Para sa mga bunso at pangalawang anak na nagbabasa nito, ihanda niyo na ang mga sarili. Dahil ito ay para sa ate/kuya niyo. At ito ang mga katangian ng panganay na magpapatunay na sila ang pinakamatalino sa mga magkakapatid! Pero, teka, ‘wag magdadamdam dahil lahat tayo ay may kanya-kanyang kakayahan.
Mga katangian ng panganay
Sa isang pamilya, ang kadalasang kanang kamay ng mga magulang ay ang panganay na anak. Ang tatay at nanay ang nagpapatakbo ng pamilya. Ang panganay naman ang nagbabalanse ng mga bagay na pinapasa sa kanya ng mga magulang. Siya rin ang katuwang ng mga ito sa pagtaguyod ng pamilya.
Dahil dito, kadalasang lumalaking matured at madiskarte ang isang panganay. Nakukuha nito ang mga ugali ng kanyang magulang.
Ayon sa isang pag-aaral ng The Journal of Human Resources, ang mga panganay daw ang talagang nagsa-stand out sa magkakapatid. Sila ay may mas mataas na kakayahan sa akademiko at intelektwal. Ito ay marahil sa pagpapalaki na naranasan niya mula sa kanyang mga magulang.
“First-time parents tend to want to do everything right and generally have a greater awareness of their interactions with and investments in the firstborn,” Jee-Yeon K. Lehmann
Kahit na sabihin nating pantay kung magbigay ng pangangailangan at pagmamahal ang mga magulang, kadalasan pa rin ay mas nagbe-benefit ang mga panganay dito. Hindi talino ang kanilang na-adopt sa mga magulang kundi pati na rin ang pagiging praktikal at maparaan nito.
Ano ang dahilan nito?
Maaaring mabigyang kasagutan kung bakit ang mga panganay ang pinakamatalino sa magkakapatid. Ito ay dahil sila ang unang naging anak ng mga magulang mo. Nasa kanya lahat ng atensyon at ng responsibilidad. Malaki rin ang investment ng time para sa kanila kaya natututukan din ito sa kanilang pag-aaral.
Ayon pa sa pag-aaral, ang pagkakaroon ng madaming anak ay nagreresulta sa pagbabago ng ugali ng magulang. At dahil dito, hindi nila masyadong natututukan ang mga batang anak. Wala na itong oras para sa pagtuturo ng lesson sa school o pagturo ng music.
“As the household gets bigger, time has to be split with younger children so they miss out on the advantage of being an only child for a time. It doesn’t mean first-borns get more love, that stays the same. But they get more attention, especially in those important formative years.” -Dr. Ana Nuevo-Chiquero
Source: Make It
BASAHIN: Paano nagkakaiba ang ugali ng mga panganay, gitna, at bunso? , Mga panganay na anak, mas matalino raw ayon sa isang pag-aaral