mahirap maging malapit ulit sa isa’t-isa lalo na kung nagkakalabuan na kayo at wala ng komunikasyon.
Samakatuwid, ang dahilan ng paghihiwalay ng may-asawa ay kapag ang isa sa inyo ay nagsimulang maghanap ng iba na ipaparamdam sa kanilang hindi sila nag-iisa.
Photo from Unsplash
Bakit? Ano ang dahilan ng ganitong pag-uugali?
Ayon sa mga eksperto, ang hindi pagpansin sa asawa ay karaniwang nangyayari kapag nagkakaroon ng batayan sa inyong mag-asawa.
Maaaring pumasok dito ang madaming bagay. Katulad na lamang kapag pinapalaki ang isang maliit na away. O ‘di naman kaya kapag ang isa ay nakakaramdam na ng pagkasawa sa inyong relasyon. Ang hindi pagpansin sa asawa ay isang sign din ng pangangaliwa.
Pwede rin ang mga maliliit na issue rin ang dahilan at hindi mo ito namamalayan. Halimbawa, ang iyong asawa ay sobrang busy at stressed sa trabaho, o nakakaramdam siya ng kagustuhang magkaroon kayo ng space sa isa’t-isa kapag hindi kayo nagkakaintindihan.
Ano man ang rason sa likod nito, ang hindi pagpansin sa asawa ay magdudulot ng lamat sa isang relasyon.
Sa isang pag-aaral ni Paul Schrodt, napag-alamang ang ‘silent treatment’ ay nakakasira ng isang relasyon.
“It decreases relationship satisfaction for both partners, diminishes feelings of intimacy, and reduces the capacity to communicate in a way that’s healthy and meaningful.”
Tips para hindi iwanan ng asawa. Ano ang dapat gawin?
Maraming ang rason kung bakit ka iniiwasan o hindi kinakausap ng asawa mo. Maaring ang kakulangan ng komunikasyon ang pinakamalaking dahilan nito.
STEP ONE: Bridge the communication gap
“Bakit iniiwasan ako ng asawa ko?” Hindi mo malalaman ang kasagutan dito kung hindi ka magkukusang tanungin.
Tips na dapat alalahanin kapag kakausapin na ang asawa:
- ‘Wag manisi. Sa halip na itanong ang “Bakit mo ako iniiwasan?” o “Lagi kang wala dito sa bahay.” Ang marapat mong sabihin ay “Namimiss kita.” o “Nararamdaman kong wala na hindi na tayo nagbobonding.”
- ‘Wag madaliin ang pag-uusap. Humanap ng tamang oras. Dapat hindi kayo parehong pagod o may pupuntahan
- Pag-salitain mo siya at makinig din ng maigi sa kaniyang paliwanag.
Photo from Unsplash
STEP TWO: When you find out the root cause..
Kapag nagkaroon na kayo ng masinsinang pag-uusap, at nalaman na ang sanhi nito, maaari niyo nang ayusin ang problema.
Tips na dapat alalahanin ayon sa mga eksperto:
- ‘Wag mong balewalain ang kaniyang mga suggestions para maayos ang inyong problema kahit na hindi ka sang-ayon dito. Katulad na lamang kapag nakakaramdam siya ng kakaiba kapag masyado ka nang busy sa trabaho sa inyong mga anak o sa mga gawaing bahay at gusto niyang magkaroon naman kayo ng oras sa isa’t-isa. Maaari kang mag suggest kung ano ang kaya mong i-manage. Katulad na lang ng maagang patulugin ang mga bata at i-try manoon ng movie pagkatapos.
- Kapag sinabi niyang stress o depress siya, siguraduhing masasandalan ka niya. Iparamdam mo sa kaniya na nandyan ka para sa kaniya.
- ‘Wag manisi at magreklamo. Maaaring ito ang dahilan kung bakit tuluyan na siyang hindi makipag-usap sa’yo. Matutong umintindi.
- Work together and rebuild intimacy. Kailangan ng masinsinang pag-uusap at pag-iintndi bago maayos ito. I-clear lahat ng nyong schedules at subukang magbonding.
“Hindi ako pinapansin ng asawa ko dahil mayroon na siyang iba..”
Ayon sa mga eksperto maaaring gawin ang mga ito:
- ‘Wag magpadala sa galit. Kahit na sabihin nating hindi maiiwasangm magalit ka, i-try mo pa ring ‘wag magpadala dito. Maaaring makasakit ito sa yong asawa at io ang dahlan ng tuluyan niyong pagkasira. Iwasan din ang pananakit ng pisikal.
- Time Apart. Kapag nalaman mong may iba na ang iyong asawa, hindi mo talaga maiiwasan ang madepress o magalit. Ang marapat mong gawin ay lumayo muna sa iyong asawa at magpahupa ng galit.
- Suriin ng mabuto ang affair. Ito ba ay panandalian lang o masyado nang malalim ang kanlang pagsasama? Ang parehong sitwasyon ay mali. Mahirap solusyonan ang inyong problema kung masyado nang malalim ang konekyon ng asawa mo sa ibang babae,
Kung sa tingin mo ay kaya pang masulosyonan ang ganitong pangyayari, maari kang:
- Ilabas ang iyong nararamdaman sa iyong asawa. Sabihin mo sa kaniya kung gaano ka nasaktan sa naging relasyon niya sa ibang babae. Tandaan, maging kalmado at igalang pa rin ang asawa.
- Humingi ng tulong sa isang marriage counselor. Itanong kung paano ulit maayos ang inyong samahan at kung ano ang dapat gawin dito.
- Forgive your partner. Mahirap man magpatawad ay kailangan mo rin tong gawin para sa inyong pagsasama. Intindihin na ang pagpapatawad ay hindi katulad ng pagkalimot. Kailangan ma-realize ng mag-asawa ang kanilang sariling kamalian.
Photo from Unsplash
SOURCES:Better Help Hey Sigmund Tips na dapat alalahanin kapag kakausapin na ang asawa:
BASAHIN: Ang dahilan kung bakit #1 dapat si misis sa iyong buhay
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!