Kobe Bryant at anak na si Gianna, patay na

Pagkamatay ni Kobe Bryant ikinalungkot ng marami. Ngunit ang mga alaala at naiambag niya sa mundo ng isports ay hindi makakalimutan at tunay na pasasalamatan ng mga susunod pang henerasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kobe Bryant death kasama ang anak niyang si Gianna ikinabigla at ikinalungkot ng mga fans at malalapit na kaibigan niya.

Image from LA Times

Kobe Bryant death

Malungkot at naghihinagpis ngayon ang mundo ng basketball sa pagkawala ng NBA superstar na si Kobe Bryant. Si Kobe ay naiulat na nasawi sa edad na 41 sa isang helicopter crash sa California kasama ang kanyang 13-anyos na anak na si Gianna nitong Linggo, January 26, 2020.

Ayon sa mga reports, papunta umano ang mag-ama sa Mamba Academy sa Newbury Park, California nang nag-crash ang kanilang sinasakyang helicopter sa hillside ng Calabasas, Los Angeles. Maliban kay Kobe at kanyang anak ay may pito pang sakay ang nag-crash na helicopter. Kabilang dito ang piloto ng helicopter na hindi rin nakaligtas sa nangyaring aksidente.

Pahayag ng Los Angeles Country Fire Chief na si Daryl Osby, bandang 9:31 AM nitong Linggo nang makatanggap sila ng tawag tungkol sa aksidente. Nagdulot daw ito ng sunog sa hillside ng Calabasas. Kaya naman para makapunta sa lugar ay kinailangan pang mag-hike ng mga bumbero bitbit ang kanilang medical equipment at hose lines para apulahin ang sunog. Agad din namang dumating ang mga medical staff na sakay ng isa ring helicopter. Ngunit wala na silang naabutang survivor sa crash site.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kobe Bryant death: Reaksyon ng mga kaibigan at iba pang prominenteng tao sa mundo

Ang pagkamatay ni Kobe ay nagdulot naman ng labis na pagkalungkot hindi lang sa mundo ng basketball kung hindi pati na rin sa iba’t-iba pang larangan. Sinabayan din ito ng panghihinayang sa pagkawala ng kanyang anak na si Gianna na sa mura nitong edad ay nagpapakita rin ng galing sa basketball.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa pagkasawi ni Kobe ay naulila nito ang asawang si Vanessa Bryant pati ang kanila pang 3 anak na babae. Ngunit sa kabila nito ay nag-iwan naman si Kobe ng legasiyang pasasalamatan at hindi makakalimutan ng mundo.

Image from Larry Brown Sports

Kobe Bryant legacy

Si Kobe Bryant ay isang five-time NBA champion na kung saan ang entire basketball career niya ay idine-dedicate niya sa paglalaro para sa Los Angeles Lakers basketball team. Siya ay itinanghal ding two-time NBA finals MVP, two-time scoring champion at one-time league MVP noong 2008. Nakasama din siya sa NBA All Defensive team ng labingdalawang beses. At nag-uwi ng gold medals sa Olympics noong 2008 at 2012.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pang-apat din si Kobe sa may pinakamaraming puntos na nagawa sa buong NBA career scoring list. Siya ay nakagawa ng 33,634 points sa loob ng 1,346 games na nalaro niya.

Para sa mga nakakilala kay Kobe, siya ay isang manlalaro na may kahanga-hangang work ethic. At hindi matatawaran ang pagmamahal nito sa larong basketball.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Granity Studios

Patunay nito ang pagtatayo niya ng Granity Studios. Isa itong media company na nag-fofocus sa pagkikwento ng lahat ng tungkol sa isports. Sa pamamagitan ng Granity Studios ay nakapagpasulat at napakag-narrate si Kobe ng isang six-minute film na pinamagatang “Dear Basketball”. Ito ay nakilala at nabigyan ng parangal bilang Best Animated Short Film sa Academy Awards noong 2018.

Maliban dito ay nag-release din ng mga libro si Kobe Bryant tungkol sa kanyang buhay at paglalaro na pinamagatang “The Mamba Mentality: How I Play.”

Mamba Sports Academy

Nitong 2017 ay binuo ng basketbolista ang Mamba League, isang youth basketball league na nagbibigay ng free access sa sports na basketball para sa mga kabataan. Kinalaunan ito ay naging Mamba Sports Academy na nagbibigay ng mas malawak na athletic at lifestyle training sa mga kabataan hindi lang sa basketball kung hindi pati na rin sa iba pang uri ng sports.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

SOURCES: ABS-CBN News, New York Times, LA Times, CBS Sports, CNN Edition

BASAHIN: 7 ways sports can help your child achieve future success, Kobe Bryant and wife Vanessa are expecting their third child!, 8 Times Kobe Bryant was the MVP of parenting