LOOK: Singer-songwriter na si Kitchie Nadal buntis sa kaniyang second baby!

Singer ibinida ang kaniyang 5 months baby bump hawak ang kaniyang gitara sa Time Square, New York.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kitchie Nadal buntis sa kaniyang second baby. Singer-songwriter ibinida ang kaniyang baby bump habang sa US kung saan siya ay may concert tour.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Kitchie Nadal buntis sa kaniyang second baby.
  • Buhay ni Kitchie Nadal ngayon.

Kitchie Nadal buntis sa kaniyang second baby

Larawan mula sa Facebook account ni Kitchie Nadal

Nasa Amerika ngayon ang singer na si Kitchie Nadal. Pero maliban sa pagbibida sa mga kantang Pilipino, si Kitchie ibinida rin ang baby bump niya sa isang photoshoot.

Bitbit ang kaniyang gitara at hawak ang kaniyang tiyan ay nagpost si Kitchie sa Times Square sa New York. Sa caption ng post ay nakalagay na limang buwan na siyang buntis sa kaniyang second baby.

Ang mga fans at Filipino celebrities ay masaya sa post na ito ni Kitchie. Isa nga sa bumati sa kaniya ay ang host at mom of four na si Iya Villania. Ito ang komento niya sa buntis post ni Kitchie sa Instagram.

“Aww Kitchie! ❤❤❤ beautiful bump!”

Ito ang sabi ni Iya na sinagot naman ng singer.

@iyavillania inspired by strong mamas like you ??❤?”, sagot ni Kitchie kay Iya.

Buhay ni Kitchie Nadal ngayon

Larawan mula sa Facebook account ni Kitchie Nadal

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matagal ding hindi nakita si Kitchie ng kaniyang mga Filipino fans. Siya ngayon ay naninirahan na sa Spain kasama ang Spanish husband niyang si Carlo Diaz at anak na si Keon. Si Keon ay limang taong gulang na ngayon.

Napaka-pribado ng buhay ni Kitchie at mister na si Carlo. Si Carlo at Kitchie ay ikinasal noong 2015. Ayon sa mga publications, si Carlo ay isang journalist na kasalukuyang nasa Africa ngayon. Habang si Kitchie naman makikita sa kaniyang mga IG post na pauwi-uwi sa Pilipinas para mag-perform.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nitong Pebrero ngayong taon ay kasama niya nga dito sa Pilipinas ang anak niyang si Keon. Pero ito ay kinailangan niyang iuwi muli sa Spain habang siya ay kailangang malayo saglit sa anak para magtrabaho.

Larawan mula sa Facebook account ni Kitchie Nadal

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Missing my mini me. I brought him back to Spain and had to fly back here in the Philippines after 8 days. Yes, this is motherhood now ❤??? #parasayo #5yrsold #keon.”

Ito ang caption ng isa sa mga IG post ni Kitchie kasama ang anak na si Keon.

Congrats Kitchie!

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement