Kim Atienza hindi nakadalo sa graduation ng eldest daughter niyang si Eliana. Ito ay dahil nagpositibo siya sa COVID-19 kaya kinailangang mag-isolate muna.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Kim Atienza sa pagkaka-miss ng graduation ng anak niya dahil sa COVID
- Mga anak at pamilya ni Kim Atienza
Kim Atienza sa pagkaka-miss ng graduation ng eldest daughter niya dahil sa COVID
Image from Kim Atienza’s Instagram account
Naka-graduate na sa high school ang eldest daughter ng TV host na si Kim Atienza na si Eliana. Pero ang sad news, hindi nakadalo ang kilalang Kuya ng bayan na si Kuya Kim sa graduation ng anak niya dahil siya ay nagpositibo sa COVID-19.
Si Kuya Kim nalungkot man dahil na-miss ang special day na ito sa buhay ng anak ay proud naman sa achievements nito. Dahil si Eliana ay natanggap sa University of Pennsylvania at doon mag-aaral sa kolehiyo.
“I took a leave for this day I was sooo looking forward to but Covid took the better of me and I had to isolate at home.”
“I love you and I am sooo proud of you @elianahatienza you are God’s gift to mama and I and in a few months, you shall be in college far away from both of us.”
Ito ang bungad ni Kuya Kim sa kaniyang Instagram post.
Dagdag pa niya, kahit malalayo sa kanila ng kaniyang misis na si Felicia Hung-Atienza ang anak nilang si Eliana ay handa na sila dito. Dahil ang mga magulang ay ganito daw talaga ang papel na ginagampanan sa buhay ng mga anak nila.
Kaya naman final graduation message niya sa anak ay mahal niya ito at ang ipakita nito ang galing niya sa University of Pennsylvania.
“Parents are like bows and you are like an arrow. Our job is to shoot you far and straight and high….. far away from us. It is sad but that’s what parents are designed to do.”
“I love you and will always be proud of you my dearest baby [Eliana]. Kick ass and show them what you’ve got in [University of Pennsylvania!”
Ito ang mensahe pa ni Kuya Kim sa naging pagtatapos ng anak niya sa high school. Kahit wala siya ay present naman sa tabi ng anak ang nakakatanda nitong kapatid na si Jose at inang si Felicia Atienza.
Kuya Kim nag-positibo sa sakit na COVID-19
Samantala, kahit nag-positibo sa sakit na COVID ay mild lang daw ang sintomas na nararanasan ni Kuya Kim. Bagamat naapektuhan daw nito ang boses niya kaya minabuti niyang tumigil muna sa pagtratrabaho.
Kaya naman paalala niya, may COVID-19 pa rin at kailangan paring mag-ingat ang lahat. At umaasa rin siya na magiging ok na siya soon at makabalik na sa pagtratrabaho. Ganoon rin ang makasama ang kaniyang pamilya at mai-celebrate ang graduation ng kaniyang anak.
“I’d like to remind all of us that Covid19 is still here. Sorry for the raspy voice and my absence introducing my #kuyakimanona segment in 24 Oras . I’m in isolation now with Covid.”
“Though hoarse, my symptoms are very mild. I can do my voice overs in isolation so it’s all good. God is good! Praying I’ll be back and working in a few days! Stay safe and God bless you.”
Ito ang sabi pa ni Kuya Kim.
BASAHIN:
Kris Aquino ibinilin na sina Bimby at Josh sa kaniyang mga kapatid, ayon kay Cristy Fermin
Mga anak ni Kim Atienza
Image from Felicia Atienza’s Instagram account
Ang anak ni Kuya Kim Atienza at misis niyang Felicia Atienza na si Eliana ay pangalawa sa tatlo nilang anak. Ang panganay nilang si Jose ay kasalukuyan ring nag-aaral sa ibang bansa.
Siya ay nag-aaral sa Tufts University sa Amerika at kumukuha ng degree sa kursong International Relations at Economics. Nandito siya sa bansa ngayon para lamang magbakasyon.
Samantala, ang pangalawa nilang anak at kaka-graduate lang na si Eliana ay natanggap sa University of Pennsylvania. Doon ay kukuha siya ng kurso sa ilalim ng College of Arts and Sciences ng naturang prestihiyosong university.
Sa kaniyang Instagram noong nakaraang taon ay ibinahagi ni Kuya Kim kung gaano sila kasaya at ang anak na si Eliana ng malaman nila ang magandang balita. Lalo pa’t doon rin daw nag-aral at nakapagtapos ng kolehiyo ang kaniyang ina.
“@uofpenn!! My dearest dearest @elianahatienza I’ve seen how hard you worked for this. I will miss you dearly but Mama and I are so proud of you!
“Fly as high as you can, our dearest Eli! Welcome to your mother’s Alma Mater. We love you! #universityofpennsylvania #upenn2026 #upenn.”
Ito ang sabi noon ni Kuya Kim sa kaniyang post.
Ang bunsong anak naman ni Kuya Kim na si Emmanuelle Atienza ay unti-unting nakikilala sa mundo ng pagmomodelo. Sa edad nitong 16-anyos ay ipinapakita nito na may potential siyang maging supermodel dahil sa looks at fit niyang katawan.