KC Concepcion to Sharon Cuneta: “I want her to know na mahal na mahal ko siya and loyal ako sa kanya. Nanay ko siya! Dugo niya, dugo ko.”

KC namimiss ang mga panahong close pa sila ng inang Megastar.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

KC Concepcion sinabing hinihiling niya na sana maging close at best friends ulit sila ng ina niyang si Sharon Cuneta.

Mababasa dito ang sumusunod:

Relasyon ni KC at inang si Sharon

Larawan mula sa Facebook account ni KC Concepcion

Nitong mga nakaraang linggo ay naging topic sa social media ang relasyon ng mag-inang sina KC Concepcion at Sharon Cuneta. Ito ay matapos magpost si Sharon sa Instagram ng mensahe para sa anak na si Frankie na bumalik na ng US para ipagpatuloy ang pag-aaral niya. Si Sharon sa kaniyang mensahe tila may diin sa mga sinasabi niya patungkol kay Frankie na pakiramdam ng mga netizens ay patama sa panganay niyang si KC.

Si KC naman sa kabilang banda ay walang naging negative na reaksyon tungkol dito. Bagamat sa pinakabago niyang panayam ay sinabi niya na kung may gusto siyang balikan at baguhin sa buhay niya, ito ay ang maayos sana ang relasyon nilang mag-ina.

“I mean, of course, there are. You know, I really would like for my mom and I to be best friends again. There’s a lot of years that have gone by. You know, siyempre, may mga destructions kami.”

Ito ang sabi ni KC sa isang panayam.

Larawan mula sa Facebook account ni KC Concepcion

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

KC Concepcion message to her mother Sharon Cuneta

Dahil pagpapatuloy pa ni KC, anuman ang mangyari mahal niya ang ina. At umaasa siya na sana pagdating ng araw ay maging close ulit sila tulad ng dati.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Hindi mawawala ‘yung pagmamahal namin sa isa’t isa. Siguro, one day, ‘pag ikinasal na ako and ‘pag nagka-anak na ako, I think that would bring my mom and I closer than ever. I want her to know na mahal na mahal ko siya and loyal ako sa kanya. ‘Yung talaga. Nanay ko siya! Dugo niya, dugo ko.”

Ito ang sabi pa ni KC.

Larawan mula sa Facebook account ni KC Concepcion

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement