Kris Aquino ibinilin na umano ang kaniyang mga anak na sina Josh at Bimby, ito ay dahil sa health condition ng aktres na pinalala ng kaniyang mga autoimmune disease.
Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:
- Paghabilin kina Josh at Bimby, ayon kay Cristy
- Kris Aquino health condition
Larawan kuha mula sa Instagram account ni Kris Aquino
Paghabilin kina Josh at Bimby, ayon kay Cristy
Naging sentro ng diskusyon sa YouTube show na ‘Showbiz Now Na!’ ang tungkol kay Kris Aquino at kalagayan nito. Ayon sa showbiz columnist na si Cristy Fermin, tila hinahabilin na raw ng ‘Queen of All Media’ ang kaniyang mga anak.
“Ito po ‘yong nakakalungkot. Kwento rin po naman ito mula din sa kanilang pamilya, na si Kris daw, ipinagbibilin na si Josh at saka si Bimby sa kanyang mga kapatid.”
Ito raw ay dahil sa kalusugan ni Kris, na hindi pa nahahanapan ng lunas. Labis namang nalungkot si Crity Fermin sa nasagap na impormasyon.
“Kung ano man ang mangyari sa kanya, alam ng kanyang mga kapatid kung ano ang gagawin.”
Isa pa sa pinag-alala ng showbiz personality ay ang kamusmusan ng mga anak ni Kris Aquino. Ang kaniyang bunso na si Bimby ay 15 years old. Habang si Josh naman ay 26 years old na.
Ngunit hindi lihim sa nakararami na isang child with special needs si Josh. Siya ay diagnosed na may autism.
“Ako ay naaawa kay Josh at kay Bimby kasi napakabata pa nila para mawalan ng ina kung talagang ito ay wala nang kalunasan. Lalo na si Josh, may mga special needs po si Josh.”
Si Kris Aquino ang bunso sa magkakapatid. Matatandaan na noong June 2021 ay pumanaw ang kaniyang kuya na si dating Presidente Noynoy Aquino.
Ang iba pa nilang kapatid ay sina Pinky, Ballsy at Viel.
BASAHIN:
Kris Aquino lumala ang sakit; nakiusap na huwag nang i-bash sina Bimby at Josh
Gab Valenciano shares battle with depression: “I tried to hurt myself at one point.”
STUDY: Pag-exercise habang buntis, nakakababa ng risk ng Type 2 diabetes sa baby
Larawan kuha mula sa Instagram account ni Kris Aquino
Kris Aquino health condition
Sa isang Instagram post ni Kris Aquino noong May 16, binahagi niya ang update tungkol sa kaniyang health condition.
Wika ng dating TV host at actress, nilarawan niya bilang ‘life threatening’ na ang kaniyang sakit. Ito ay dahil sa mga tumamang autoimmune illness sa kaniyang katawan.
Ayon kay Kris Aquino, ang kaniyang mga autoimmune conditions ay chronic spontaneous urticaria at autoimmune thyroiditis.
Ang chronic idiopathic urticaria ay kilala rin sa tawag na hives. Ito ay ang makakating nakaumbok na pantal sa balat ng isang tao. Ito ay nakukuha dahil sa isang allergic reaction na madalas ay nakukuha sa pagkain o iniinom na gamot.
Sa bilang na pagkakataon, pabalik-balik ang hives sa isang tao kahit hindi alam kung ano ang nagiging cause nito. Kapag halos araw-araw na ang hives outbreak at lumampas na ito sa anim na linggo, tinatawag na itong chronic idiopathic urticaria.
Larawan kuha mula sa Instagram account ni Kris Aquino
Samantala, ang autoimmune thyroiditis naman ay kilala rin sa tawag na Hashimoto’s disease.
Ang naturang sakit ay kapag nagkakaroon ng disorder sa immune system ng isang tao. Nagiging sanhi ito upang labanan ng sariling immune system ang mga tissues sa katawan ng may sakit.
Sa Hashimoto’s disease, ang thyroid ang inaatake ng immune system, dahilan para hindi makapag-supply ng sapat na hormones ang katawan na sasapat para sa kailangan ng isang tao.
Hindi pa alam kung ano ang sanhi ng autoimmune thyroidism, ngunit posible umano itong makuha sa genes, hormones, radiation exposure o sobrang pag-intake ng iodine.
Sa pangatlong skin biopsy sa kaniya ay natuklasan din ng mga doktor na mayroon late stage 3 ng Chrug Strauss Syndrome si Kris Aquino.
Ang Churg-Strauss syndrome ay isang rare disease na nagdudulot para magkaroon ng inflammation o pamamaga sa blood vessel ng isang tao.
Kilala rin ang Churg-Strauss syndrome bilang vasculitis o eosinophilic granulomatosis with polyangiitis (EGPA). Wala pang gamot sa naturang sakit.
Ngunit may ilang puwedeng gawin ang mga doktor para sa management nito. Ilan dito ay ang pag-take ng steroids, at ilang gamot para sa immune system ng mayroon ng naturang sakit.
Ayon kay Kris Aquino, may mga doktor siya mula sa Houston, Texas at sa isang ospital sa Pilipinas para tutukan ang kaniyang health condition.
Ang gamot na ipinapagamit kay Kris ay hindi pa aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) sa Pilipinas o sa Singapore. Hindi kasi maaaring mag-take ng steroids si Kris Aquino dahil allergic siya rito.
Lahad pa niya, sasabayan ng chemotherapy ang kaniyang treatment para magsilbing immunosuppressant niya.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!