LOOK: Gumawa ng gown si Paolo Ballesteros para sa kanyang anak

LOOK: Gumawa ng gown si Paolo Ballesteros para sa kanyang anak

Tignan ang ginawang gown ni Paolo Ballesteros para sa kanyang anak na si Keira Claire Ballesteros na umani ng mga papuri sa Instagram.

Ipinagmalaki ni Paolo Ballesteros sa kanyang Instagram ang gown na kanyang ginawa para sa kanyang anak na si Keira Claire Ballesteros. Inamin niya na nahirapan man siya, natapos niya parin ang nasabing gown.

"Flex ko lang my junakis and my first ever dress made gamet ang sewing machine! Hoooo hirap! Buti nlng ganda ng nagsuot hehehe." Ayon sa caption ni Paolo.

Para sa anak ni Paolo na si Keira Claire Ballesteros ang damit

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

Madalas man makita ang pagiging artistic ni Paolo Ballesteros, nahirapan siya sa paggawa ng gown para sa anak. Ilang beses nang nagviral ang kanyang mga make-up transformation. Maganda rin ang naging pagtanggap ng mga tao sa kanyang mga paintings. Ngunit, ito ang unang beses na gumamit siya ng sewing machine.

"JUSKO NATAPOS KO DEEEEN!!!! Ang hirap manahe peste! Hahahaha will upload video soon!"

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

Ang kulay asul na gown ay may haba hanggang sa bukung-bukong ng anak ni Keira Claire Ballesteros. Ayon sa comments, ang telang kanyang ginamit ay nabili sa Japan ngunit hindi niya nabanggit ang tawag sa telang ito.

Umani naman ng magagandang komento ang kanyang Instagram posts. Nakatanggap ng papuri ang kanyang itinahi mula sa mga netizens at maging mga kapwa celebrities tulad nila Ryan Agoncillo at Ruby Rodriguez. Nagkomento rin ang iba sa ganda ng kanyang anak. Ang ilan sa mga ito ay sila DJ Nicole Hyala, Jessa Zaragoza-Avanzado, Nix Alanon at Aiko Melendez.

Para sa mga nais panoorin ang naging pagtahi ni Paolo, kanyang sinabi na iu-upload niya ito sa kanyang Youtube page. Mangyari nalang na mag-antay muna dahil mag-eedit pa raw siya, sabi ng aktor.

Source: GMA Entertainment, Paolo Ballesteros Instagram

Basahin: LOOK: Paolo Ballesteros’s daughter Keira Claire comes home!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner