Sharon Cuneta at panganay na anak niyang si KC Concepcion, may reunion sa America.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Reunion nina Sharon Cuneta at KC Concepcion sa Amerika
- Mother-daughter relationship ni Sharon at KC
Reunion nina Sharon Cuneta at KC Concepcion sa Amerika
View this post on Instagram
Sweet na sweet ang mag-inang sina Sharon Cuneta at KC Concepcion sa kanilang bagong mga Instagram photos. Ang mag-ina, nagkita at muling nagkasama sa Amerika at ang Megastar agad itong ibinahagi sa Instagram niya.
“A little HAPPY during days of grieving.”
Ito ang caption ng post ni Sharon Cuneta.
Ang tinutukoy ni Sharon Cuneta na pagdadalamhati niya ay ang biglaang pagpanaw ng aktres na si Cherie Gil. Si Sharon nakausap at nabisita pa daw ang aktres ilang oras bago ito pumanaw.
Kaya naman hindi ito agad makapaniwala na matapos nilang magpaalam sa isa’t isa na akala niya ay pansamantala ay magiging permanente na. Si Cherie Gil itinuturing ni Sharon na kaniyang “true screen partner at true friend”.
Ang pagdadalamhati ng aktres, ipinakita niya sa pamamagitan ng pagpo-post ng larawan niya ng magkita sila ni Cherie Gil sa huling pagkakataon. Kalakip nito ang isang mahabang mensahe sa namayapang kaibigan. Kaya naman noong makita ng mga fans ng aktres na nakakangiti na ito sa tabi ng anak na si KC pati sila ay naging masaya rin para sa Megastar.
“So happy to see you together.”
“Pure love and Happiness with First born child.”
“Parang magkapatid lang. So loving to see you both bond.”
“Ang saya saya, magkasama na ‘yong mag-ina.”
Ito ang reaksyon ng mga netizens sa muling pagkikita at pagsasama ni Sharon Cuneta at panganay niyang anak na si KC Concepcion.
Mother-daughter relationship ni Sharon at KC
Matatandaang nitong 2020 ay naging usap-usapan na may gusot sa pagitan ni Sharon at KC. Ito ay matapos ibinahagi ni KC kung paano siya na-outcast sa modern family set-up na mayroon ang kanilang pamilya. Inamin rin niya na napi-pressure siya at nais lang na maging proud sa kaniya lagi ang mga magulang niya.
“Mama ko kasi she has her own family; my papa also has his own family. They’re both married and they both have children with their husband and wife. Ako lang kasi ‘yong nag-iisang anak nila na silang dalawa. So meron akong complex na gusto ko silang gawing proud sa akin. Gusto ko, may gagawin ako na ikaka-proud nila.”
Ito ang sabi ni KC sa isang panayam sa kaniya ni Luchi Cruz-Valdez.
Samantala, si Sharon naman sa Instagram, nitong nakaraang taon, ay nagpahiwatig na may conflict sa pagitan nila ni KC. Ito ay nang bisitahin niya si Frankie noon sa US at sinabing nag-enjoy siya at hindi sila mapaghiwalay ng anak dahil sa pagka-miss ng isa’t isa. Ang mga netizen agad na napansin ito at pinaalala sa Megastar na ang isa pang niyang anak na si KC ay nasa Amerika rin.
“You have another daughter in LA,” ito ang sabi ng isang netizen.
Ang sagot ng Megastar naman ay narinig niya ngang nandoon ang anak niyang si KC at iniisip niya kung ano ang ginagawa nito.
Ang mga netizen nagsabi na may favorite si Sharon sa mga anak niya kaya nalalayo ang loob nito sa kaniya. Si Sharon naging mahaba na ang sagot na nagpapahiwatig nga na may hindi pagkakaintindihan sa pagitan nila ng panganay niyang si KC.
“You obviously know nothing about us and because I am their mother, you cannot expect me to talk badly about any of my children. Remember, we are all human beings, we all can be hurt by those we love. And generally speaking, kahit 100 na tao ang mahal mo, doon ka mapapalapit sa sobrang nagmamahal at rumerespeto sayo.”
Ito ang sabi noon ni Sharon.
Pero sa isa sa mga latest Instagram post ni KC nito lang Hunyo nagpahiwatig siya na maayos na ang relasyon nila ng inang si Sharon. Sa nasabing post ay sinabi ni KC na nagpapasalamat siya na nagkaayos na silang mag-ina.
Ipinaabot niya rin kay Sharon ang pagmamahal niya. Sa post na ito na ito ay marami ang natuwa at naniwalang wala talagang tutumbas sa pagmamahal ng ina sa anak at ganoon rin ang anak sa kaniyang ina.
“I hear about so many mother-daughters that never get the chance to heal their relationships nor resolve issues, and I feel lonely for them. I’m so thankful we’re able to speak with each other with mutual care and respect, and now talk like girlfriends and found our way back to each other!”
“I love you Mama! There is nothing like having your own mother’s LOVE. @reallysharoncuneta”
Ito ang sabi ni KC sa isang Instagram post.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!