X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Sharon Cuneta sa birthday ni KC Concepcion: “I will always be your mother, no matter what choices in life you have made and will make”

5 min read
Sharon Cuneta sa birthday ni KC Concepcion: “I will always be your mother, no matter what choices in life you have made and will make”

Pinakita ni Sharon Cuneta ang kanyang pagmamahal sa kanyang anak na si KC Concepcion para sa kaarawan nito.

Hindi pinalampas ni Sharon Cuneta ang pagkakataon na mabati ang kanyang anak na si KC Concepcion para sa birthday nito ngayong Huwebes, April 7.

Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:

  • Madamdaming birthday message ni Sharon Cuneta kay KC Concepcion
  • KC Concepcion magbabalik sa pag-acting
sharon cuneta kc concepcion

Larawan mula sa Facebook account ni Sharon Cuneta

Madamdaming birthday message ni Sharon Cuneta kay KC Concepcion

Pinagdiwang ni KC Concepcion ang kanyang ika-37th birthday ngayong April 7. Kaya naman pinuno ni Sharon Cuneta ng pagbati ang kanyang anak para sa ispesyal na araw nito.

Sa Facebook post ni Sharon Cuneta, kanyang binahagi ang ilang larawan ni KC Concepcion mula nang ito’y baby pa hanggang sa maging dalaga na.

Mensahe ni ‘Megastar’ sa kanyang anak, marami man ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ay mananatili pa rin siyang ina nito.

“So much has happened, so much has changed. Still, know that there is a huge chunk of my heart that is missing, empty without you.”

“I will always be your mother, no matter what choices in life you have made and will make.”

Ayon pa kay Sharon, patuloy niyang ipagdadasal si KC. At kung may hihilingin daw siya ay sana’y hindi naging mabilis ang pag-mature ng kanyang anak.

Isa pa sa hiling ng aktres ay sana’y hindi naranasan ni KC ang sakit ng pagkakawatak ng kanilang pamilya. Si KC Concepcion ay ang anak ni Sharon kay Gabby Concepcion noong sila’y nagsasama pa.

sharon cuneta kc concepcion

Larawan mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta

“I will be here, constantly praying for you, wishing things were different, that you didn’t have to grow up too fast – that the pain of your family breaking up didn’t have to happen nor burden you.”

“Again, none of it was your fault. Your Papa and I have always and will always love you though he and I are apart.”

Binahagi rin ni Sharon ang isang throwback video kung saan makikitang nakaupo sa audience si KC noong ito’y bata pa. Kinuwento ni Sharon sa nasabing video kung paano siya naging mommy at daddy para kay KC.

Nilahad din ni Sharon na dati ay hindi niya na naaabutan sa kanyang paggising si KC dahil ito’y pumasok na sa school. Habang siya naman ay puyat dahil sa trabaho.

Nakaugalian na raw nilang magsulat ng letter para sa isa’t isa. At doon may tinanong si KC sa kanya.

“Mama, why do you have to work so hard? Sana you weren’t a ‘Megastar’ na lang.”

Lahad ni Sharon, nadurog ang kanyang puso sa tanong ni KC pero alam niyang naintindihan ng kanyang anak ang kanyang ginagawa.

“It would be more than enough to know inside me that I was privileged to give birth to someone so good and so beautiful.”

Si KC ay ipinanganak sa Makati Medical Center noong April 7, 1985 at sumakto ito sa Easter Sunday. Bukod kay KC, may iba pang anak si Sharon na sina Frankie, Yellie at Miguel.

BASAHIN:

Sharon Cuneta on being a single mom to KC: Every sacrifice was for her

Judy Ann Santos sa mga bashers: “Kapag pamilya kasi ang tinira, kapag pamilya ang kinanti nakakalabas ng sungay talaga.”

Andi Eigenmann and Philmar Alipayo to start a business in Siargao: “We’re excited!”

KC Concepcion magbabalik sa pag-acting

Masayang ibinahagi ni KC Concepcion kasabay ng kanyang kaarawan na siya ay muling babalik sa pag-arte.

Sa Instagram post ni KC, sinabi niya na nagbalik na siya sa set para sa isang acing project.

“Being back on set for my birthday, doing what I’ve always loved, is a celebration in itself… Please, do what makes you happy- what makes you feel alive!!!”

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

Ayon kay KC, ang muling pagsabak sa acting at paninirahan sa New York ay pangarap na natupad para sa kanya.

“Coming back to acting + living in New York for work is another dream come true. Keep dreaming new dreams loves.”

Hindi naman naibahagi ni KC Concepcion ang tungkol sa detalye ng kaniyang panibagong acting gig.

sharon cuneta kc concepcion

Larawan mula sa Instagram account ni KC Concepcion

Samantala, maraming mga netizen ang natuwa sa pagtanggap ni KC sa bagong project. Heto ang ilan sa kanilang reaksyon:

“Wishing you all the best and may your life always shower you with happiness and successful moments!”

“Happiest Bday My Love!!! And good luck on your next journey! Mahal ka namin palagi lagi.”

“Happy bday KC, welcome back here in NYC sana makita kita one day here”

Ilang taon na ring naka-hiatus si KC sa showbiz industry, at noong 2021 ay nagdesisyon na tumira muna sa America.

Bagamat nakapahinga sa showbiz, naging busy pa rin si KC sa abroad dahil nag-aaral ito. Tinatapos ni KC ang kanyang kinuhang kurso na Gemology o pag-aaral sa mga jewelry at iba pang precious stone.

Bukod sa pag-aaral ay mayroon din YouTube channel si KC kung saan madalas siyang mag-upload sa mga nakalipas na buwan.

Facebook

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ray Mark Patriarca

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga kilalang tao
  • /
  • Sharon Cuneta sa birthday ni KC Concepcion: “I will always be your mother, no matter what choices in life you have made and will make”
Share:
  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

  • Maggie Wilson: Victor Consunji nagbayad ng 1M dollars para pabanguhin ang pangalan   

    Maggie Wilson: Victor Consunji nagbayad ng 1M dollars para pabanguhin ang pangalan  

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

  • Maggie Wilson: Victor Consunji nagbayad ng 1M dollars para pabanguhin ang pangalan   

    Maggie Wilson: Victor Consunji nagbayad ng 1M dollars para pabanguhin ang pangalan  

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.