Kilig stories ba ang hanap mo, mommy? Basahin itong kuwento ng isang mommy kung paano sila nagkatuluyan ng kaniyang mister. “One for the books” ang kuwentong pag-ibig na ito!
Mababasa sa artikulong ito:
- Kilig stories – “Binabasa ko lang noon, asawa ko na ngayon.”
- Kwento ng pag-iibigan nina Mommy Jessica at kaniyang hubby
Nasa bookstore kami ni ex noong itinuro ko ang isang libro, “Ligo na U, Lapit na Me.” Sinabi ko na gusto ko basahin ‘yon kaso wala pa akong budget.
Working scholar ako sa school namin. Rumaraket sa weekend para may pambaon kaya naman hindi na makapagtabi para sa mga luho kong libro.
Nagulat na lang ako isang araw, nasa desk ko na sa opisina ang mga librong tinuro ko. Sino ba namang booklover ang hindi kikiligin? But wait, hindi ito ang gusto kong ikwentong love story.
Ang pagkabigo sa pag-ibig
Niloko ako ng ex- boyfriend ko. Kabit pala ako, buntis ang tunay na girlfriend. Noong nalaman ko yun, nakipag-break ako sa kaniya. Susunugin ko na nga sana lahat ng libro na binigay niya sa akin.
Galing ako sa broken family kaya alam ko kung anong pakiramdam na sumakabilang-bahay ang Tatay. Ayokong maging dahilan ng pagkasira ng ibang pamilya.
Noong ipinanganak ang bata, ka-birthday ko pa. Sa sobrang bitter ko sa nangyari, ipina-TV ko pa ang love story ko at na-feature ito sa isang TV show.
Lagi kong tinatanong, bakit kaya ako pa? Iyon pala may malaking rason kung bakit kailangan kong pagdaanan at maranasan ‘yon. Para ipakilala sa akin ang magiging future husband ko.
Noong nagmomove-on na ako, I re-read all my books. Sa ganoong paraan ako nakaka “cope up.”
Ligo Na U, Lapit na Me
Nagpadala ako ng mensahe sa mga authors ng mga librong iyon at nagtanong kung kailan ang mga event nila for book signing. Marami akong pinadalhan ng mga mensahe, isa na roon ang author ng Ligo Na U, Lapit na Me.
Sumagot naman siya. Taga-Cavite rin pala siya at ilang beses na ring nagsagawa ng seminar sa school namin. Dahil palagi akong lumuluwas ng Maynila, nagkasundo kaming magkita sa isang coffee shop. Nang nagkita kami, nagkuwentuhan pa kami ng ilang oras.
Dahil nga sa rumaraket ako noon para makapag-aral, hindi ko na siya napasalamatan sa oras niya. Kinabukasan, nakita ko na lang na may message siya sa Facebook.
“Teh, kamusta? Worried na buong barangay.”
Natawa talaga ako. Napagtanto ko na, oo nga, para akong nang-hit and run. Pagkatapos akong ilibre ng kape at makapagpapirma, hindi ko na siya nasabihan kung nakauwi ba ako ng maayos. Sobrang pagod ko na kasi noon. Nawalan pa ng baterya ang telepono ko.
Matapos ang ilang araw, chat pa rin siya ng chat sa akin (ang ganda ko, ano?). Pero para kasi sa akin, tapos na ang kailangan ko sa kanya. Nakapagpapirma na ako ng libro. I liked him for the things he wrote.
19 taon ang agwat ng edad namin. Palagay mo ba, mala-love at first sight ako dahil lang sinulat niya ang mga binabasa kong libro?Sa palagay ko, na-challenge siya sa akin. Baka kasi ang iba ay patay na patay maka-date siya.
Anong ginawa niya para makuha ang atensyon ko? Binigyan niya ako ng trabaho – magbenta ng mga libro niya nang may komisyon.
At ako na si Aleng raketera, nagbenta ako. Kapag may event siya, kasama ako. Ako ang tindera. Nakakatawa kasi ang pakilala niya sa akin ay OJT – short for Oozing Jessica Tinio. Kinikilig ka na ba?
BASAHIN:
#TAPMAM 2021: Ley Almeda – Ang nakaka-inspire na kwento ng isang dating single mom
Kahulugan ng pagmamahal: Pagkakaiba ng pagkagusto at umiibig
How to deal when your age gap is causing problems in your marriage
Isinulat ng tadhana
Hindi nagtagal, nagtanong siya kung pwede na ba siyang pumunta sa bahay namin para makilala ang aking lola, na siyang guardian ko noon dahil nasa abroad si Mama bilang domestic helper.
Sure din ako na hindi approve ang ang nanay ko sa kaniya dahil mas matanda pa siya sa nanay ko ng ilang taon. Noong nagkita sila pagkatapos ng ilang taon, hindi niya alam kung magmamano ba siya sa nanay o ano. Baka kasi sampalin siya.
Hinayaan ko siyang pumunta sa amin para makita niya kung gaano kami kahirap. Ipinagluto ko siya ng sayoteng sardinas para naman mapaisip siya na iyon lang ang kaya kong ihanda sa isang multi-awarded writer. Pero hindi naman siya naturn-off. Nag-round two pa sa kanin ang loko.
Ganun katindi ang naging ikot ng tadhana sa akin. Hindi ko talaga inaasahan na siya ang makakatuluyan ko. Ngayon, kasal na kami at mayroong 2-taong gulang na anak. Sinong mag-aakala na ang isang pagkabigo ay hahantong sa isang magandang bagay sa hinaharap?
Sa ngayon, mayroon kaming Learning Consultancy business na ipinangalan namin sa aming anak. Nagbibigay kami ng webinars sa mga guro at mga taong gustong magsulat.
Palagi akong natatanong paano kami nagkakilala ng asawa ko, kaya ito, isinulat ko na. Salamat sa ex ko, sa karanasan, at siyempre, sa regalo niyang libro.