TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

4-taong gulang na bata, namatay sa komplikasyon ng trangkaso

26 Feb, 2019
4-taong gulang na bata, namatay sa komplikasyon ng trangkaso

Ang simpleng flu ay maaaring kumitil ng buhay kung ito ay babalewalain at hindi aagapan. Alamin ang dahilan kung bakit.

Hindi makapaniwala ang isang pamilya mula sa Massachusetts, USA na babawian ng buhay ang kanilang bunso dahil sa komplikasyon ng flu virus (trangkaso).

Gumagaling na umano ang kanilang anak sa simpleng trangkaso nang bigla itong nagsuka ng may dugo at nanghina. Ano ang nangyari?

komplikasyon ng flu

Pamilya Paak

Bakit nagkaroon ng komplikasyon sa flu ang bata

Nagkaroon ng mataas na lagnat ang 4-taong gulang na batang babae na si Puthiraskmey Sopheak at dinala sa Lowell General Hospital ng kanyang pamilya.

Ayon sa kanyang ama na si Sopheak Paak, hindi umano isinailalim sa blood test ang kanyang anak ng doktor na tumingin sa kanya doon. Sa halip ay niresetahan lamang ito ng Tylenol at sinabing hindi nangangailangang i-admit sa ospital.

Matapos ang ilang araw, muling ibinalik sa ospital si Puthiraskmey dahil hindi bumababa ang lagnat nito at sumuka na ng dugo. Namatay ang bata dahil sa komplikasyon ng flu virus, at hindi ito matanggap ng pamilya Paak.

Si Puthiraskmey ay pangatlo na sa mga batang namatay dulot ng komplikasyon sa flu sa Massachusetts at pang-34 sa Estados Unidos ngayong taon.

komplikasyon ng flu

Ano ang trangkaso o flu at paano aagapan ang komplikasyong dulot nito

Ang flu o trangkaso ay sanhi ng virus, at ito ay nakakahawa. Pangunahing sintomas nito ay ang pagkakaroon ng mataas na lagnat na tumatagal ng ilang araw, pananakit ng katawan at mga kasu-kasuan, sakit ng ulo, sore throat, ubo at sipon.

Kung malakas ang immune system, madaling nalalabanan ng katawan ang trangkaso.

Hinihikayat ang pagpapabakuna ng isang beses sa isang taon (6 na buwang gulang pataas) dahil ito ang unang proteksiyon natin sa flu kaya dapat na siguruhing kumpleto ang bakuna ng mga bata.

Ang mga over-the-counter na gamot para sa trangkaso ay pantulong lamang upang maibsan ang mga sintomas ng flu kaya dapat na magpatingin agad sa doktor kung nakikitaan ng senyales ng trangkaso ang isang tao.

Isasailalim sa laboratory test at physical exam ang taong may senyales ng trangkaso nang sa gayon ay mareresetahan ito ng tama base sa magiging resulta ng mga eksaminasyon.

Mga dapat gawin upang hindi mahawa ng trangkaso

Ibinahagi ni Dir. Ferchito Avelino ng DOH ang mga dapat gawin upang hindi mahawa ng trangkaso.

  • Nakakahawa ang trangkaso o flu, kaya’t mas mainam na huwag nang papasukin sa eskwela o trabaho ang taong may sintomas nito. Kung ikaw naman ang may trangkaso, mabuting ikaw na ang umiwas upang hindi makahawa sa iba.
  • Makabubuti rin ang pagsusuot ng face mask kapag lalabas ng bahay o pupunta sa mga pampublikong lugar upang makaiwas na mahawa sa virus.
  • Tumigil sa paninigarilyo dahil nakakapagpalala ito ng mga flu symptoms. Iwasan din ang alak kung kagagaling lang sa trangkaso upang maiwasan ang pagkakaroon ng dehydration.
  • Ugaliing maghugas ng mga kamay para maiwasan ang pagkalat ng virus.
  • Ayon din sa American Academy of Pediatrics, may panganib na dala ang aspirin sa mga bata at teenagers. Kaya mainam na magpatingin muna sa doktor upang maresetahan ng tamang gamot sa trangkaso.

 

Source: Daily Mail UK, WebMD, Centers for Disease Control and Prevention

Images: Sopheak Paak Facebook, Shutterstock

BASAHIN: Trangkaso: Sanhi, sintomas, at gamot para sa flu

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Yddette Civ Alonzo-Cruz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • News
  • /
  • 4-taong gulang na bata, namatay sa komplikasyon ng trangkaso
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • Stay-at-Home Moms, This Proposed Bill Wants to Give You ₱1,500 a Month

    Stay-at-Home Moms, This Proposed Bill Wants to Give You ₱1,500 a Month

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • Stay-at-Home Moms, This Proposed Bill Wants to Give You ₱1,500 a Month

    Stay-at-Home Moms, This Proposed Bill Wants to Give You ₱1,500 a Month

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko