KC Concepcion happy na sa relasyon kay Sharon Cuneta: “There is nothing like having your own mother’s LOVE.”

KC at Sharon para na daw 'girlfriends' ang closeness sa ngayon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

KC Concepcion very happy na maayos na muli ang relasyon nila ng kaniyang inang si Sharon Cuneta. Nag-express rin siya ng pagmamahal niya sa Megastar.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • KC Concepcion expresses love to mom Sharon Cuneta.
  • Isyu sa pagitan ni KC Concepcion at Sharon Cuneta.

KC Concepcion expresses love to mom Sharon Cuneta

Larawan mula sa Instagram account ni KC Concepcion

Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ni KC Concepcion ang screenshot ng pag-uusap nila sa video call ng inang si Sharon Cuneta. Ito ay may kalakip rin na maikling mensahe at realization ni KC sa relasyon nilang mag-ina.

Pagsisimula ni KC, marami siyang mother-daughter conflict na narinig na hindi nagkaayos. Kaya naman nagpapasalamat siya na hindi tulad nila, sila ng kaniyang inang si Megastar Sharon Cuneta ay bati na at maayos na muli ang relasyon sa isa’t isa.

Sa ngayon daw ay para na silang ‘girlfriends’ kung mag-usap ng ina niyang si Sharon. At na-realize rin ni KC na wala talagang tutumbas sa pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak.

“I hear about so many mother-daughters that never get the chance to heal their relationships nor resolve issues, and I feel lonely for them. I’m so thankful we’re able to speak with each other with mutual care and respect, and now talk like girlfriends and found our way back to each other! I love you Mama! There is nothing like having your own mother’s LOVE. @reallysharoncuneta”

Ito ang sabi ni KC sa kaniyang latest Instagram post.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si KC ngayon ay kasalukuyang nasa New York at tinatapos pa ang ginagawa niyang pelikula.

Isyu sa pagitan ni KC Concepcion at Sharon Cuneta

Larawan mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta

Matatandaang nitong 2020 sa isang interview ay ibinahagi ni KC kung paano siya na-outcast sa modern family set-up na mayroon ang kanilang pamilya. Inamin rin niya na napi-pressure siya at nais lang na maging proud sa kaniya lagi ang mga magulang niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Mama ko kasi she has her own family; my papa also has his own family. They’re both married and they both have children with their husband and wife. Ako lang kasi ‘yong nag-iisang anak nila na silang dalawa. So meron akong complex na gusto ko silang gawing proud sa akin. Gusto ko, may gagawin ako na ikaka-proud nila.”

Ito ang sabi ni KC sa isang panayam sa kaniya ni Luchi Cruz-Valdez.

Samantala, si Sharon naman sa Instagram, nitong nakaraang taon, ay nagpahiwatig na noon nga may conflict sa pagitan nila ni KC. Ito ay nang bisitahin niya si Frankie noon sa US at sinabing nag-enjoy siya at hindi sila mapaghiwalay ng anak dahil sa pagka-miss ng isa’t isa. Ang mga netizen agad na napansin ito at pinaalala sa Megastar na ang isa pang niyang anak na si KC ay nasa Amerika rin.

 “You have another daughter in LA”, ito ang sabi ng isang netizen.

Ang sagot ng Megastar naman ay narinig niya ngang nandoon ang anak niyang si KC at iniisip niya kung ano ang ginagawa nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga netizen nagsabi na may favorite si Sharon sa mga anak niya kaya nalalayo ang loob nito sa kaniya. Si Sharon naging mahaba na ang sagot na nagpapahiwatig nga na may hindi pagkakaintindihan sa pagitan nila ng panganay niyang si KC.

“You obviously know nothing about us and because I am their mother, you cannot expect me to talk badly about any of my children. Remember, we are all human beings, we all can be hurt by those we love. And generally speaking, kahit 100 na tao ang mahal mo, doon ka mapapalapit sa sobrang nagmamahal at rumerespeto sayo.”

Ito ang sabi noon ni Sharon.

BASAHIN:

KC Concepcion muntik makaranas ng paralysis dahil sa COVID: “Stay SAFE everyone. This is not like the flu.”

KC Concepcion to Gabby Concepcion: “You always keep me down to earth….Papa Happy Birthday!”

Why Angeline Quinto doesn’t want his son Sylvio to enter showbiz

Mensahe ni Sharon para kay KC

Larawan mula sa Instagram account ni KC Concepcion

Sa pagdaan ng araw ay napabalitang nagkaayos na ang mag-inang si Sharon at KC. Nito ngang 37th birthday ni KC ay may mensahe ang Megastar na ibinigay para sa kaniyang panganay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sabi niya sa lahat ng nangyari sa pagitan nila ni KC ay may malaking parte ng puso niya ang kulang dahil sa pagka-miss niya dito. At kahit ano pa man daw ang maging choice ng anak, siya ay mananatiling ina pa rin para dito. Lagi lang siyang magdadasal para sa kabutihan ng anak at makapag-heal na mula sa sakit na dulot na pagkasira noon ng kanilang pamilya.

“So much has happened, so much has changed. Still, know that there is a huge chunk of my heart that is missing, empty without you. I will always be your mother, no matter what choices in life you have made and will make. I will be here, constantly praying for you, wishing things were different, that you didn’t have to grow up too fast – that the pain of your family breaking up didn’t have to happen nor burden you.”

Ito ang sabi pa ni Sharon na muling ipinaalala sa anak na mahal niya ito. Ganoon rin ng ama niyang si Gabby Concepcion at kanilang kaniya-kaniyang bagong pamilya.

“Again, none of it was your fault. Your Papa and I have always and will always love you though he and I are apart. And your Daddy and siblings – and your Mama – shall always be your real home. I love you, Kristina. God bless you and guide you through your life, my beautiful big girl. One day, we will all be together and it will all be wonderful again.”

Ito ang mensahe pa ni Sharon sa anak sa 37th birthday ni KC nito lamang Abril.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement