Kidnapping sa Makati isolated case umano ayon sa pulisya. Publiko hindi daw dapat mag-alala at maalarma.
Kaso ng kidnapping sa Makati
Matapos mag-viral ang video ng kidnapping sa Makati ay kumalat din ang paalaala sa mga netizen na mag-doble ingat sa kalsada. Lalo na ang mga dumadaan sa lugar na pinangyarihan ng pangingidnap sa Paseo de Roxas, Makati. Dahil ang nangyari iniuugnay ng mga netizen sa kumakalat na balita sa social media tungkol sa puting van na nangingidnap at nagbebenta ng organs o lamang-loob.
Pero isang araw matapos mangyari ang kidnapping sa Makati, naglabas ng pahayag ang PNP na ito ay isang isolated case. At wala daw dapat ipag-alala ang publiko dahil may personal na motibo umano sa likod ng ginawang pangdudukot na ito.
Kinilala rin nila ang biktima na isang Chinese national na si Zhou Mei, 28-anyos. Ito umano ay isang empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operations firm o POGO. Ganoon din ang live-in partner nito na pinangalanan namang si Chen Tangbin.
Ayon parin sa ka-pulisan, nakatulong ng malaki ang mga dokumentong naiwan ng biktima sa pinangyarihan ng insidente. Napag-alaman nga nila ang address na tinitirhan ng biktima base sa passport na naiwan nito.
Isang isolated case
Hinala nila ay may kaugnayan ang pangdurukot kay Zhou sa deed of sale na nakita rin sa crime scene. Dahil ayon dito ay nagbenta umano ng sasakyan si Zhou at live-in partner nitong si Chen sa isang Chinese national na nagngangalang Jianwei. Ngunit ng i-trace ng pulisya ang impormasyon sa driver license ng buyer na si Jianwei ay napag-alaman nilang non-existent ang address nito. At peke ang driver’s license na kaniyang ibinigay sa maglive-in partner.
Samantala, ayon parin sa pulisya ay hindi parin nagpapakita at nakikipag-cooperate ang live-in partner ng biktima na si Chen sa kanila. Bagamat nagpadala na ito ng kaniyang mga kaibigan at kapamilya upang mag-representa at ipahatid ang side niya.
“Makipag-cooperate sa amin. Huwag siyang magpadala ng kaibigan lang niya dito na hindi nakakaalam ng detalye. Para appropriate din ‘yung intervention natin kung sakali.”
Ito ang pahayag ni Makati Police Colonel Rogelio Simon ng ito ay humarap sa media.
Walang hinihinging ransom money
Dagdag pa niya, sa ngayon ay hindi pa nila masabi kung ang kaso ay maituturing na kidnapping. Dahil wala pa daw silang natatanggap na impormasyon kung nanghihingi ba ng ransom ang mga suspek na ayon sa mga witness ay Chinese nationals rin. Kaya naman napakahalaga raw ng kooperasyon ng kalive-in ng biktima para masagot at masolusyonan ang krimen na ito.
“Hindi kasi wala naman nagdemand ng pera at di pa namin nakakausap itong asawa ng victim. Ang nakakausap pa lang namin ay ‘yung kapatid ng asawa ng victim at ‘yung kaibigan ng asawa. So walang relation eh”, dagdag na pahayag pa ni Simon.
Reaksyon at paalaala ng palasyo
Reaksyon naman ng Malacañang sa nangyari, tulad ng sinabi ng PNP, ito ay isang isolated case. At ligtas parin daw ang maglakad sa Makati at Maynila sa gabi.
“I think that particular incident is isolated. I have not heard of any kidnapping cases reported whether by the media or by word of mouth, except for that video that went viral.”
Ito ang pahayag ni presidential spokesperson Salvador Panelo sa isang press briefing.
“We must remember that the index on crimes has decreased considerably. In fact, that’s why in Mindanao there’s no need for the extension of martial law,” dagdag pa niya.
Pero paalaala parin niya, lalo na sa mga natatakot sa nangyari ay dapat maging alisto parin sa tuwing naglalakad sa labas at mga kalye. At i-report agad sa awtoridad kung sila ay may nakita o nasaksihang krimen tulad ng insidente.
“Be conscious around them if they see any suspicious men or women lurking around. They should report it immediately to the police authorities.”
Ito ang paalala ni Panelo sa mga Pilipino.
Source: GMA News, The Philippine Star, Rappler
Basahin: Kumakalat na kidnapping news sa FB, fake daw ayon sa PNP
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!