STUDY: Family history, maaaring pagmulan ng preterm birth ng isang buntis

Nakitaan ng koneksyon ng isang bagong pag-aaral na ang family history ng isang buntis na babae ay may kinalaman sa preterm birth. | Lead image from iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa lang ang tanging hiling ng mga pregnant mom. Nais nilang ‘wag magkaroon ng komplikasyon sa pagbubuntis at lumabas na healthy si baby, pero sa kasamaang palad, nangyayari talaga kadalasan ang hindi inaasahan. Katulad na lamang ng preterm birth. Walang nakakaalam at maaaring makakita na ito ay pwedeng mangyari.

Mababasa artikulong ito ang:

  • Pag-aaral tungkol sa koneksyon ng family history sa preterm birth
  • Mga dapat tandaan sa preterm labor

Ngunit sa isang pag-aaral na isinagawa ng Baylor College of Medicine and Texas Children’s Hospital at kasalukuyang nakalimbag sa American Journal of Obstetrics & Gynecology, maaaring maging predictor ang family history ng nanay sa preterm birth.

Komplikasyon sa pagbubuntis katulad ng preterm birth

Nalaman ng mga eksperto na ang history ng babae ay may kinalaman sa preterm birth sa loob ng tatlong henerasyon. Kabilang dito ang kapatid, nanay, lola, tita at great aunts ng isang nanay. Tinignan nila ng mabuti kung mayroong miyembro ng pamilya na sumailalim sa preterm birth.

Komplikasyon sa pagbubuntis | Image from Unsplash

Kabilang sa pag-aaral na ito ang iba’t ibang miyembro ng pamilya katulad ng nanay na mayroong mahigit isang anak pati na rin ang babaeng hindi pa nakaka-experience na manganak.

Dito nalaman na ang mga babaeng ipinanganak ng preterm birth at wala pang karanasan manganak ay mas mataas ang tiyansa na dumaan sa preterm birth na may 1.75-fold.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung ang kapatid nitong babae’y dumaan sa preterm birth, mataas din ang risk nito na may 2.25-fold higher. Wala naman silang nakitang significant risk kung sakaling may history ng preterm birth ang lola o tita nito.

Ang mga babaeng ipinanganak via preterm birth at mayroong mahigit isang anak, mataas din ang kanilang tiyansa sa preterm birth na may 1.84-fold. Ngunit, “Researchers found no significant link to her future deliveries with her family’s history of preterm birth.”

Dagdag pa ng mga researcher,

“For nulliparous women, a history in the subject’s sister posed the greatest risk. While for multiparous women with no prior preterm birth. Overall family history was most informative,”

Ngunit para sa mga researcher, ang pinakamataas na risk ng preterm birth ay kapag ang babae ay ipinanganak via preterm birth.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

11 na dapat malaman tungkol sa preterm labor at paano maiiwasan ito

Paglilipat ng bahay maaaring maging sanhi ng preterm birth sa buntis

STUDY: Mainit na panahon, mayroong epekto sa pagbubuntis

Koneksyon ng preterm delivery sa genetics

Base sa 23,816 kababaihan na kabilang sa kanilang pag-aaral, nalaman nila na walang kinalaman ang genetic ng babae dito. Ito ay dahil ang family history ang itinuturong dahilan ng risk factor ng preterm birth kung sakaling nagkaroon ang isa sa miyembro ng iyong pamilya.

Ayon pa sa Baylor College of Medicine, dahil may parehong DNA o genetic code ang bawat miyembro ng pamilya, mayroon din silang kaparehong social determinants.

Sa makatuwid, ang naging findings ng pag-aaral ay mas mataas ang tiyansa na magkaroon ng preterm birth ang buntis at kapatid nito kung sila ay ipinanganak ng maaga. Ngunit walang nakitang koneksyon sa tita o lola nito.

Dagdag ni Dr Kjersti Aagaard, “We hope others will similarly be mindful of those subtle characteristics when looking at heritability and risk. We remain committed to finding the underlying true causal and driving factors. In the meantime, we provide for the first time some reliable risk estimates for first time moms based on their and their family history of preterm birth.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga dapat tandaan sa preterm labor

Ang preterm labor ay hindi life-threatening sa ina

Ayon sa World Health Organization (WHO), halos 15 million na mga baby ang ipinapanganak na premature kada taon. Ang 1 million naman sa kanila ay namamatay sa komplikasyon na dulot ng preterm birth. Dagdag pa nila na ang prematurity ang nangungunang sanhi ng mga namamatay na bata sa edad na lima pababa sa buong mundo.

Komplikasyon sa pagbubuntis | Image from Unsplash

Ang pagbubuntis sa twins o triplets ay may mataas na tiyansa sa preterm labor

Ang pagdadala ng maraming baby sa sinapupunan ay dahilan ng pagiging overstretch ng uterus.

Iba pang factors:

  • Kapag ang ina ay mayroong high blood pressure, preeclampsia, diabetes, anemia, o blood clotting disorders
  • Pagkakaroon ng premature baby dati
  • Pagbubuntis sa gamit ng vitro fertilization (IVF)
  • Pagkakaroon ng problema sa uterus, cervix at placenta
  • Pagbubuntis agad ng maaga ng wala pang 6 months pagkatapos manganak
  • Kulang sa prenatal care
  • Pagiging overweight at underweight bago magbuntis
  • Pagsisigarilyo, pag inom ng alak o paggamit ng illegal drugs habang nagbubuntis
  • Chronic stress

Ayon sa American Pregnancy Association, ang premature labor ay kadalasang nangyayari sa 12% ng ibang pagbubuntis. Ngunit mataas ang tiyansa na magkaroon ng ganito ang isang ina kung mayroon siya ng mga sumusunod:

  • Pagdadala ng maraming anak (triplets o higit pa)
  • Nakaranas na ng premature birth
  • Abormal na cervix

Maaaring makapagdulot ng preterm labor ang infections.

Ayon kay Dr. del Prado,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“The most common causes are urinary tract infection (UTI) and cervico-vaginal infections, but infections elsewhere, like in the lungs for pneumonia or in the mouth for periodontal disease, can trigger preterm labour as well.”

Ang iba pang maaaring makapagdulot ng preterm labor ay:

  • Matinding pagstretch ng uterus. Katulad ng pagkakaroon ng madaming tubig o masyadong malaki ang baby.
  • Pagbuka ng cervix kahit na walang nangyayaring uterine contractions. “This is actually not under the classification of preterm labour but is a very significant cause of preterm delivery,” ayon kay Dr. del Prado
  • Tuloy-tuloy na panganganak ng preterm.

Komplikasyon sa pagbubuntis | Image from Unsplash

Marami ang maaaring maging sanhi ng preterm labor. Dagdag pa ni Dr. del Prado,

“We must understand how labour works. Labour happens because of uterine contractions and opening up of the cervix. The basic mechanism is that of inflammation, muscle stretch, and opening of the cervix either spontaneously or secondary to the contractions.” 

Ang mga warning signs ng preterm labor ay katulad din ng sintomas kapag manganganak

Ito ang mga:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Menstrual cramps
  • Pananakit ng likuran
  • May lumalabas na tubig sa iyong ari. Ito ay dahil pumutok na ang iyong panubigan
  • pelvic or lower abdominal pressure
  • Vaginal spotting o pagdurugo
  • Pagbabago ng vaginal discharge (maaaring tubig, dugo o mucus)
  • Diarrhea, nausea o pagdurumi

Makakaramdam ng pananakit ang isang babae katulad na lamang sa nanganganak na babae.

“The contractions usually happen hourly, then the interval in between shortens, until it becomes every two to three minutes. The pain is like the pain we feel during menses in the lower belly and radiates to the lower back. There is watery or a bloody-mucoid type of vaginal discharge. There are contractions of the uterus and opening up of the cervix upon digital internal examination by the doctor.”

Agad na ipaalam ito sa iyong doctor kung sakaling makakaranas ka ng sintomas ng preterm labor.

 

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Tranlated by Mach Marciano

Sinulat ni

Mach Marciano