Kirat na mata, posibleng sintomas ng nakamamatay na sakit

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pagkakaroon ng kirat na mata ay madalas pinanggagalingan ng tukso. Ngunit alam niyo bang ito ay nakukuha sa pagka-panganak? May klase ng kirat na mata na hindi na gumagaling at mayroon din na umaayos kasabay ng pagtanda. Ang tanong ng karamihan, may gamot ba sa kirat na mata?

Ngunit paano kung hindi pala kirat na mata ang problema? Maaaring isa pala itong sintomas ng mas malalang sakit.

Ang kwento ni Charlie Stephenson

Si Charlie Stephenson ay isang 9 na taong gulang na bata na ipinanganak na kirat ang kaliwang mata. Bukod sa kanyang mata, normal ang lahat sakanya at wala siyang ibang sintomas. Ngunit nalaman nila nuong February 2019 na mayroon siyang hindi pangkaraniwang sakit na diffuse intrinsic pontine glioma (DIPG).

Bakit nagiging kirat ang mata? | Image from Daily Mail

Tinataya ng mga duktor na sa loob ng anim na buwan, mawawala na ang paningin ni Charlie, ang kanyang kakayahan makipag-usap at kakayahang kumain mag-isa. Ito ay dahil sa patuloy na paglaki ng tumor dahil sa DIPG at pagtulak nito sa mga maseselang ugat sa utak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bakit nagiging kirat ang mata? | Image from Daily Mail

Ano ang DIPG?

Ang DIPG o Diffuse Intrinsic Pontine Glioma ay tumor na tumutubo mula sa tangkay ng utak sa may bandang batok. Ang tangkay na ito ang nagko-kontrol sa paghinga, tibok ng puso, at mga ugat na tumutulong sa tao na makakita, makarinig, makapagsalita at makakain. Kaya naman, ang dahilan ng pagtubo ng tumor na ito ay hindi parin malinaw.

Karamihan sa nagkakaroon ng DIPG ay nasa edad 5 hanggang 10 taong gulang. Halos 90% ng mga nagkakaroon nito ay namamatay sa loob ng 18 na buwan. Kada-taon, natatayang nasa 100 hanggang 150 na bata ang nasusuring mayroon nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga sintomas ng DIPG

Madaling lumabas ang mga sintomas ng DIPG o mas kilala bilang Diffuse Intrinsic Pontine Glioma dahil sa bilis ng paglaki ng tumor nito. Narito ang mga karaniwang sintomas nito:

  • Problema sa pag-balanse at paglalakad
  • Problema sa mata – pagiging duling, pagkakaroon ng kirat na mata, hindi makontrol na paggalaw ng mata at malabong paningin
  • Pagkahilo at pagsusuka
  • Problema sa pag nguya at paglunok
  • Pagsakit ng ulo
  • Panghihina ng mga muscle sa mukha

Gamot sa kirat na mata?

Para magamot ang DIPG o mas kilala bilang Diffuse Intrinsic Pontine Glioma, kailangan sumailalim sa mahabang therapy ang isang merong tumor na ito.

  • Radiation therapy – Ang pagpatay sa cancer cells gamit ang x-ray o iba pa. Ito ang kadalasang ginagawa sa mga bagong nasusuri na may DIPG. Pero ang protons o iba pang type ng energy ay maaaring gamitin. Nagbibigay ito ng panandaliang lunas ngunit hindi nagagamot ang nasabing sakit.
  • Chemotherapy – Isa itong drug treatment kung saan matapang ang mga chemical na ginagamit para mabilis na mapatay ang mga fast-growing cells sa iyong katawan. Kadalasang sumasailalim sa chemotherapy ang mga taong may cancer. Kasabay na isinasagawa sa radiation therapy.
  • Siruhiya – Madalang na isinasagawa dahil sa panganib na dulot ng pagsiruhiya sa bahaging ito ng utak.
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gamot sa kirat na mata | Image from Daily Mail

Sa kasamaang palad, kakaunti lang ang nakakaligtas matapos masuri na may DIPG o mas kilala bilang Diffuse Intrinsic Pontine Glioma. Sa panahon ngayon, wala pang kilalang gamot ang DIPG. Ito ang ikinalulungkot ng mga magulang ng mga batang may DIPG. Katulad ng sa kalagayan ni Charlie, ang nais nalang ng kanyang mga magulang ay mapasaya si Charlie hanggang nakaka-usap pa nila ito. Lahat ito dahil sa sakit niyang unang nagparamdam sa kirat na mata.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source:

DailyMail, St. Jude Children’s Research Hospital

Basahin:

6 na sa sakit sa mata ng bata na dapat malaman ng mga magulang

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement