Ang atas ng kapanganakan ay may malaking epekto sa ugali ng tao at development ng isang bata. Ito ay dahil ang mga magkakapatid ay magkaka-iba kung paano pinapalaki. Tignan ang mga katangian ng kapatid at suriin kung totoo sa sariling karanasan:
Ang mga panganay
Isa sa katangian ng kapatid na panganay ay kadalasan sila ang mga nagiging pinuno. Napapalaki ang mga panganay na puno ng atensyon habang wala pang ibang kapatid. Sila ay nabibigyan ng mga pangaral kaya lumalaki na mataas ang kumpiyansa sa sarili at kakayahan na mamuno. Pag nakaroon ng kapatid, sila ay naaatasan na tumulong sa pag-aalaga at mga gawaing bahay. Dahil dito, lalong nahahasa ang kanilang pagiging pinuno.
Isa rin na katangian ng mga panganay ang pagiging matalino. Ayon sa isang pag-aaral ng University of Edinburgh, ang pagbibigay ng pagpapasigla sa isip ng mga panganay mula sa mga magulang ay nagiging dahilan ng pagtaas ng kanilang mga IQ. Ang nagiging problema ay maaaring makaramdam ang mga panganay na bata ng pamimilit na maging perpekto.
Katangian ng kapatid | Image from Freepik
Ang gitna sa mga magkakapatid
Kadalasan nangyayari na ang mga panganay at bunso ay nabibigyan ng atensyon habang pakiramdam ng nasa gitna ay hindi sila napapansin. Dahil ang kanyang mga ginagawa ay nagawa na ng mga panganay, maaaring hindi na ito mabigyan ng atensyon. Ganon pa man, dahil sa laging nakakasama ang ibang kapatid, ang mga gitna sa magkakapatid ay nihirang magka problema sa emosyon. Ang mga gitna sa magkakapatid ay kadalasang nagiging artists o jokers para makakuha ng atensyon. Sila ay kadalasang mas malikhain upang mahanap ang kanilang sariling lugar.
Isa pang ugali ng tao na gitna sa magkakapatid ang pagiging magaling na tagapag-kasundo. Sila ay nasasanay sa pagbabati ng mga kapatid at nagiging magaling na lider din. Nahahasa ang kanilang kakayahan sa mga tao dahil sa posisyon nila sa magkakapatid, nakikita nila ang bagay sa parehong angulo.
Ang mga bunso
Ang katangian naman ng kapatid na bunso ay karaniwang kinikilala bilang paborito ng mga magulang ngunit halos lahat ay pakiramdam na napagiiwanan. Ito ay dahil hindi nila magawa ang lahat ng kayang gawin ng mga nakakatandang kapatid. Nararamdaman nila na sila ay hindi sapat at may depekto. Dagdag pa dito na kadalasan ay ayaw makipaglaro ng mga masnakakatanda sa bunsong kapatid. Dahil ang tingin sa kanila ay mga sanggol, sila ay gumagawa ng paraan upang patunayan ang sarili. Ito ang dahilan kaya kadalasan sa mga bunso ay nagiging negosyante.
Maaari rin makuha ng mga bunso ang katangian ng kanilang mga magulang sa pagpapalaki sa kanila. Sa mga panganay, dahil hindi pa sanay ang mga magulang, kadalasan ay mahigpit ang pagpapalaki. Dahil sanay na sila pag-dating sa bunso, mas-relaxed na ang kanilang pag-aalaga. Dagdag pa dito na hindi lang ang bunso ang inaaalagaan na bata. Ito ang dahilan kaya ang mga bunso ang laging nagiging pinaka-nakakatawa sa pamilya.
Katangian ng kapatid | Image from Freepik
Ang mga nag-iisang anak
Ang ugali ng tao na nakukuha ng mga nag-iisang anak ay pinagsamang ugali ng mga panganay at bunso. Nakukuha nila lahat ng atensyon mula sa mga magulang. Kahit sila pa ay maging high-achievers, kadalasan parin mararamdaman na bina-baby ng mga magulang. Sila ay tinuturing na matatanda dahil sila ay nabubuhay sa mundo ng mga matatanda.
Nasasabi sa mga pagaaral na masmasaya ang mga nag-iisang anak dahil wala silang nararanasan na pakikipagkumpitensya sa mga kapatid. Ganon pa man, ang pagkawala ng kapatid ang nagiging dahilan ng pagbaba ng kanilang kakayahan makisama.
Katangian ng kapatid | Image from Freepik
Ang epekto ng laki ng pamilya sa mga pagitna sa magkakapatid
Ang mga nasa gitna sa magkakapatid ng malaking pamilya ay nagreresulta sa lalong pagkawala ng pagkakakilanlan nila. Dahil sa dami nila, nahihirapan ang mga ito na makakuha ng atensyon habang pareho parin ang nakukuha ng mga panganay at bunso.
Ang bilang ng taon sa pagitan ng magkakapatid
Lalong makikita ang epektong ito sa ugali ng tao kapag masmaliit ang agwat ng edad ng mga magkakapatid. Nakikitang sanhi nito ay ang pagkakaroon ng parehong pangangailangan ng mga bata. Habang tumatanda ang mga panganay, mas makakausap na ito tungkol sa pagkakaroon ng kapatid. Naniniwala ang mga psychologists na ang pagkakaroon ng agwat na 5 taon ay nagre-reset sa mga ugali ng tao na makukuha dito.
Hindi apektado ng atas sa kapanganakan
May mga iba na hindi nakukuha ang ugali ng tao ayon sa pang-ilan sila sa magkakapatid. Ayon kay Dr. Campbell at Dr. Allan Stewart, tanging 60% ng mga tao lamang ang nakakaranas ng epekto ng atas sa magkakapatid. Maaaring hindi maapektuhan nito kung, halimbawa, hindi maganda ang mga grado sa paaralan. Sa ganitong pagkakataon, ang mga susunod ay maaaring makuha ang paguugali na nakalaan sa panganay.
Isa pa sa mga rason na maaaring maituro ay ang kasarian ng mga bata. Ito ay dahil sa kultura at tradisyon ng isang pamilya. Ang mga inaasahan sa pagkakaroon ng panganay na babae o lalaki ay magkaiba depende sa nakasanayan ng isang pamilya. At ang pagiging natatanging lalaki o babae rin sa magkakapatid ay maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng ispesyal na pagtrato mula sa mga magulang.
Ang atas sa magkakapatid ng mga magulang
Ang ugali ng tao na nakukuha ng mga magulang sa kung pang-ilan sila sa kanilang mga kapatid ay nakaka-apekto sa pagaalaga sa mga anak. Maaaring hindi sinasadya o napapansin pero may maibibigay na pabor ang mga magulang sa kung sinong anak ang naiintindihan nito ang posisyon. Dahil naikukumpara ang sariling pagapapalaki sa pagpapalaki ng mga sariling anak, maaaring magawa ang pareho o kabaliktaran sa naranasan.
Source:
Reader’s Digest
Basahin:
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!