Anak ni Sharon na si Frankie Pangilinan nakatanggap ng rape threat sa social media

Anak ni Sharon na si Frankie Pangilinan nakatanggap ng rape threat sa social media

Handang magsampa ng kaso si Sharon Cuneta laban sa lalaking nagpost ng rape threat sa social media sa kanyang daughter na si Frankie Pangilinan. | Lead Image from Manila Bulletin

Desididong hanapin at magsampa ng kaso ang aktres na si Sharon Cuneta laban sa lalaking nagpost ng rape threat sa social media sa kanyang daughter na si Frankie Pangilinan.

Anak ni Sharon na si Frankie Pangilinan nakatanggap ng rape threat sa Social Media

Noong nakaraang Linggo, muling umingay ang iba’t-ibang suhestiyon patungkol sa victim blaming culture dito sa Pilipinas. Isa na rito si Frankie Pangilinan, anak ni Megastar Sharon Cuneta sa matapang na naglabas ng kanyang saloobin.

sharon-cuneta-daughter-frankie

Sharon Cuneta and her daughter Frankie Pangilinan | Image from Frankie Pangilinan Instagram

Ayon sa 19 year old na si Frankie, idiniin niyang hindi dapat ipasa ang responsibilidad sa mga biktima at ‘wag silang sisihin dito. Dagdag pa nito na kung babaguhin ang ganitong pag-uugali, kailangan mo ring baguhin ang kultura mo.

“To change that thinking, you have to change the culture.”

Hindi rin dapat turuan ang mga babae na magsuot ng tama o ‘yung hindi revealing para maiwasang ma-rape. Dahil isang solusyon lang para matigil ang rape ay ang turuan ang mga tao na ‘wag mang rape.

Umani ng iba’t-ibang suporta si Frankie dahil sa matapang na pagbahagi nito ng kanyang paniniwala. Ngunit isang komento ng netizen ang hindi sinangayunan ng lahat kasama na ang ng aktres na si Sharon Cuneta.

Isang netizen na nag ngangalang ‘Sonny Alcos’ ang nag comment ng rape threat laban kay Frankie Pangilinan. Sa comment nito, sinabi niyang,

“Pasalamat ka iha, kung ang edad ko 12 yrs. Magtago ka na sa tatay mong Senador Kiko Matsing Pangilinan dahil hahanapin kita para gahasain. Tapos sisihin mo tatay mo. Dahil hindi ako makukulong.”

Ayon kay Department of Justice Secretary Menardo Guevarra, desididong hanapin ng aktres na si Sharon Cuneta si Sonny Alcos at magsampa ng kaso laban sa rape threat sa kanyang anak. Kasalukuyan nilang kinukumpirma ang identity at address ng lalaki para mabigyan ng notice.

“Ms. Sharon Cuneta has brought this matter to my attention and has expressed her strong desire to file a criminal complaint against the person who posted the offending message in social media.”

Naglabas ng sama ng loob si Sharon Cuneta laban sa lalaki sa kanyang Instagram account. Nagbahagi rin ito ng iba’t-ibang picture kasama na ang mukha ng lalaki.

“YOU CROSSED THE LINE. GOD HELP ME AND THE LAW! GOD HELP YOU WHEN I FIND YOU. HINDI KITA PATATAHIMIKIN.”

Dagdg pa ng aktres na,

“We are now verifying our leads to your employers. I WILL PERSONALLY MAKE SURE THIS KABABUYAN (nasty remarks) YOU HAVE POSTED TO DISRESPECT MY DAUGHTER IN THIS DESPICABLE, MALICIOUS, AND INSIDIOUS WAY WILL BE OF GREAT INTEREST TO THEM.”

sharon-cuneta-daughter-frankie

Sharon Cuneta and her daughter Frankie Pangilinan

Samantala, isang malapit na kaibigan di umano ang nagsabing na-hacked ang Facebook account ng lalaking nagkomento ng rape threat sa dalaga. Isang netizen ang nagbahagi ng screenshot nito.

“MR CO’s Account was hacked he did not post such remark.”

Sa ngayon, kasalukuyan pa ring kinukimpirma ang katauhan ng lalaki para mabigyan ng notice. Desidido ang aktres na si Sharon Cuneta na magsampa ng kaso laban kay ‘Sonny Alcos’ dahil sa rape threat nito sa kanyang anak na si Frankie Pangilinan.

 

Source:

Rappler

BASAHIN:

Stop victim blaming! 5 dahilan kung bakit hindi ito nakakatulong sa mga biktima ng rape

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Mach Marciano

Article Stories
app info
get app banner