LOOK: Kaye Abad, isinilang na ang second son, si Baby Iñigo!

Ayon kay Kaye, ang experience niya sa panganganak sa kaniyang 2nd baby ay totally different sa panganay niyang si Joaquin. Alamin ang birth story niya dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaye Abad at Paul Jake Castillo winelcome ang pangalawa nilang anak na isa paring boy na pinangalanan nilang Iñigo.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Pagsilang ng 2nd baby nila Kaye Abad at Paul Jake Castillo.
  • Birth story ni Kaye Abad sa pangalawa niyang anak na si Baby Iñigo.

Kaye Abad at Paul Jake Castillo 2nd baby

Isinilang na ni Kaye Abad ang pangalawa nilang anak ng mister na si Paul Jake Castillo. Ito ay isang lalaki na pinangalanan nila na Baby Iñigo.

Ang magandang balita na ito ay ibinahagi ng mag-asawa sa pamamagitan ng isang vlog sa kanilang YouTube channel. Sa kanilang vlog ay idinetalye nila Kaye kung paano naging mahirap at kakaiba ang birthing experience niya dito kumpara noon sa panganay niyang si Joaquin.

Kuwento ni Kaye, August 31 nang umihi siya at may makitang konting dugo sa ihi niya. Dahil siya ay may history ng mabilis na pag-poprogress ng labor noon sa panganay niyang si Joaquin ay ipinayo ng doktor na pumunta na siya sa ospital at patingnan ang status ng kaniyang pagbubuntis.

Kaye Abad sa pangalawa niyang beses na panganganak: “totally different experience”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image screenshot from YouTube video

Nang matingnan sa ospital ay nalaman ni Kaye na naglalaro lang sa 4-5cm ang dilation ng cervix niya. Ito ay hindi nabago hanggang kinabukasan na naging dahilan umano para ma-frustrate ang aktres. Kuwento ni Kaye,

"So the whole September 1 naglalaro lang siya sa 4-5 cm. Umabot ako sa point na noong gabi nag-breakdown ako. Na-frustrate ako kasi bakit ganoon hindi siya nagmo-move. Every IE 4-5 cm lang."

Nagkaroon lang daw ng pagbabago sa pakiramdam niya ng September 2 ng hapon kung saan mula sa 5cm ay mabilis na nag-progress ang pagle-labor niya.

"September 2 mga 3pm almost 5 cm palang din. Pero nag-increase na 'yong pain para na siyang dysmenorrhea na from 1-10 nag-start ako ng 5 tapos biglang 7 na siya.”

"Tinanong ako ng OB ano gusto mo pa ba mag-epidural sabi ko kaya pa. Hanggang sa napapakapit na ko sa bakal ng bed."

Ito umano ang naging palatandaan para magpa-inject na ng epidural si Kaye na hudyat narin pala sa nalalapit niyang panganganak.

Makalipas nga ang dalawang oras ay ipinanganak na ni Kaye si Baby Iñigo na isang big baby pero masaya siyang naipanganak niya ng normal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Lumabas si Inigo mga 5:12, 6.12 pounds. Ang laki but normal. 6.12 siya at 39 weeks.”

Ito ang masayang pagbabahagi ni Kaye sa pagsilang ng kaniyang 2nd baby.

Kuwento ni Kaye, “totally different experience” ang panganganak niya kay Baby Iñigo kumpara sa panganay niyang si Joaquin. Dahil maliban sa ngayon ay sa Cebu siya nanganak kay Iñigo at hindi sa Maynila tulad ng kay Joaquin ay mas nahirapan siya dito.

BASAHIN:

Ibinahagi ni Kaye Abad ang kanyang karanasan bilang isang first-time mom

Kaye Abad on Trusting Husband Paul Jake: “Kapag Hinigpitan, Lalong Mambababae”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

WATCH: Kaye Abad and Paul Jake Castillo’s kilig-worthy wedding video

Kaye napaiyak ng makauwi at muling nakita ang panganay na si Joaquin

Image screenshot from YouTube video

Samantala sa pag-uwi ni Kaye sa kanilang bahay ay makikitang napaluha ito ng makitang muli ang anak na si Joaquin. Ito ay matapos ang ilang araw ng pananatili niya sa ospital habang nagle-labor at nang siya ay makapanganak na.

Ang karanasan na ito ni Kate ay naging relatable sa ilang mommy netizens na nakapanood ng kaniyang birth story. Pati na ang hirap na dinanas niya sa panganganak sa kaniyang 2nd baby.

Kalakip ang kanilang pagbati sa pagdating ng bagong miyembro ng pamilya nila Kaye at Paul Jake ay narito ang mensahe ng mga netizens sa mag-asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Reaksyon ng mga netizens

“I can totally relate to your experience Kaye with ur 2nd child. It wasn't easy at all. Great Job You did it with flying colors. Congrats PJ and Kaye!!  (sorry feeling close lang) ,??”

“Naiyak ako. I had the same feeling when I went home from the hospital and saw my first born after giving birth to my second. It was the longest week we had not seen each other and he slept without me by his side. ?”

May isa pang netizen ang nagbigay ng payo sa maari niyang gawin para hindi mag-selos ang panganay niyang si Joaquin sa baby brother nito.

“You can now teach Joaquin to assist you in giving you the diaper everytime you change Ingo. In that case he won't get jealous and will love his sibling the more ? Palanga naku and family nyo ❤️”

Ito ang mga reaskyon ng mga netizens sa pagdating ng 2nd baby nila Kaye Abad at Paul Jake Castillo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sina Kaye Abad at Paul Jake Castillo ay ikinasal noong December 9, 2016 sa Cebu City. Isinilang ni Kaye ang panganay nilang anak ni Paul Jake na si Joaquin noong December 22, 2017 na tatlong taon na ngayon.

Image from Paul Jake Castillo's Facebook account

Source:

YouTube