Kitkat on being a first time mom: "No ligo, bleeding nipples... but I will never trade this for anything else."

"1 week straight no sleep, back pain, 'tahi' pain, headache, etc. pero super happy. Enjoying every second of it!"

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Comedian na si Kitkat ibinahagi ang kanyang mga experience as a first time mom ngayong may baby na siya at nagpapa-breastfeed pa.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Kitkat shares experience on being a mom
  • Breastfeeding guide for first time mommies

Kitkat shares experience on being a mom

Larawan mula sa Instagram account ni Kitkat

Mahirap talaga ang maging isang ina, lalo na kung first time mo itong maranasan sa buhay mo. Maraming mga dapat gawin na hindi ka pa familiar kaya dobleng sacrifices ang need pagdaanan. Ganito rin ang nararanasan ngayon ng comedian na si Kitkat sa kanyang bagong panganak na baby.

Dinala ni Kitkat sa kanyang mga social media accounts ang pagbabahagi ng kanyang experience bilang bagong ina. Sa kanyang Instagram account, makikita na puno na ito ngayon ng post tungkol sa kanila ng kaniyang baby girl na si Uno Asher.

Noong nasa ospital siya ay ibinahagi niya ang larawan nilang dalawa ng anak. Ayon sa comedian na si Kitkat, worth it daw na maituturing ang karanasan niyang ito,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“‘Yong super wala ka pang tulog kahit segundo at wala ka pang kain pero super all worth it! Kumpleto na talaga buhay ko sa maliit na pamilya ko… hello world daw sabi ng Baby Girl Uno Asher B. Favia ko. Definitely my mini me! Taas ng boses eh pati kilay plakado!”

Sinundan naman niya ito ng kanilang family picture. Labis-labis daw ang kanyang tuwa dahil sa wakas ngayon ay tatlo na sila sa pamilya.

Larawan mula sa Facebook account ni Kitkat

“Finally… my very OWN family picture! Di ako nagpa-bangag para alam ko lahat ang photo op. At syempre full smile para walang panget moment sa mga pictures!”

Ibinahagi niya rin dito kung gaano niya kamahal ang kaniyang mag-ama,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Hehehe kahit kakaiyak lang namin ni sweetie nyan! At syempre ‘di pwedeng ‘di pak ang kilay at ang lashes whahahaha niretats na few days before manganak. I love you so much mag ama ko! My everything!”

Isang linggo matapos ng kaniyang panganganak, experience naman sa kaniyang pagpapa-breastfeed ang binahagi ni Kitkat. Ayon sa kanya, marami na raw siyang nararamdamang pain pero ‘sisiw’ lang daw ang lahat ng ito para sa kanyang anak,

“1 week as a Mother, super fulfilled. 1 week straight no sleep, back pain, ‘tahi’ pain, headache, etc. pero super happy. Enjoying every second of it!”

“Yong sabi matulog ako ‘pag natutulog si baby, kaso lagi ko siya tinititigan eh… Puyat? Sisiw na sisiw para sa anak ko!”

Halos wala na raw siyang tulog at ligo dahil sa pagbabantay sa kanyang anak pero hindi niya raw ito ipagpapalita sa kahit ano,

“No tulog, no ligo, sore, cracked, bleeding nipples… but will never trade this for anything else.. im at my happiest serving and loving my pretty little baby.”

Breastfeeding guide for first time mommies

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Breastfeeding guide for first time mommies | Larawan mula sa Pexels

Ipinapayo ng karamihan ng mga health experts na subukan ang breastfeeding para sa baby kaysa sa formula milk. Maraming benefits kasi ang bitbit nito both sa mommy and baby. Naririyan ang pagkakaroon ng healthier nutrients para kay baby, bonding ng mag-ina, at marami pang iba.

Sa kabila ng benefits na ito, alam naming marami ka pa ring katanungan about sa breastfeeding. To help you with that, narito ang ilang breastfeeding guide para sa iyo:

Alamin kung ano ang gusto ng iyong anak.

Huwag nang hintayin na umiyak pa ang iyong anak. Maaarin mong malaman kung nagugutom na ba sila sa pamamagitan ng ilang senyales. Malalaman mo ito kung siya ay paulit-ulit na ginagalaw ang ulo, binubukas sara ang bibig, inilalabas ang dila, o kaya sinusubo ang anumang malapit sa kanila maaaring gutom na ang bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kapag napansin mo na ito sa iyong baby ay maaari mo na siyang ipa-breastfeed.

Matutong maging komportable at mag-relax sa pagpapa-breastfeed.

Alamin kung ano ang mga posisyon na komportable sa iyo sa pagpapadede. Maraming beses mo kasi itong gagawin sa loob ng ilang taon kaya dapat lang na aralin kung ano ang pinakamaayos na pwesto para mapadali ang iyong pagpapa-breastfeed sa iyong anak. Maaaring humiga patagilid habang nakaharap si baby sa iyo o nakaupo sa reclined position habang hawak-hawak ang sanggol sa iyong mga bisig.

Tulungan ang bata na ipwesto siya sa tamang posisyon.

Dapat lang na kung komportable ang nanay, komportable rin si baby. Ito ang ilang dapat tandaan sa feeding time ni baby:

  • Siguraduhing dumedede sila sa buong areola mo at hindi sa nipple lang.
  • Nakataas dapat ang kanilang baba upang makahinga pa rin sa kanilang ilong.
  • Dapat nakaposisyon siyang nasa level ng nipple.
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva