Sharon Cuneta, magreretiro na sa showbiz

Sharon Cuneta, magreretiro na sa showbiz

Dagdag pa ng Megastar, mahal na mahal niya ang kaniyang fans ngunit kailangan na rin niya ng pahinga mula sa kinalakihang industriya.

“It’s almost time.” Ito ang naging pambungad ni Megastar Sharon Cuneta sa kaniyang fans, ayon sa kaniya malapit na ang kaniyang retirement mula sa showbiz.

Sharon “Megastar” Cuneta

Mahigit 40 years na ang nakakalipas nang magsimula sa limelight si Sharon Gamboa Cuneta. Mas kilala siya bilang ‘Megastar’ dahil sa pambihirang success nito sa industriya ng showbiz.

sharon cuneta retirement

Sharon Cuneta retirement | Image from Sharon Cuneta Instagram

Bumida si Megastar Sharon Cuneta sa halos 59 films, naging host ng mahigit sampung TV shows at 40 albums. Dahil sa sunod-sunod na limang beses nitong pagkapanalo bilang Box Office Queen, tinagurian siyang ‘Box Office Hall of Fame’ taong 1990. Bukod pa rito, agad siyang nakilala sa showbiz dahil sa galing nito sa pag-arte. Marami na siyang nakuhang awards bilang ‘Best Actress’.

Noong September 23, 1984 ikinasal ang Megastar sa on-screen partner nitong si Gabby Concepcion. Ang dalawa ay unang nagtambal sa P.S. I Love You (1981). Ngunit taong 1987 ay agad din silang naghiwalay. Mayroon silang isang anak na si KC Concepcion.

Taong 1996, ikinasal ang megastar sa politician na si Francis Pangilinan. Nagkaroon sila ng tatlong anak na sina Frankie, Miel at bunsong si Miguel.

Sharon Cuneta retirement from showbiz

Nitong October 11 lamang, marami ang nagulat sa litratong in-upload ni Sharon Cuneta sa kaniyang Instagram. Ito ay picture niya at may mababasang “Kids, it’s almost time. Mama’s tired. I love you.”

sharon cuneta retirement

Sharon Cuneta retirement | Image from Sharon Cuneta Instagram

May caption ito na,

“On my way to retirement…”

—Sharon Cuneta (@reallysharoncuneta)

Wala nang ibang ibinigay na detalye ang 54-year-old na aktres sa naturang Instagram post. Ngunit hindi maaalis na maging malungkot ang kaniyang followers at fans dahil sa inanunsyo nito. Ilan sa mga comments ay,

“Pls don’t…”

Mama Babe, wag po muna please diba po madami pa po kayong concerts at movies pag natapos na po lahat ng negative na nangyayare po dito sa mundo. I love you mama babe, i love you.”

“Oh no.. huwag muna mega .🙁☹❤️❤️❤️”

Marami rin ang sumuporta sa desisyon ng Megastar. Ayon sa kanila, naiintindihan nila ang desisyon ng aktres na magretiro sa showbiz industry.

Sa kaniyang Instagram Bio, makikita rito ang mga katagang “Retiring soon..”

sharon cuneta retirement

Sharon Cuneta retirement | Image from Sharon Cuneta Instagram

Matatandaan na noong nakaraang taon, nagbibigay na ito ng pahiwatig tungkol sa permanentng pag-alis niya sa kinalakihang industriya. Sa panayam sa aktres, inamin nitong iniisip na niya ang ‘semi-retiring’. Sa halos 40 years niya sa limelight, alam niya sa sarili niyang siya ay napapagod na.

“On another note, and this is important- Since last year l have seriously been thinking of semi-retiring. I am so very tired. It has been 41 years of work, work, work for me, and at some point, kailangan na rin sabihin sa sarili na ‘tama na.’ When will it ever be enough? Sometimes you just have to put your foot down and say it’s okay, and it’ll all be okay,”

Dagdag pa ng aktres na mahal na mahal niya ang kaniyang fans ngunit kailangan na rin niya ng pahinga sa showbiz. Nais niyang maranasan naman ang ‘private life’ at ibuhos ang buong atensyon sa kaniyang sariling pamilya.

“Maybe I’ll do a concert here and there every once in a while, or a movie that I feel will really be worth the few months it’ll take me away from my home and family. Sinasabi ko na sa inyo ito, mga mahal kong Sharonians. Mahal na mahal ko kayo…pero pagod na rin si Mama…Di naman siguro ako biglang forever na mawawala…pero konting-konti na lang siguro ang kakayanin kong ibigay until magpahinga na ako at i-enjoy naman ang tinatawag na private life na alam ng karamihan pero tungkol saan kokonti lang ang alam ko…I know you will all understand.”

 

 

Source:

ABS-CBN

BASAHIN:

Sharon Cuneta on being a single mom to KC:”Every sacrifice was for her.”

Anak ni Sharon na si Frankie Pangilinan nakatanggap ng rape threat sa social media

Sharon Cuneta ibinahagi kung paano pinapahalagahan ang kaniyang mga yaya

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Mach Marciano

Article Stories
app info
get app banner