KC Concepcion nagkaroon ng COVID-19. Aktres muntik na daw makaranas ng posibleng paralysis kung hindi agad naagapan ang kaniyang sakit.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- KC Concepcion COVID experience
- Paalala ni KC matapos magkaroon ng COVID-19
KC Concepcion COVID experience
Image from KC Concepcion’s Instagram account
Sa pamamagitan ng Instagram story ay ibinahagi ng aktres at anak ni Megastar Sharon Cuneta na si KC Concepcion ang naging COVID-19 experience niya.
Ayon kay KC, nakuha niya ang sakit mula sa isang asymptomatic na tao na may dala ng virus. Sa hindi sinasadya ay nahawa si KC sa sakit na tatlong taon niya daw matagumpay na naiwasan.
Pero sa hindi niya inaasahan ay sa ganitong paraan niya makukuha. Si KC ay fully vaccinated narin.
“I evaded it for 3 years!!! But just like that it got me. From an asymptomatic person who unknowingly passed it on.”
Ito ang sabi ni KC sa kaniyang Instagram story.
Kuwento pa ng aktres, sobrang nakakatakot ang naging COVID-19 experience niya. Mabuti na lang at agad siyang nagpatingin sa doktor at nabigyan ng tamang gamot.
“You know how scared I was on Wednesday morning. I couldn’t handle it without the meds.”
Sabi pa ni KC, laking pasalamat niya sa doktor niya na tinulungan siya sa pakikipaglaban sa COVID-19. Lalo na para mapigilan ang posibleng paralysis na muntik ng maidulot ng sakit sa kaniya.
“I have my dearest doctor, the brilliant Dr. Albert Recio, to thank for acting urgently, and arresting a possible paralysis the other day due to a neurological effect covid had on me.”
Dagdag pa ni KC, hindi niya inakalang maaring ganoon kaseryoso ang epekto ng COVID sa kaniya. At ramdam na ramdam niya, kung paano nito naapektuhan ang katawan niya na hindi pa niya naranasan sa buong buhay niya.
“What I thought was a mild bout turned into something much more serious overnight. I felt a change in my motor skills and also knew it was hitting my brain. It’s like nothing I’d ever experienced before.”
Ito ang sabi pa ni KC sa kaniyang IG story.
Mabuti nalang sa tulong ng tama at agarang medikasyon ay unti-unti ng nakakarecover si KC mula sa sakit. Anim na araw matapos magsimulang makaramdam ng sintomas ay nakakabawi na daw ng lakas si KC. Ito ay tinatanaw niyang utang na loob sa doktor na tumingin at umalalay sa kaniya.
“Doc urgently prescribed me the exact meds I needed at exactly the right time – and by anticipating the progress of COVID in my body, he put me on the road to recovery. It’s my 6th day today since first onset of symptoms and I am still weak but regaining strength slowly but surely!! I am forever indebted to you doc for saving my life.”
Ito ang mensahe pa ng pasasalamat ni KC sa kaniyang doktor.
BASAHIN:
Derek Ramsay nirerespeto si John Lloyd Cruz bilang ama kay Elias: “Wala kaming problema.”
Kryz Uy sa pagkakaroon ng COVID: “I was just in bed, trying to recover, watching TV all day.”
Paalala ni KC matapos makaranas ng COVID
Image from KC Concepcion’s Instagram account
Dahil sa naranasan ay may paalala si KC sa pubilko tungkol sa sakit. Ito ay ang gawin ang lahat para manatiling ligtas mula sa sakit. Dahil hindi ito basta flu lang at maariing magdulot ng seryosong komplikasyon sa ating katawan.
“Stay SAFE everyone. This is not like the flu. It’s a whole different animal.”
“Try your best to live your healthiest lives. And let’s ENJOY WHAT LIFE HAS TO OFFER. MAHAL KO KAYO!”
Ito ang sabi pa ni KC. Siya ngayon ay nasa New York, USA at nagshoshoot ng Holywood film na ‘Asian Persuasion’. Kasama niya ang iba pang Filipino celebrities tulad nila Tony Labrusca, Yam Concepcion at Rachel Alejandro.
Dahil sa sakit na nararanasan ay pansamantalang natigil ang pagshoshoot ni KC sa naturang pelikula.
Base sa IG story ni KC kahapon, siya ngayon ay may lakas na para makapaglakad ulit. Dahil sa COVID naapektuhan ang motor skills niya at nahirapang maigalaw ang kaniyang kaliwang kamay at binti.
Pero ngayon siya ay patuloy sa paggaling. Sa katunayan, base sa pinaka-latest niyang IG story ngayong araw, siya ay lumabas na totally recovered at negative na sa COVID-19.
Pagbati ni KC sa inang si Sharon Cuneta ngayong Mother’s day
Samantala, sa pamamagitan parin ng Instagram ay nagpaabot ng kaniyang mensahe ngayong Mother’s day si KC sa inang si Sharon Cuneta. Ayon sa kaniya, ang madinig ang boses nito ay naging paraan para mapabilis ang recovery niya mula sa COVID.
Ipinabatid niya rin sa ina ang pagmamahal niya dito mula ng siya ay maipanganak hanggang sa ngayon siya ay isa ng mature independent woman.
“Mama, happy Mother’s Day! Your voice is all I needed to jumpstart my recovery and win this battle against covid. You are the salt to my pepper, you spice up my life in ways no one else can. I loved you the moment you made me, and I will love you forever and ever. Enjoy your special day today @reallysharoncuneta xoxo, Tutti.”
Ito ang mensahe ni KC sa kaniyang inang si Sharon ngayong Mother’s Day.