Ang siguruhin na healthy ang mata at paningin ng iyong anak ay importanteng parte ng pagbigay sa kanila ng magandang kinabukasan.
Ngunit pilitin man ng mga magulang na iwasan ang mga ito, maaari pa ring magkasakit sa mata ang mga bata, o marahil ay ipinanganak na rin silang mayroon nito. Alamin ang mga sakit sa mata at paano ito maiiwasan at magagamot.
Ano ang mga sakit sa mata na maaaring mayroon pala ang iyong anak? | Image from Freepik
Ang mga problema tulad ng nearsightedness (myopia) o farsightedness (hyperopia) ay madali namang ma-diagnose, pero paano na ang mga problema sa matang di ganoong kadaling mahalata?
Alamin natin ang maaaring isa mga sakit sa mata na may naidudulot na pangmatagalang epekto sa bata.
Talaan ng Nilalaman
Amblyopia or Lazy Eye
Ang amblyopia o “lazy eye” kung tawagin ay maaaring resulta ng strabismus (eye misalignment), problema sa refraction (o ang pagiging nearsighted o farsighted), o pagbara sa pag-filter ng ilaw ng mata, na kadalasa’y nakikita sa mga may katarata.
Ayon sa University of Oklahoma Eye Institute, maaaring gamutin ang amblyopia if maaga itong na-diagnose, lalo na kung nasa preschool palang ang bata. Ngunit kapag nasa edad 9 o 10 na, maaaring mahirap na itong ayusin.
Mga dapat malaman ng mga magulang: Obserbahan ang iyong anak. Mukha ba siyang nasisilaw sa isang mata? Mukha ba siyang duling o ‘di pantay ang mata? Maaari ring may lazy eye siya kapag madalas siya mauntog o mabangga sa mga bagay dahil sa poor depth perception.
Maaari ring may double vision siya kung napapansin mong tinatagilid niya ang ulo niya. Kapag nalamang may lazy eye ang iyong anak, maaaring bigyan siya ng prescription glasses, eye drops o di kaya’y irekomenda ang eye patching o surgery.
Sobrang Pagluluha or Excessive Tears
Ang kondisyong ito, na tinatawag ding epiphora, ay ang pagluluha ng sobra-sobra. Isa ito sa maaaring mga sakit sa mata na kadalasa’y napapansin ito pagkapanganak ng bata. Kapag baby pa, maaaring ito’y baradong tear ducts.
Ayon sa American Academy of Ophthalmology, ang sintomas ng blocked tear ducts ay nagtutubig na mata o umaapaw na luha sa mata.
Mga dapat malaman ng mga magulang: Ang blocked tear ducts ay kadalasang kusang nawawal bago mag-first birhtday si baby. May ibang doktor na maaaring mag-rekomenda ng special massage para tulungang buksan ang tear ducts.
Ang sobrang pagluluha ay maaaring maibsan din ng special massage na may katambal na eyedrops.
Developmental Abnormalities
Mayroong mga sakit sa mata ng bata tulad ng coloboma (holes in the eye), microphthalmia (small eye) at optic nerve hypoplasia (underdeveloped optic nerve), na lumalabas habang nasa sinapupunan pa ang bata.
Mga dapat malaman ng mga magulang: Ang mga eye development abnormalities ay maaaring magdulot ng pagkabulag, depende sa kung saan at kung gaano kalaki ang butas sa mata. Halimbawa, kung ang coloboma ay nasa iris, may makikitang hugis “key hole” sa mata. Para sa mga batang may microphthalmia, maliit ang mata sa paningin ng iba.
Katarata (Pediatric Cataract)
Mga maaaring sakit sa mata. | Image from Freepik
Tulad ng katarata sa matatanda, ang pediatric cataract ay unang napapansin bilang cloudiness ng lens ng mata, na kadalasan ay malinaw naman. Kahit na madalas itong nakikita sa matatanda, maaari din itong lumabas sa pagkabata.
Mga dapat malaman ng mga magulang: Upang maiwasan ang pagkabulag o problema sa mata, dapat dalhin nga mga magulang sa doktor para sa maaagang detection at treatment.
Huwag kalimutan na ang hindi pantay na mata o pamumuti sa ibang bahagi ng mata ay puwedeng maagang sintomas ng katarata. Ang treatment nito ay eyeglasses, contact lense, o eye patching, depende sa irerekomenda ng doktor. Pero sa mga malubhang kaso, maaaring operahan na ito upang maiwasan ang tuluyang pagkabulag.
Glaucoma sa Bata (Pediatric Glaucoma)
Ang glaucoma sa bata ay resulta na mataas na pressure sa loob nito na nagreresulta sa optic nerve damage. Ang optic nerve ay isa sa pinaka-mahalagang parte ng mata na kailangan para makakita tayo. Kaya ang glaucoma ay maaaring humantong sa habambuhay na pagkabulag.
Mga dapat malaman ng mga magulang: Ito ay isang sakit na bihira lamang ma-diagnose, pero maaari itong mangyari sa sanggol, at bata. Obserbahan ang iyong anak nang mabuti. Kung madalas siyang kumurap, sensitibo sa ilaw, namumula ang mata, malabo ang cornea o madalas maluha, maaaring sintomas ito ng pediatric glaucoma.
Retinopathy of Prematurity (ROP)
Mga maaaring sakit sa mata. | Image from Freepik
Nangyayari ito kapag ang blood vessels sa loob ng retina ay hindi nag-dedevelop ng normal. Madalas itong nangyayari sa mga batang premature. Kahit na mild lamang ang sintomas nito, maaari itong maging mas malubha na sakit na maaaring humantong sa pagkabulag.
Mga dapat malaman ng mga magulang: Kahit na madalas nawawala rin nang kusa ang ROP. Minsa’y kinakailangan nito ng laser treatment. May mga ibang komplikasyon pa ang ROP tulad ng strabismus (eye misalignment), katarata, myopia (nearsightedness). Sa mga ibang pagkakataon, pagkabulag dahil sa pagkatanggal ng retina (retinal detachment).
Para sa mga premature baby na at risk sa ROP. Maaaring magrekomenda ang pediatrician ng routine screening protocol, na maaaring gawing bago ma-discharge mula sa ospital.
Kung hinihinalang mayroong sakit sa mata ng bata ang iyong anak, huwag magatubiling ikonsulta agad sa pinagkakatiwalaang doktor.
Isinalin mula sa orihinal na Ingles na “6 Alarming eye problems in kids with long-term effects parents should know about”
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!