Ano sa tingin mo ang mga katangian ng mga manloloko?
Kahit na iba-iba ang bawat relasyon, napagtanto ng mga tagapagpananaliksik sa University of Queensland na mayroong iilang katangian na karaniwan sa mga nangangaliwa. Heto ang iilan sa kanila.
Mga katangian ng mga manloloko
1. Madaming sekswal na partner
Ang mga taong nagkaroon ng mas madaming sekswal na partner ay mas malamang na manloko. Maaaring mas mahusay sila sa sex, kaya naghahanap pa sila ng ibang partner. Maaari ding mas magaling silang manlambing at kumilala kung sino ang interesado sa kanila.
2. Mapusok
Pag may mga mapusok na tendensiya ang isang tao (impulsive), maaaring hindi niya pinapag-isipang maigi ang sitwasyon at ang mga posibleng kinahinatnan. Agad-agad lang nila ginagawa ang gusto nila, base sa kanilang nararamdaman.
3. Malayo ang loob sa partner
Di nakakagulat na isa sa mga pinaka-karaniwang dahilan kung bakit nangangaliwa ang mga tao ay dahil sa paglayo ng loob sa kanilang partner. Maaaring hindi na nila nararamdaman ang pagmamahal ng partner nila o di na sila nasisiyahan sa kanilang pangunahing relasyon, kaya hinahanap nila ito sa iba.
Mga ibang pang natuklasan
Nakita din ng mga tagapagpananaliksik na wala masyadong kaugnayan ang katagalan o kalaliman ng relasyon sa pangangaliwa. Hindi porket matagal na kayong kasal ay walang mangangaliwa sa inyo. Hindi rin porket kakakasal pa lamang at bago pa ang relasyon ay hindi ito, mangangaliwa.
Iba-iba din ang paraan ng pangangaliwa ng mga babae at lalaki. Mas nakikipagtalik ang mga lalaki sa di nila karelasyon, ngunit pare-parehong nakikipaghalikan ang mga babae at lalaki sa kanilang mga kalaguyo.
Dapat tandaan natin na mga patnubay lang ang mga ito, at hindi tiyak na palatandaan. Kung maraming sekswal na partner ang iyong asawa dati, hindi natin masasabi na di niya maiiwasan ang pangangaliwa. Kung impulsive ang asawa, maaari rin sa inyong dalawa niya ito maituon. Kung malayo ang loob, maaaring may pinagdaraanan lang siya.
Para iwasan ang pangangaliwa sa relasyon, siguraduhing patuloy ang inyong komunikasyon at natutugunan ninyo ang mga pangangailangan ng isa’t isa. Para sa mga ibang tip tungkol sa pag-iwas sa panloloko, basahin ito: How can you prevent your spouse from cheating in your marriage?
Source: The Independent
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!