Parents, nakasisiguro ba kayong safe ang toys ni baby? Ilang pag-aaral ang nakitaan na mayroong kemikal sa laruan ng mga bata.
Naaalala pa ni Heather Stapleton ang pagkakataon na ang mga delikadong kemikal na pinag-aaralan niya sa kaniyang lab ay nakapasok na pala sa tahanan nito.
Mababasa sa artikulong ito ang:
- Kemikal sa laruan ng bata
- Ibang gamit na may delikadong kemikal
- Pag-aaral tungkol rito
Natagpuan ang kemikal sa laruan ng bata
Si Dr. Stapleton ay isang chemist mula sa Duke University at mayroon silang isang taong gulang na anak. Kausap niya ang kaniyang kasamahan sa trabaho tungkol sa pag-aaral na kanilang ginagawa. Isa sa na bring-up nilang topic ay ang mga nakalalasong kemikal na makikita sa baby gear—na nakatutulong para maiwasan ito sa sunog.
Subalit bigla na lamang nilang napansin ang tag sa polyester tunnel ng anak nito.
“Is that a flammability standard on the tunnel?”
Nakasisigurado sila na ang gamit ni baby na ito’y mayroong kemikal na nakatutulong para hindi masunog agad.
Bilang chemist na nanay ng kaniyang anak, agad niyang pinag-aralan ito sa lab kasama ang $120,000 sample analyser. Ginupit niya ang isang bahagi ng tent at sinuri ito sa kaniyang lab. Labis siyang nagulat ng nakitaan niya ito ng flame retardant na kung tawagin ay chlorinated tris.
Ilang taon na rin ang nakalilipas nang makita rin ito sa pajama ng mga baby subalit agad na tinanggal ng mga manufacturer dahil maaari itong pagmulan ng cancer.
Ayon kay Dr. Stapleton. hilig ng anak niyang si Joshua na paglaruan at isubo ang bagay na ito.
“That really horrified me.”
Nagsimulang idagdag ng mga manufacturer ang flame retardants chemicals na ito noong 1970. Isa itong paraan para ma-meet ng produkto ang flammability standards. Hindi naman lahat ng flame retardants na itinitinda’y may banta sa kalusugan. Ngunit nagbigay ng babala ang mga eksperto sa formulation nito na mayroong chlorine, bromine at phosphorous.
BASAHIN:
STUDY: Ito ang mga katangian ng laruan na dapat nilalaro ng iyong anak!
Ito ang nangyari sa isang toddler matapos paglaruan ang charger ng cellphone
Nakakabaog ang kemikal na ito—na matatagpuan sa halos lahat ng produktong ginagamit mo
Flame retardants
Makikita kadalasan sa mga furniture sa bahay at gamit ng baby ang flame retardants. Kasama rin ang mga electronics, building at construction materials, clothing, car seats at interior ng sasakyan. Ang mga kemikal na ito’y maaaring maipasa sa balat at posibleng maisubo o mahawakan ng iyong anak.
Ayon sa pag-aaral, mayroong koneksyon ang iba’t ibang flame retardants sa kalusugan.
Katulad na lamang ng brominated flame retardants na maaaring pagmulan ng cancer at sirain ang hormones. Banta rin ito sa reproductive system ng isang tao kasama na ang pagkakaroon ng problema sa neurodevelopmental. Hindi kalakihan ang taong kabilang sa pag-aaral subalit ito’y nakitaan ng parehong epekto sa pagkakaroon ng risk sa cancer, mababang IQ at behavioural problem sa mga bata.
Nito lamang nakaraang taon, binalita ng mga researcher na ang brominated flame retardants, ang isa sa dahilan ng pagbaba ng IQ at pagkakaroon ng intellectual disability ng mga bata.
Dagdag pa ni Dr. Stapleton, “I call it the chemical conveyor belt,”
“They just keep coming.”
Para kay Patty Davis, spokeswoman ng U.S. Consumer Product Safety Commission, walang batas ang nagsasabing kailangang may flame retardant ang laruan o gamit ng bata. Kaya naman hindi dapat makita ito sa mga gamit.
Isa sa tungkulin na pinaghahawakan ni Dr. Stapleton ay ang pag-aralan ang mga maaaring humalong kemikal sa gamit ng bata. Mabuti na lamang dahil hindi siya nag-iisa sa pag-aaral na ito.
Kemikal sa laruan ng bata
Taong 1977, an chemist na si Arlene Blum mula University of California ang nagsabing matatagpuan ang brominated tris sa pajama ng mga baby. Sa kasaamaang palad, maaaring pumasok sa katawan ng iyong anak at pagmulan ng cancer. Dahil rito, agad na pinagbawalan ang mga manufacturer sa paggamit ng ganitong kemikal sa pajama. Subalit nagsimulang ilipat naman nila ang kaparehong kemikal nakung tawagin ang chlorinated tris sa ibang produkto. Ang chlorinated tris ang nakita ni Dr. Stapleton sa tunnel ng kaniyang anak na si Joshua.
Ayon pa kay Dr. Blum, malaki ang pagkakahawig ng dalawa dahil maaari rin itong pagmulan ng cancer.
Hindi madaling sabihin sa mga kompanya na gumawa ng car seat o laruan ng bata ng walang flame retardants. Imposibleng i-track ang kemikal sa mga ito oras-oras. Kaya naman ang ginawa nila’y inalam ang mga gamit ng bata na mayroong ganitong kemikal pati na rin kung saan pa ginagamit ang flame retardant.
Taong 2009 nang makitaan ni Dr. Stapleton foam sa unan ng kaniyang anak pati na rin sa ibang gamit nito. Kaya naman agad niya itong binigyan ng aksyon.
Ang pag-aaral niya na inilimbag noong 2011 ang nagpapatunay na buhay na buhay ang flame retardants sa 80% ng mahigit isang daang produkto na ginagamit niya kasama ang lahat ng upuan ng sasakyan. Habang 85% naman sa mahigit na 100 na sofa ang nakitaan din ng nasabing kemikal.
Ang kemikal na kung tawagin ay chlorinated tris ang laging nakikita sa gamit ng bata at mga upuan. Matagal nang tinaggal ito sa pajama ng mga bata ngunit patuloy pa ring bumabalik.
Ayon kay Dr Stapleton,
“It was the one time I felt like our research was directly related to policy change.”
Palaging mayroong kemikal namatatagpuan sa conveyor belt at isa pang produkto. Halimbawa, ang mga upuan ng sasakyan ay naglalaman ng flame retardants. Kinakailangan ito para ma-meet ang flammability standards ng mga sasakyan. Ngunit dahil halos lahat ng sasakyan ay may engine, ang flame retardants na ito’y posibleng pumunta sa passenger compartment kapag nagkaroon ng apoy.
Ang ikinababahala ni Dr. Blum, maaaring makuha ng mga batang hilig kumain sa loob ng sasakyan ang delikadong kemikal na ito.
Sa kabilang bahagi, dinepensahan naman ni Jennifer Garfinkel mula American Chemistry Council ang paggamit ng flame retardants sa upuan ng mga sasakyan. “Maintaining fire safety in vehicles is essential,”
“and flame retardants are an appropriate method to improve fire safety in such applications, pursuant to the federal government’s flammability requirements.”
Dagdag naman ni Dr. Stapleton, kahit na walang upuan ang sasakyan, ang passenger foam ay naglalaman ng mataas an lebel ng kemikal katulad ng chlorinated tris.
“The Harmful Chemical Lurking in Your Children’s Toys” by Liza Gross © 2020 The New York Times Company
Liza Gross is a science and health journalist and author of “The Science Writers’ Investigative Reporting Handbook.
This story was originally published on 23 November 2020 in NYT Parenting.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated in Filipino by Mach Marciano