X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

LOOK: KC Concepcion dumalo sa kasal ng kaniyang half-sister na si Cloie

4 min read

Spotted si KC Concepcion sa wedding ceremony ng kanyang sister na si Cloie Skarne sa bansang Sweden.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • KC Concepcion attends wedding of her sister, Cloie Skarne
  • Life struggles of half-sisters

KC Concepcion attends wedding of her sister, Cloie Skarne

kc concepcion sister

Larawan mula sa Instagram account ni KC Concepcion

Maraming bumawi this year upang ituloy ang mga events na naudlot dahil sa pandemic. Nangunguna na diyan ang ang mga couple na matagal nang binalak ang magpakasal. Isa sa mga humabol na magkaroon ng wedding ceremony ay ang sister ng artistang si KC Concepcion na si Cloie Syquia Skarne.

Si Cloie ay isang kilalang beauty queen. Noong 2018 ay napasama ang kapatid ni KC Concepcion bilang finalist sa Miss Universe Sweden. Bukod diyan ay nagwagi rin si Cloie bilang Miss Earth Sweden noong 2016. Nagtungo siya sa Pilipinas para lumaban sa Miss Earth, kung saan nakapasok siya sa Top 8.

Sa kanyang personal na Instagram account ay ibinahagi ni KC ang ilan sa mga larawan mula sa wedding ceremony ng kapatid. Sa unang larawan ay makikitang magkayap ang dalawa. Ang ibang larawan naman ay makikita ang mga bisita ni Cloie sa kanyang kasal. Ibinahagi rin ni KC ang simbahan kung saan naging venue ito ng kasal.

Sa kanyang caption nagpasalamat siya sa pamilya ng asawa ni Cloie dahil sa warm welcome na ibinagay nito sa kanya,

“In Sweden for my sister’s wedding. GRATTIS @cloiesyquia & @hillfredrik from my family to yours.”

“Thank you tita @jennysyquia and Filip for being so so gracious- and to the wonderful Skarnes for being so warm and welcoming me like family. Precious weekend!”

kc concepcion sister

Larawan mula sa Instagram account ni KC Concepcion

Samantalang sa Instagram account naman ni Cloie Skarne, makikita naman ang iba pang kaganapan sa kasal. Makikita ang mga bridesmaid, flower girls, at mga dumalo sa kanyang kasal.

Matatandaang nag-engage si Cloie sa kanyang asawa noong September 2020, matapos ang limang taon nilang pagsasama.

Si KC Concepcion at Cloie Skarne ay half-sisters at pareho nilang ama ang aktor na si Gabby Concepcion.

Life struggles of half-siblings

Kapag sinabing half-siblings, ibig sabihin ay hindi magkapareho both ang inyong mommy or daddy. Maaaring same kayo ng nanay o kaya ng tatay kaya maituturing pa rin na magkapatid kayo. Kadalasang nangyayari ito sa mga magulang na naghihiwalay sa una nilang karelasyon at muling nagkaanak sa ibang kasintahan.

kc concepcion sister

Larawan mula sa Instagram account ni KC Concepcion

Katulad ng maraming magkakapatid, mas marami ang maituturing na struggles lalo kung kayo ang half-siblings. Narito ang mga sumusunod:

Parating kailangan ipaliwanag ang inyong kalagayan

Hindi lahat ng mga tao ay mauunawaan kaagad kung ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng half-siblings. Madalas pa na kung ibubukas mo na kayo ay half-sisters o half-brothers ay parating kailangan mong i-explain kung paano ito nangyari.

Marami ang magdududa sa inyong closeness

Madalas mapapatanong ang mga tao kung bakit kayo close o mayroong matinding bonding ng kapatid kahit pa kayo ay magkadugo.

Walang resemblance na magkapatid kayo

May mga pagkakataong hindi talaga kayo magkapatid o kaya naman walang bakas ng pagkakapareho. Maaari ring magkasalungat ang inyong ugali.

Age difference

Kung minsan ay magkalayo kayo ng edad at malaki ang agwat. Kung minsan naman ay halos magkasing-edad lang kayo. Maaaring maging beneficial o burden ito sa mga magkakapatid.

Paghahambing sa bonding ng pamilya

Kung ikaw ang unang anak, kung minsan ay mapapaisip ka kung pareho lang ba ang bonding na natatanggap mo sa inyong parents kahit hindi mo kasama ang iyong tatay o nanay. Kadalasang nauuwi ang ganito sa jealousy o pagseselos. Nagiging rason din ito ng pag-aaway ng magkakapatid dahil pareho silang nag-aagawan sa oras at atensyon ng kanilang mga magulang.

Partner Stories
BASH: A Celebration of Journey and Style Founded by Bea Alonzo
BASH: A Celebration of Journey and Style Founded by Bea Alonzo
Self-Care for Moms: A Guide to Balancing Motherhood
Self-Care for Moms: A Guide to Balancing Motherhood
Erceflora Kiddie gives kids a fun trip to a healthy gut with the Batang Matatag Bus
Erceflora Kiddie gives kids a fun trip to a healthy gut with the Batang Matatag Bus
H&M’s Latest Kidswear Collection is Here to Help Take On the New School Year in Style
H&M’s Latest Kidswear Collection is Here to Help Take On the New School Year in Style

Para sa parents narito ang ilang mga pwedeng gawin upang ma-encourage ang bonding at pagiging close ng magkakapatid:

  • Panatilihin ang healthy na communication at open conversation sa kanilang magkakapatid upang maging bukas sila sa mga problema sa isa’t isa. Sa ganitong paraan ay madaling natutukoy ang mga problema na kailangan solusyunan.
  • Iwasang magbigay ng title tulad ng “half-sisters” at “half-brothers” upang hindi maipaalala sa kanila na hindi sila buong magkakapatid. Nagkakaroon kasi ng ibang pagtingin sa relasyon sa pamilya kung pinanatili pa ito.
  • Bumuo ng environment kung saan equal ang pagtingin at pagtrato sa kanila sa lahat ng bagay. Dito ay naiiwasan ang selosan dahil alam ng bawat isa na pare-pareho ang trato sa kanila at walang biased.
  • Pare-parehong bigyan sila ng pantay na pagdididsipilina, Sa kabila ng pagiging equal, dapat ay hindi pa rin nawawala ang disiplina ng bawat isa upang lumaki sila nang tama.
  • Magkaroon ng one at a time priority upang maiwasang mahirapan sa pagpapalaki sa kanila. Mahalagang ipaliwanag kung bakit ito ang iyong priority para sa pamilya upang hindi nila maisip na mayroon kang inuuna.

Instagram, Love To Know

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: KC Concepcion dumalo sa kasal ng kaniyang half-sister na si Cloie
Share:
  • Ina ni Kathryn Bernardo sa hiwalayan nila ni Daniel Padilla: “Hindi dito nagtatapos ang ating pagsasama❤️”

    Ina ni Kathryn Bernardo sa hiwalayan nila ni Daniel Padilla: “Hindi dito nagtatapos ang ating pagsasama❤️”

  • Maja Salvador buntis sa kaniyang first baby: “Christmas came early”

    Maja Salvador buntis sa kaniyang first baby: “Christmas came early”

  • Mga event ngayong December 2023 na maaaring puntahan ng inyong pamilya

    Mga event ngayong December 2023 na maaaring puntahan ng inyong pamilya

  • Ina ni Kathryn Bernardo sa hiwalayan nila ni Daniel Padilla: “Hindi dito nagtatapos ang ating pagsasama❤️”

    Ina ni Kathryn Bernardo sa hiwalayan nila ni Daniel Padilla: “Hindi dito nagtatapos ang ating pagsasama❤️”

  • Maja Salvador buntis sa kaniyang first baby: “Christmas came early”

    Maja Salvador buntis sa kaniyang first baby: “Christmas came early”

  • Mga event ngayong December 2023 na maaaring puntahan ng inyong pamilya

    Mga event ngayong December 2023 na maaaring puntahan ng inyong pamilya

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko