"Girl Dad" trend sa Twitter, tribute para kay Kobe Bryant at Gianna

"Girl Dad" trend sa Twitter, tribute para kay Kobe Bryant at Gianna

Basketball legend na si Kobe Bryant, at daughter nitong si GIanna, binigyan ng mga kaibigan sa industriya at sikat na celebs ng tribute.

Kobe Bryant at Kobe Bryant daughter Gianna death

Matatandaang kamakailan lamang ay pumanaw ang basketball legend na si Kobe Bryant at Kobe Bryant daughter Gianna sa isang plane crash. Kasama rin dito ang anim pang ibang pasahero na kasama rin sa team. At ang baseball coach na si John Altobelli at ang pamilya nito.

Kobe-bryant-daughter-gianna Image from CNN

Ilang araw na ang nakalipas, ngunit nagbibigay pa rin ng tribute para sa mag-ama ang kanyang mga closest friends sa industriya ng sports. At maging ang ilan sa mga sikat na celebrities na humahanga sa kanya.

 

Tribute para kay Kobe at Kobe Bryant daughter Gianna

Tracy McGrady

 

Kilala bilang longtime friend at colleague ni Bryant si Tracy McGrady. Sa isang interview, sinabi niyang siya ay hindi makapaniwala sa nangyari. Ikinwento rin niya kung paano sila noon mag-bond ni Kobe at pati na ni Gianna. Hindi naman maiwasang maiyak ng 40-year old basketball champ nang sabihin nito kung gaano kahusay si Gianna bilang basketball player sa kanyang edad. Sinabi niya pang siya ay nanghihinayang dahil hindi man lang nito naipamalas nang lubos ang kanyang galing.

 

Jimmy Fallon

Ang Late Night show host naman na si Jimmy Fallon ay naglaan ng ilang minuto sa kanyang show upang alalahanin si Kobe. Ikinwento niya ang kanilang fun encounter at kung paano sila naging magkaibigan matapos nito. Ayon sa kanya, malayo na ang narating ng kanilang pinagsamahan. Ngunit, hindi kailanman nagbago ito. Sinabi niya rin na siya ay lubos na nalulungkot dahil sa pagpanaw ng kanyang kaibigan.

 

Kylie Jenner

www.instagram.com/p/B7zBigQnmV_/?utm_source=ig_web_copy_link

 

Ang reality star naman at ang kanyang mga kapatid ay nagpahayag din ng pakikiramay through social media. Hindi maitatanggi na malaki talaga ang impact ng mag-ama sa kanilang lahat.

Barack Obama

twitter.com/BarackObama/status/1221552460768202756?s=20

 

Si former US president Barack Obama naman ay dinaan sa tweet ang pag-alala kay Kobe. Nagpapa-abot naman siya ng pakikiramay kay Vanessa, na wife ni Kobe. Tinawag pa nga niyang “unthinkable day” ang araw ng pagkamatay ni Kobe dahil sa sobrang pagkalungkot.

ESPN Reporter Elle Duncan

twitter.com/VinceGoodwill/status/1222001851069030400?s=20

Maraming netizens ang na-touch sa tribute ni Elle Duncan para kay Kobe dahil sa conversation na kanyang ibinahagi. Ayon sa kanya, noong unang beses na sila ay nagkita, siya ay buntis. Agad-agad naman daw tinanong ng basketbolista kung ilang buwan na ito. Excited pa nga raw si Kobe nang malaman na babae ang pinagbubuntis ni Elle. Ayon sa kanya, blessing ang pagkakaroon ng babaeng anak. Dahil dito, tinawag ni Kobe ang kanyang sarili na “girl dad”. Mayroon siyang apat na babaeng anak at isa rito ay si Gianna.

“Girl dad” trend sa Twitter

N.B.A. Star Kobe Bryant Dies in California Helicopter Crash - The ...

Matapos mag-trend ang tribute ni Elle Duncan, nagpahayag naman ng mga sari-sariling kwento ang mga netizens sa Twitter tungkol sa pagiging girl dad. Karamihan ng mga sports fan na ama rin ay nag-share ng kanilang experience. Sinasabi nila kung gaano nga kasaya maging ama ng mga babaeng anak.

Narito ang ilan sa mga entries nila,

twitter.com/Hold_deez_Bois/status/1222558556274208771?s=20

twitter.com/coachjfranklin/status/1222583794437365762?s=20

 

twitter.com/jjccox76/status/1222567764415713292?s=20

twitter.com/3uckner/status/1222570069055746048?s=20

Sa parehong pahayag, ikinwento rin ni Elle kung paano purihin ni Kobe si Gianna. Ayon sa kanya, proud na proud si Kobe sa anak niyang ito. Tinawag niya pa nga raw itong “monster” dahil sa husay nito sa paglalaro. Dito naman tuluyang naging emosyonal si Elle.

Ticketing plan for Kobe Bryant public memorial released

Ngunit sinabi niyang mula sa konbersasyong iyon, mayroon siyang napulot. Sa kabila ng malungkot na pangyayari, alam niyang pumanaw na may saya sa puso si Kobe. Dahil ang tunay na nagpapasaya sa kanya ay ang pagiging mabuting ama.

 

SOURCES: Good Morning America, The Grio, Los Angeles Times

BASAHIN: Kobe Bryant at anak na si Gianna, patay na, Kobe Bryant and wife Vanessa are expecting their third child!, 8 Times Kobe Bryant was the MVP of parenting

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

mayie

Article Stories
app info
get app banner