Maraming pangarap ang mga magulang para sa kanilang mga anak. Mula sa pagiging matalino, magaling sa mga gusto nilang bagay, hanggang sa lahat ng yaman sa mundo. Subalit, ano man ang makamit ng isang bata, isa lang talaga ang nais ng mga magulang para sa mga ito. Ang tanging nais ng mga magulang ay maging masayang bata ang kanilang mga anak.
Ngunit paano nga ba palalakihing masaya ang anak? Alamin natin ang sinasabi ng mga eksperto.
Ano ba ang masayang bata?
Ang pag-intindi na ang buhay ay tungkol sa proseso at hindi ang kahihinatnan ay mahalaga upang maging masaya. Ayon sa mga pag-aaral, ang success ay hindi ayon sa kung ano ang naabot kundi sa pagiging masaya sa buhay na mayroon.
Ayon sa Yale University professor na si Laurie Santos, walang kinalaman ang kasiyahan sa materyal na nakamit. Ang kasiyahan ay nagdedepende sa pag-iisip ng tao.
Bilang magulang, hindi kailangang pilitin maging perpekto ang mga anak. Ano man ang nakikita mula sa kapaligiran, hindi kailangang maging above average ang mga anak. Hindi kailangan na maging sobrang higpit sa mga anak ngunit hindi rin naman maganda ang maging sobrang luwag sa kanila.
Tama lang
Ayon sa psychoanalyst na si D.W. Winnicott, sapat na ang pagiging tama lang na magulang. Kailangang maging mapagmahal sa mga anak ngunit mapanatili ang mga hangganan. Kadalasan, ang mga anak ng mga ganitong uri ng magulang ay masmagaling mag-adjust at masmaganda ang performance sa paaralan. Dinadaig pa nila ang anak ng mga magulang na sobrang higpit.
Ayon kay Winnicott, imposible para sa mga magulang ang maging perpekto. Hindi rin makakabuti sa mga bata ang pagpilit maging perpekto ng mga magulang. Ganunpaman, kung makita ng bata na hindi perpekto ang kanilang magulang, natututunan nila kung paano mabuhay at mag-adjust sa pagiging hindi perpekto. Natututunan din nila mula sa dito na hindi kailangang maging perpektong magulang sa kanilang magiging mga anak.
Subalit, hindi ibig sabihin ng pagtanggap sa pagiging hindi perpekto ay hayaan lang ang sarili at mga isyu nito. Ayon kay Christine Carter, sociologist at Senior Fellow sa UC Berkeley’s Greater Good Science Center, tanggapin na hindi magiging perpekto ang mga anak ngunit, huwag balewalain ang proseso ng pagpapabuti sa sarili. Sa pamamagitan nito, matututunan ng mga anak na hindi man perpekto ay maaari nilang pabutihin ang kanilang mga sarili sa mga bagay na nais nilang baguhin.
Ang pagtanggap sa mga pagkakamali ay hindi nangangahulugan na kalimutan na ang pagpapabuti. Itinuturo lamang nito sa magulang na hindi kailangang maging perpekto upang magkaroon ng masaya at makabuluhang buhay.
Ayon sa audiobook ni Brené Brown na The Gift of Imperfect Parenting, mahalaga ang kakayahan na tanggapin ang pagiging hindi perpekto. Ito ang nagtuturo sa mga anak na magkaroon ng tapang maging ang sarili nila. Itinuturo din nito ang pagmamahal sa sarili at sa iba, at nagbibigay ng sense of connection.
Source: Psychology Today
Basahin: STUDY: Masayahin raw ang mga batang lumalaki kasama ang lolo at lola
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!