10 na bagay na ginagawa ng mabuting tatay para sa kaniyang mga anak

Alamin dito ang sampung ginagawa at katangian ng mabuting tatay para sa kaniyang mga anak at ano nga ba ang kaibahan ng pagiging ama sa pagiging tatay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano nga ba ang katangian ng mabuting tatay? Naniniwala ako na kahit sino ay maaaring maging isang ama. Ngunit nangangailangan ng isang tunay na lalaki upang maging isang tatay. Mula noon hanggang ngayon ang aking ama ang tinuturing kong “role model” ng pagiging isang tunay na lalaki at pagiging isang tatay.

Mababasa sa artikulong ito:

  • 10 katangian ng mabuting Tatay
  • Payo sa mga tatay

Ano nga ba ang ibig sabihin ng maging isang tatay? Ang pagiging tatay ay nagbabago lalo na sa pabago-bagong lipunan at pabago-bagong tradisyonal na pamilya.

Katangian ng mabuting tatay o ama | Image from Dreamstime

10 na katangian ng mabuting tatay

Maraming taon na ang nakalipas, napagtanto ko ang kaibahan ng isang ama at isang tatay.

Maaaring pareho silang tumatayo sa umaga upang magtrabaho at mag-provide sa kanilang mga pamilya kahit na ayaw nila ang kanilang trabaho—hindi lamang mag-provide sa kanilang mga pangangailangan sa pang-araw-araw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kundi pati na rin magkaroon ng extra katulad sa lesson na maaaring kailangan ng anak o family vacation nila. Maaari rin na pareho silang physically present sa mga events ng kanilang mga anak, ngunit ang kaibahan na sinasabi ko sa pagiging isang ama at isang tatay ay mas malalim pa.

Ang kaibahan na ito ay para sa akin ang tunay na bumubuo sa kung ano talaga ang pagiging “tatay.”

1. Ang mga mapagmahal na tatay… mahal ang ina ng kanilang mga anak

Unang-unang katangian ng mabuting tatay ay pagiging mapagmahal nito.

Mahalin ang iyong asawa nang walang reserbasyon—hindi mo magagawa ang higit pa para sa iyong mga anak kaysa rito. Kung hiwalay ka na, tratuhin nang may paggalang ang ina ng iyong mga anak, kahit na hindi ito gantihan ng pag-galang. Aniya nga nila, “Never return disgrace with disgrace.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mas magandang may mabuting ugnayan pa rin sa ina ng iyong mga anak kahit hiwalay na kayo. Sa pamamagitan din nito matutulungan mo ang inyong anak na lumaki ng maayos kahit hiwalay na kayo ng kaniyang ina.

2. Mahalin mo ang iyong mga anak nang walang pasubali

Tiyaking alam ng iyong mga anak na mahal mo sila kahit na ano mang mangyari. Huwag malito at ikumpara ito sa tinatawag na “permissiveness,” sapagkat ang pag-ibig na walang kondisyon ay hindi ine-encourage ang maling uri ng pag-uugali.

Sa katunayan, ang mga bata na secure sa pag-ibig ng kanilang tatay ay may posibilidad na kumilos nang mas kaunti at naaayon, hindi higit pa.

Magagawa ito sa maraming paraan katulad na lamang ng pakiki-bonding sa iyong anak sa pamamagitan ng pagkain niyo sa labas, pakikipaglaro sa kaniya, paglalaan ng oras para makipagkwentuhan sa kaniya at marami pang iba.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Katangian ng mabuting tatay o ama | Image from Dreamstime

3. Umastang grown-up at maging magandang modelo o halimbawa

Ang mga bata ay hindi kailangan ng isa pang kaibigan. Kailangan nila ng tatay, ng magandang halimbawa. Nais ng mga anak ay ang isang tatay na iniisip ang mga bagay-bagay nang mabuti, gumawa ng mga mahihirap na pagpapasya, at nakikibahagi sa buhay na may responsibilidad—isang tatay na maaari nilang asahan, masandalan, at magabayan sila.

Ang isang tatay ay nagpapakita ng pagmamahal, pakikiramay, at pasensya hindi lamang sa kanyang pamilya, kundi sa mga tao sa kabuuan. Ganun din ang pakikinig ng tatay sa kaniyang anak ay isang pagpapakita ng isa mabuting tatay.

Sapagkat kapag pinapakinggan mo rin ang iyong anak mas mapapalapit ang loob niya sa ‘yo at ituturing kaniyang kaibigan at tatay. Sa pamamagitan nito mas hindi maglilihim ang iyong anak at magagabayan siya ng tama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Laging nandiyan para sa mga anak

Ang “quality time” ay maganda naman talaga at ito ang nararapat sa isang relasyon, pero walang-wala ito sa “quantity time.” Maglaan ng oras.

Ang bawat tao’y may pare-parehong 24 na oras na nagagamit. Kung kaya’t ang sa iyo “make it count.” Isang nakamamahang katangian ng mabuting tatay ay ang talento nito kung paano balansehin ang kaniyang oras.

Tandaan na kahit gaano ka pa ka-busy sa trabaho ay laging maglaan ng oras upang magkaroon ng quality time kasama ang iyong anak. Mahalaga ito, lalo na kung bata pa ang iyong anak. Sapagkat habang lumalaki ang bata importante na may tatay na gumagabay sa kaniya.

BASAHIN:

Para sa tatay na hindi paborito ng kaniyang mga anak

STUDY: Mga tatay na medyo mataba, mas mabubuting ama at asawa

5 na hindi dapat sinasabi ng tatay sa kanyang anak

5. Mag-provide para sa pamilya

Mag-provide as best as you can, ika nga nila. Ang materyal na bagay ay maaaring maging mahirap kapag ang trabaho ay biglang nawala at kung bigla ngang dumaan sa isang mahirap na panahon ang pamilya.

Gayunpaman, maaari ka pa ring magbigay o magtayo ng isang matatag na tahanan na may pag-ibig at pagmamahal. Ang mga materyal na bagay malaki man o hindi at kung mayroon man o wala, ang mahalaga ay isang pamilyang buo at may pagmamahal sa kabila ng hirap.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

6. Katangian ng mabuting tatay ang disiplinahin ang mga anak

Pinahahalagahan ng mga bata ang isang pantay na pagdidisiplina, balanse, may pananagutan, at kahit na ang “tough love” kung tawagin.

Disiplinahin ang iyong anak sa paraang mauunawaan ka niya kung bakit mo ito ginagawa o bakit mo siya pinagbabawalan. Sa pamamagitan nito magagabayan at mapapalaki mo ang iyong anak ng mabuti.

Katangian ng mabuting tatay o ama | Image from Dreamstime

7. Ipakita ang kahalagahan ng edukasyon sa iyong anak

Huwag lamang basahin sa kanila; basahin kasama nila. Huwag mag-alala tungkol lamang sa mga marka nila sa paaralan; makisali rin sa kanilang mga homework o assignment. Huwag lamang pag-usapan ang tungkol sa pag-aaral o karunungan; maging tagapagtaguyod mismo nito.

Ituro rin sa kanila na bukod sa edukasyon mahalaga ang pagiging mabuti sa kapwa. Ganun din na hindi laging nasusukat sa marka o grado sa paaralan ang angkin nilang galing.

Ika nga nila, “Be always present when it comes to your children’s education.”

8. Palakihin ang mga anak nang maayos upang maging ready sila pag-alis nila ng bahay

Palakihin ang mga bata ng maayos at well-equipped sa buhay upang maging ready umalis ng bahay at maging matatag sa pag-establish nila ng sarili nilang mga buhay.

Turuan sila sa reyalidad ng buhay, ihanda sila sa mga posibleng kakaharapin nila kapag lumaki na sila at nagkaroon na rin ng sariling pamilya.

9. Turuan silang maging responsableng mga tao

Ang mga bata na natututo kung paano iwasan ang responsibilidad at iwasan ito ay kalaunan na babagsak sa kanilang mga sarili. Tinitiyak ng mapagmahal na mga tatay na alam ng kanilang mga anak kung paano mag-own up sa kanilang mga sarili, mag-clean up ng kanilang mga kalat sa buhay, at siyempre magpatuloy sa buhay pagkatapos. Katangian ng isang ama na itama ang mga magagawang mali ng isang anak.

10. Turuan silang mahalin ang buhay na ito at ang buhay nila

Katangian rin ng isang ama ang pagiging pinakamahusay na prediktor ng kaligayahan sa mga bata at kaligayahan sa kanilang mga magulang. Kung matututunan natin kung paano mahalin ang buhay na ito at pagkatapos ay ibigay ang blessing na iyon sa ating mga anak. Magiging handa sila at malalaman nila kung ano talaga ang tunay na kaligayahan na may satisfaction.

 

Ang pagiging isang ama ay madali at nangangailangan ng kaunting emosyonal na pamumuhunan. Ang pagiging isang tatay naman para sa akin ay isang dedikado, mahirap, at habambuhay na responsibilidad—na hanggang ngayon nga ay ginagampanan ng aking tatay sa akin kahit ako’y may sarili ng pamilya.

 

Source:

PsychologyToday, Bright Horizon, BBC