Key to a happy life? Hindi umano sagot ang pagkakaroon ng partner o lovelife, ayon sa isang pag-aaral.
Key to a happy life
Mayroon iba’t-ibang level ng kasiyahan. Mayroong nakukuha ito sa pagkakaroon ng marteryal na bagay o tagumpay. Habang may ibang nararamdaman ito kapag nakakatulong sa iba. Mayroon din namang mga naniniwala na ito ay makukuha sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kasama o partner sa buhay. Pero ayon sa isang pag-aaral, ito ay hindi totoo.
Ang sinasabing pag-aaral ay ang research na ginawa ng Michigan State University na kung saan inassess ang level of happiness ng 7,532 na katao. Ang mga ito ay edad 18 hanggang 60 anyos. Nasa 80% sa kanila ay matagal ng kasal sa iisang tao, 13% ang ikinasal at napasok na sa iba’t-ibang relasyon. Habang 8% sa kanila ang nanatiling single o walang partner sa buhay.
Para nga matukoy ang level ng kanilang kasiyahan ay tinanong ang mga participants sa kung paano nakakaapekto ang grupo na kinabibilangan nila sa pagiging masaya ng kanilang buhay. Dito nga natuklasan ng mga researchers na hindi ang pagkakaroon ng partner ang susi sa masayang buhay na inaasam nating lahat.
“People often think that they need to be married to be happy, so we asked the questions, ‘Do people need to be in a relationship to be happy? Does living single your whole life translate to unhappiness? What about if you were married at some point but it didn’t work out? Turns out, staking your happiness on being married isn’t a sure bet.”
Ito ang pahayag ni William Chopik, assistant professor of psychology sa Michigan State University at co-author ng ginawang pag-aaral. Dahil base sa resulta ng ginawa nilang pag-aaral ay hindi naman nalalayo ang level of happiness ng mga kasal, single at napasok na sa iba’t-ibang relasyon.
Hindi mo kailangan ng partner para sumaya
“We were surprised to find that lifelong singles and those who had varied relationship histories didn’t differ in how happy they were. This suggests that those who have ‘loved and lost’ are just as happy towards the end of life than those who ‘never loved at all.”
Ito naman ang pahayag ni Mariah Purol, isang psychology master’s student sa MSU at co-author rin ng ginawang pag-aaral.
Base parin sa pag-aaral ay natuklasan nila na may mga taong nasa isang relasyon ang hindi naman masaya. Habang ang mga single naman ay nakakaramdam ng enjoyment o kasiyahan sa ibang tao o iba’t-ibang parte ng buhay nila. Tulad ng kanilang mga kaibigan, trabaho o bagay ng kinahihiligan.
Kaya mula sa naging resulta ng kanilang naging pag-aaral, payo nina Purol at Chopik bago maghanap ng partner o bumuo ng pamilya ay maging masaya muna sa iyong sarili. Dahil ang pagkakaroon ng happy mindset ang key to a happy life o pagiging tunay na masaya.
“It seems like it may be less about the marriage and more about the mindset. If you can find happiness and fulfillment as a single person, you’ll likely hold onto that happiness — whether there’s a ring on your finger or not.”
Ito ang pahayag ni Purol.
How to live a happy life
Payo naman ng psychoanalytic psychotherapist na si Douglas LaBier may 4 na bagay na makakatulong sa isang tao upang tunay na maging masaya. At hindi nga kabilang dito ang pagkakaroon ng partner o karelasyon. Ayon sa kaniya, ang mga ito ay ang mga sumusunod:
Pagkakaroon ng malusog na katawan at payapang isip o peace of mind.
Dahil ayon kay LaBier ang physical at mental well-being ng tao ay magkaugnay. Ito ay napatunayan narin ng ilang pag-aaral. Tulad ng kapag ikaw ay malungkot o depress, maaring mapasobra o wala kang ganang kumain. O kaya naman ay hindi ka makatulog na labis na makakaapekto sayong kalusugan. Kaya dapat panatilihing healthy ang iyong katawan. Kumain ng masustansya at gumawa ng mga bagay na magbibigay sayo ng kasiyahan at payapang isipan.
Maging bukas sa mga bagay na magbibigay sayo growth and development.
Sa bawat araw ng ating buhay ay may iba’t-ibang bagay tayong nararanasan. Ang mga ito ay dapat nating yakapin at gawing aral upang tayo ay mag-develop at mag-improve bilang isang tao.
Pagpapanatli ng positibong outlook sa buhay sa kabila ng mga problemang nararanasan.
Kahit na nakakaranas ng pagsubok o problema sa buhay, hindi dapat tayo magalit o mawalan ng pag-asa. Sa halip ay matuto tayong magpasalamat at tingnan ang positibong impact o epekto nito. At laging tandaan na ang bawat bagay ay nangyayari ng may dahilan.
Pagkakaroon ng purpose sa buhay.
Ito ay maaring sa pamamagitan ng pagpapakita ng compassion sa isang bagay. Tulad ng pagpipinta, pagsusulat o paglalaro ng sport na magbibigay ng satisfaction sa sarili mo. O kaya naman ay ang pagtulong sa iba na makakapagpabago naman ng buhay ng kapwa mo.
Source:
Psychology Today, Psychological Science, MSU Today
BASAHIN:
Ang mga anak ng working moms ay lumalaking masaya
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!