KC Concepcion ibinahaging mahal niya ang inang si Sharon Cuneta. At pinipilit niyang maging close sa mga half-siblings niya. Bagamat pag-amin ni KC kumplikado talaga ang magkaroon ng blended family.
Mababasa dito ang sumusunod:
- KC Concepcion to her mom Sharon Cuneta.
- Pagiging anak ni KC.
- Relasyon ni Sharon at KC
KC Concepcion to her mom Sharon Cuneta
Nitong nakaraang araw ay nagpost ang Megastar na si Sharon Cuneta ng mensahe sa anak nila ni Kiko Pangilinan na si Frankie Pangilinan. Ayon kay Sharon, thankful at proud siya sa anak na hindi sakit ng ulo at marunong rumespeto. Ang post na ito ni Sharon para sa mga netizens ay tila parinig sa panganay niyang si KC Concepcion. Lalo pa’t may mga netizens rin ang nakapansin na hindi na pina-follow ni KC ang step dad na si Kiko Pangilinan at step sister niyang si Frankie sa Instagram.
Sa isang panayam ay kinumpirma ni KC na talagang naka-unfollow siya kay Kiko at Frankie. Ito daw ay ginawa niya para sa kaniyang peace of mind.
“I just want peace of mind, I want to be happy. I want my family to be happy. Gusto ko lang maging light, maging masaya. Ayoko ng maraming drama.”
Ito ang bahagi ng pahayag ni KC na sinabi pang kumplikado din talagang magkaroon ng blended family.
Larawan mula sa Facebook account ni KC Concepcion
Pagdating sa pagiging ate sa mga kapatid at maging mabuting anak, sabi ni KC ay nagawa niya naman ito. Hindi niya lang siya perpekto at hindi na bata ngayon at kaya niya ng gumawa ng desisyon para sa kaniyang sarili.
“Kung meron man akong pagkukulang o pagkakamali kahit saan, sa tingin ko mabibilang sa isang kamay lang yun.”
“Lahat ng ginusto ng family ko na gawin ko, ginawa ko. Nagtapos ako ng kolehiyo, nagtrabaho ako, inalagaan ko po yung career, minamahal ko po yung mga tao. “Talaga pong ginagawa ko ang lahat para maging mabuting anak, mabuting ate.”
Ito ang sabi pa ni KC sa panayam sa kaniya sa programang Cristy Per Minute.
Pagdating naman sa relasyon niya sa inang si Sharon Cuneta, sinabi ni KC na mahal na mahal niya ang ina at hindi iyon mababago.
“Love na love ko po yung mommy ko kahit ano pang mangyari. At the end of the day, mag-nanay kami. Nagmamahalan kami. Wala nang iba na mas pwedeng magmahal sa kanya kung paano ko siya kayang mahalin.”
Ito ang sabi niya.
Pagdating naman sa nalalapit na concert na kaniyang mga magulang na sina Sharon at Gabby Concepcion, very excited daw siya. Lalo pa’t bilang nag-iisang anak ng dalawa ay kaligayahan niya na makitang magkasama ang parents niya.
Larawan mula sa Facebook account ni KC Concepcion
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!