Normal na sa isang nanay ang ma-excite na maramdaman ang unang pagsipa ni baby. Unang nararamdaman ng mga first time mom ang sipa ni baby sa 18-25 weeks ng kanilang pagbubuntis. Samantalang ang mga nanay naman na nakaranas na ng panganganak ay nararamdaman na ang sipa ni baby as early as 14 weeks. Kasabay ng pag enjoy ng sipa ni baby, dapat lang na laging i-monitor ang movements at pattern ni baby. Makakatulong ang baby kick chart counter dito.
Bakit mahalaga ang paggalaw ni baby?
Ang pagiging active ni baby ay isang sign na healthy ito sa loob ng tyan ni mommy. Kaya isa itong rason kung bakit kailangang intindihin at maunawaan na ang paghina o pagbabago ng galaw ni baby sa tummy ay isang indikasyon na ito ay hindi tama at isang sign ng distress.
Ang pag track ng movement ni baby ay mahalga lalo na sa third trimester nito kung saan dito na siya malakas at active. At ang unusual pattern changes ay isang sign na nasa risk ang iyong pagbubuntis. Ang kontekstong ito ay base sa mga pag-aaral na ginawa ng BMA Pregnancy and Childbirth. Ayon dito, ang biglang pagbabago o paghina ng sipa ni baby ay nasa risk ng stillbirth.
Panigurado, narinig mo na ang kick counting. Ang pagbibilang ng sipa ni baby ay best way para pasundan at ma-track ang activity pattern ni baby para malaman mo kung ano ang normal sa kanya. Sa 28th week ng iyong pregnancy, ang pagbibilang ng movement ni baby ay sobrang mahalaga. Kung mapapansin mo ang abnormal na activity patterns ni baby, ‘wag magdalawang isip agad na tawagan ang iyong doctor.
Paano masasabing ito ay sipa ni baby?
Bukod sa mismong sipa ni baby, ang pag ikot, roll at suntok ay mabibilang na parte ng movement. Samantalang ang dighay o hiccups ni baby ay hindi kasama sa kanyang galaw.
Kung hindi ka naman sure sa dighay o sipa ni baby, maaaring maglakad-lakad para maramdaman mo si baby dahil ito rin ay posibleng gumalaw. Pwede ka ring kumain ng healthy snack para magising ang kanilang diwa. Kapag nararamdaman mo pa rin ang twitching ni baby, ito ay maaaring dighay lang.
Tracking your kicks using a baby kick chart/counter: Count to 10
Ayon sa American Congress of Obstetricians and Gynaecologists (ACOG), ang mga nanay ay kailangang gumagawa ng chart kung saan binibilang kung gaano katagal maka 10 kicks si baby sa loob ng 2 hours. Samantala, ‘wag nang magbilang pa ng sipa kung ito ay sumobra na sa dalawang oras. Sa pamamagitan nito, mas lalo mong malalaman ang activity pattern ni baby lalo na kung bigla itong nagbago sa active periods niya.
Madami ang pwedeng subukang chart o track sa pagbibilang ng sipa ni baby. May ibang mommy na gumagamit ng printable chart, manual na pagsusulat sa notebook habang gamit ang digital kick counter (katulad ng theAsianparent kick counter sa aming app). Sa pagbibilang ng sipa ni baby, tatlo ang mahalagangtandaan dito; oras, date at bilang ng sipa.
Kung nais mong manual na magbilang ng sipa ni baby, narito ang example ng baby kick counter chart:
Mahalaga ang bawat detalye sa baby kick counter chart. Dahil dito mo makikita o malalaman ang activity pattern ni baby at kung nakakabuo ba sya ng 10 kicks sa loob ng 2 hours.
Kick counting tips to keep in mind
May mga position at tips na kailangang tandaan sa pagbibilang ng sipa ni baby. Ito ay para mas lalo mong maramdaman ang bawat galaw na gagawin ni baby.
- Maglaan ng oras: Sa pagbibilang ng galaw ni baby, piliin ang oras kung kailan ito mas active. Mas maganda kung ikaw ay mag-isa habang nakaupo o nakahiga para mas lalo mong maramdaman ang sipa ni baby.
- Maging comfortable sa tamang position: Karamihan sa mga nanay, ang paglagay ng kamay s aibabaw ng tyan ay nakakatulong sa kanila para maramdaman ang galaw ni baby. Pero mas mahalaga na dapat ikaw ay comfortable sa iyong position habang nagbibilang ng sipa ni baby. Maraning mommy ang mas gusto ang mahiga sa kaliwang bahagi dahil ito ang comfortable na position sa pagbibilang. Ang paghiga rin ay nakakatulong sa magandang circulation na dahilan para mas makagalaw si baby ng maayos.
- Tawagan ang iyong doctor: Kung hindi nakakabuo ng 10 kicks si baby sa loob ng 2 hours, ‘wag mag panic! Maghintay lang ng ilang oras at saka ipagpatuloy ang pagbibilang. Mas advisable na tawagan ang iyong doctor upang tanungin kung ano ang nangyayari. Samantala, kung ang unsual patterns na ito ay tumagal ng 4 days, mahalagang pumunta na agad sa iyong doctor. Sa check up, magsasagawa sila ng Non-stress Test (NST) kung saan titignan ang heart rate ni baby.
Remember, stay positive always
Hindi natin maitatanggi na ang pagbibilang ng sipa ni baby ay nakaka pag-alala rin. Ang iba ay mas pinipiling hindi magbilang dahil dito. Ang gusto lang natin ay maging healthy si baby pero ang unusual activity ay talaga namang nakakapagdulot ng maternal anxiety. Gayunpaman, ang pagbibilang ng sipa ni baby ay isang mahalagang bagay dahil dito mo nalalaman ang behavioral patterns niya. Oo, may tinatawag tayong maternal instinct pero ang sipa ni baby ay makakatulong sa iyong doctor para mas maintindihan niya ang health ni baby.
Iwasan ang mag panic kung sakaling may pagbabago sa pattern ni baby. Ang mahalagang gwain, kumalma at i-contact ang iyong doctor.
Translated by Mach Marciano
Translated with permission from theAsianparent Singapore
BASAHIN:
Ang tamang sleeping position ng buntis upang makaiwas sa stillbirth
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.