Sanggol muntik nang mamatay dahil sa sipon

Naging kritikal ang kalagayan ng isang 8 linggong gulang na sanggol matapos siyang malagay sa coma dahil sa komplikasyon ng sipon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi na lingid sa kaalaman ng mga magulang na ang mga simpleng sakit para sa matatanda ay posibleng maging nakamamatay na sakit para sa mga sanggol. At para sa sanggol na si Eliza Hobbs, mula sa UK, ang komplikasyon ng sipon ay muntik na niyang ikamatay.

Komplikasyon ng sipon, mapanganib sa mga sanggol

Ayon sa magulang ni Eliza na si Sophie at Thomas, nagsimula daw ang lahat nang magkaroon ng sipon at ubo ang kanilang anak. Dahil nag-aalala sa kalusugan ni Eliza, dinala nila ang sanggol sa mga doktor. Ngunit sabi ng mga doktor ay obserbahan lang daw nila si Eliza, at pinauwi rin sila.

Matapos ang 5 araw, nakita na lang ni Thomas na walang malay ang kaniyang anak. Dali-dali nila siyang dinala sa ospital, at alalang-alala daw silang mag-asawa sa kalagayan ng anak. Ngunit nagsisimula pa lang pala ang pagsubok sa kanilang buhay.

Napilitan ang mga doktor na ilagay si Eliza sa isang coma

Nang mabigyan ng oxygen si Eliza, ay bigla na lang daw siyang nangitim at dali daling rumesponde ang 20 na doktor sa paligid ng bata. Hindi raw makapaniwala si Thomas at Sophie sa nangyayari, at pakiramdam nila na parang nasa gitna daw sila ng lindol.

Tumigil raw ang paghinga ni Eliza, ngunit sa kabutihang palad ay na-revive siya. 

Di nagtagal at nilipat ang sanggol sa iba pang ospital, at inilagay siya sa medically-induced coma upang gumaling ang kaniyang katawan. Napag-alaman ng mga doktor na nagkaroon na pala si Eliza ng bronchitis, o isang malalang chest infection.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa 5 araw na coma daw ni Eliza, 3 hanggang 4 na beses siyang ni-revive dahil tumigil ang kaniyang paghinga. Akala daw ng kaniyang mga magulang na yun na ang huling hininga ng kanilang pinakamamahal na anak.

Paglaon ay gumising na si Eliza, at nakakahinga na siya ng maluwag. Kinailangan pa siyang dalhin sa ICU, pero matapos ang 7 araw ay nakalabas din siya. 

Masaya ang kaniyang mga magulang na gumaling na si Eliza, at dahan-dahan nang nakakabawi ang kaniyang katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa mga matatanda, simple lang ang pagkakaroon ng sipon at ubo, at hindi ito dapat ikabahala. Ngunit para sa mga sanggol tulad ni Eliza, ang komplikasyon ng sipon ay lubhang mapanganib.

Panoorin ang video ng kalunos-lunos na nangyari kay baby Eliza:

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Baka raw nanggaling sa halik ang sakit ni Eliza

Pinaghihinalaan ng mga magulang ni Eliza na baka sa halik daw nahawa ng sipon ang kanilang anak. Bagama’t hindi nila masabi kung ano nga ang mismong pinanggalingan ng impeksyon, gusto nilang ipaalam sa mga magulang na huwag basta-bastang hayaang hawakan ang kanilang mga sanggol, at palaging maghugas ng kamay bago hawakan si baby.

Heto pa ang ilang mahalagang tips para makiwas sa sakit ang inyong sanggol:

  • Palaging maghugas ng kamay bago hawakan ang iyong sanggol.
  • Huwag hayaan na hawakan ng kung sino sino ang iyong anak. Kung gusto nilang buhatin ang iyong sanggol, kailangan nilang maghugas muna ng kamay.
  • Magsuot ng face mask kapag may sipon o ubo, o kaya ay umiwas muna sa iyong sanggol para hindi sila mahawa.
  • Huwag balewalain ang sintomas ng sipon o ubo sa inyong sanggol. Dalhin agad sa doktor kung sa tingin ninyo ay baka maging malala ang kanilang sakit.
  • Panatilihing malinis ang inyong bahay, lalong-lalo na ang kwarto kung saan natutulog si baby.
  • Huwag munang masyadong dalhin sa kung saan-saan si baby, dahil baka mahawa sila ng sakit mula sa mga tao sa paligid.
  • Hangga’t-maari, huwag ipahalik ang inyong anak sa mga kamag-anak, o kaibigan. Ito ay upang makasiguradong makakaiwas sila sa sakit.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: Daily Mail

Basahin: Herpes simplex virus sa baby, galing daw sa isang halik

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara