KC Concepcion to Gabby Concepcion: "You always keep me down to earth....Papa Happy Birthday!"

KC Concepcion to Gabby Concepcion: "You always keep me down to earth....Papa Happy Birthday!"

"You always keep me down to earth, taking me outdoors- barefoot whenever possible- just enjoying the simplest joys in life!!! I love you, to the handsomest of them all! Papa happy birthday!!!"

Isang cute at heart felt messageang inihayag ni KC Concepcion sa birthday ng kaniyang tatay na si Gabby Concepcion, kahapon November 5, 2020.

Anak ng dating mag-asawa na si Sharon Cuneta at Gabby Concepcion si KC. Katulad ng kaniyang mga magulang sumabak din si KC Concepcion noon sa showbiz. Pero ngayon hindi na ito nakikita sa telebisyon at nagpokus na lamang sa modeling at tahimik na buhay sa likod ng showbiz.

Mensahe ni KC sa kaniyang tatay

Sa isang Instagram post ni KC Concepcion kahapon binati niya ang kaniyang tatay at sinabing,

“Happy happy birthday to my father full of heart and passion, who watches out for me and keeps me alert and active like a big brother would. You’ve always believed in me, thank you for always holding my hand through things when I need to learn something new.”

kc concepcion

KC Concepcion noong bata pa kasama ang kaniyang tatay na si Gabby Concepcion. | Larawan mula sa Instagram account ni KC Concepcion

Naroroon aniya lagi ang ama sabi ni KC lalo na kapag may gusto siyang subukang bago sa kaniyang buhay. Sinusuportahan siya lagi umano ni Gabby. Dagdag pa niya,

“Sometimes people overestimate my independence but I’ll always need a man like you by my side who can teach me things no one else would. I’m so glad we get this time to stay close, even if you tease me about liking fancy things… You always keep me down to earth, taking me outdoors- barefoot whenever possible- just enjoying the simplest joys in life!!! I love you, to the handsomest of them all! Papa happy birthday!!! @concepciongabby.”

Masaya umano si KC na close pa rin sila ng kaniyang ama. Natutuwa raw ito at thankful sa lahat ng ginawa ng ama para sa kaniya, at asa palagi nitong pagiging visible kapag kailangan niya ito. Sinagot naman ni Gabby Concepcion ang post na ito ni KC na, “So adorable.” sa comment section sa Instagram post ni KC.

Kaarawan ni Gabby Concepcion

Nag-post din si Gabby sa kaniyang Instagram ng pasasalamat sa lahat ng mga taong bumati sa kaniya sa kaniyang kaaarawan.

KC Concepcion to Gabby Concepcion:

Birthday photo ni Gabby Concepcion. | Larawan mula sa Instagram account ni Gabby Concepcion

“Thankyou to all my well wishers on my memorable Nov. 5 birthday (to those who have the same birthday, Happy Birthday to you too) This cake is for all of us! #share #happybirthday #happybirthdaytome happybirthdaytoyou”

Nag-comment din dito ang anak na si KC Concepcion ng, “ILY, Papa. Happy birthday.” Nag-reply naman si Gabby ng, “Thank you for the Lobster and dinner treat my baby.”

Relasyon ni KC Concepcion sa kaniyang mga magulang

Matatandang nitong mga nakaraang buwan nagkaroon ng palaisipan kung ano nga ba ang estado ng relasyon ni KC Concepcion at kaniyang inang si Sharon Cuneta. Noong Agosto kasi nag-post si Sharon ng isang madamdaming mensahe para sa anak niyang si KC.

Maraming nagsasabi na nagkatampuhan ang mag-ina at mas lalong napalapit si KC sa kaniyang ama na si Gabby Concepcion.

kc concepcion

KC Concepcion at Sharon Cuneta.

Sa isang interbyu noon kay Sharon sinabi niyang nag-aalala siya sa anak dahil mag-isa ito lagi. Noong nakaraang taon naman hindi ito pumunta para makapag-celebrate ng holiday kasama siya. Subalit ayon din naman kay Sharon ay nagkakausap sila ng anak sa text.

Sainabi pa ni Sharon sa kaniyang post noon, “Once, we were a family. And in a sense, whether we – or they – like it or not, we three still always will be, my Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion. Papa and Mama will love you forever.”

Kahit na humantong sa hiwalayan ang relasyon nila ng kaniyang dating asawa na si Gabby Concepcion. Hindi mawawala at palaging mamahalin nila ni Gabby ang kaniyang anak na si KC Concepcion.

Hangad naman ng bawat fans ng nila na maayos na ang gusot sa pagitan nilang mag-ina at sa dating mag-asawa na si Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Marami pa rin kasing umaasa na magkakaroon ulit sila ng pelikula na magkasama.

 

Source:

Instagram

BASAHIN:

Sharon Cuneta, magreretiro na sa showbiz

Sharon Cuneta on being a single mom to KC: “Every sacrifice was for her”

KC Concepcion pens heartwarming tribute for stepdad Kiko Pangilinan

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Kung ano mang opinyon o ideya ang naibahagi dito ay sariling opinyon at ideya ng may katha; at walang kinalaman at hindi nagsasaad ng posiyon ng theAsianparent at ang mga cliente nito.

Sinulat ni

Marhiel Garrote

Article Stories
app info
get app banner