Ina ni Kathryn Bernardo sa hiwalayan nila ni Daniel Padilla: “Hindi dito nagtatapos ang ating pagsasama❤️”

Ina ni Kathryn na si Mommy Min hindi nawala sa tabi ng aktres mula ng magsimula itong pumasok sa showbizness.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kathryn Bernardo mom na si Min Bernardo may maikli ngunit nakaka-inspire na reaksyon sa hiwalayan ng anak at long-time boyfriend nitong si Daniel Padilla.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Kathryn Bernardo mom reaction sa breakup nila ni Daniel Padilla.
  • Ina ni Kathryn Bernardo.

Kathryn Bernardo mom reaction sa breakup nila ni Daniel Padilla

Larawan mula sa Facebook account ni Kathryn Bernardo

Hanggang ngayon ay hindi parin nakakamove-on ang mga fans at followers ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ito ay kahit ilang araw na ang lumipas ng kumpirmahin ng dalawa na tapos na ang kanilang relasyon na umabot rin ng 11 na taon. Ang breakup nilang dalawa inanunsyo nila sa publiko sa pamamagitan ng kanilang Instagram account.

Maingay ang sabi-sabing third party ang dahilan ng paghihiwalay ni Daniel at Kathryn. Ito ay hindi pinabulaanan o inamin ng dalawa. Sapagkat hanggang ngayon mula ng pag-amin na sila ay hiwalay na ay wala na silang ibang statement pa.

Sa kabila ng mga sabi-sabi inabangan ng lahat ang magiging reaksyon ng ina ni Kathryn. Sa Instagram imbis na galit o negative reaction, ay ito ang nasabi ni Min Bernardo. Ang ina ni Kathryn matapos ang announcement nitong hiwalay na sila ni Daniel. Ito man ay patungkol sa mga fans ng dalawa, nakaka-touch naman ito dahil sa makikitang pagsuporta ni Mommy Min sa kaniyang anak na si Kathryn at kay Daniel.

“KathNiels, Kathcakes, Solid DJ maraming maraming salamat sa inyo, hindi dito nagtatapos ang ating pagsasama.❤️”

Ito ang sabi ni Mommy Min.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Kathryn Bernardo

Ina ni Kathryn Bernardo

Ang ina ni Kathryn Bernardo na si Min ay laging hindi nawawala sa tabi ng aktres sa lahat ng showbiz endeavors nito. Mula pagkabata ay suportado nito si Kathryn kaya tinatawag itong staged mother. Kaya naman sa mga nangyayari ngayon sa aktres, nangunguna si Mommy Min na nasasaktan para sa kaniyang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil dito, si Kathryn sa pamamagitan ng isang mothers day greeting ay pinasalamatan ang lahat ng efforts ng kaniyang ina para maalagaan siya. Ito ang kaniyang nasabi noon sa ina.

“Thanks for letting me grow slowly, and for never leaving me in the process especially when things get rough.”

Larawan mula sa Facebook account ni Kathryn Bernardo

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement