Paano nga ba ang Korean glass skin routine at ano ang mga importanteng steps para ma-achieve ito?
Korean glass skin routine
Clear skin, glass skin — ito ang goal ng karamihan sa mga kababaihan ngayon. Una sa lahat, ano nga ba ang ibig sabihin nito?
Ang glass skin ay isang trend kung saan ang clear o halos glassy o transparent na ang texture ng mukha ng isang tao. Marami ang obsessed sa glass skin effect na naibibigay ng iba’t ibang skincare products kaya naman kung gusto mo ring ma-achieve, ito ang mga dapat mong gawin.
Glass skin routine step-by-step
1. Double cleanse
Kung buong araw kang naka-make up o kahit hindi, exposed ang iyong mukha sa dirt at naiipon ito. Kaya naman napakahalaga na maghugas ng mukha. Pero isa sa dapat tandaan ng gustong magka-glass skin, itong double cleansing technique na payo rin ng maraming Korean stars.
Bago hugasan ang mukha, gumamit muna ng facial wipes at alisin ang lahat ng makeup o dumi sa iyong mukha. Pagkatapos nito ay saka ka maghugas with facial wash and water.
2. Toner
Pagkatapos mag-double cleanse ay toning naman ang kailangang gawin. Ang toner kasi ang nagsasara ng iyong pores at nagta-tighten ng cell gaps pagkatapos mo itong hugasan. Mahalaga ang step na ito, kahit pa dry ang iyong skin type.
Mayroon kasing mga paniniwala na nakaka-dry lalo ng skin ang toner, pero hindi ito totoo. Sa katunayan, inaalis nito ang chlorine at minerals mula sa tap water kaya naman magiging moisturized pa nga ang iyong mukha.
3. Moisturizer
Image from Freepik
Pagkatapos mag-toner ay mag-apply naman ng moisturizer. Crucial step ito sa glass skin routine dahil ito ang magpapalambot ng at ang nagbibigay ng light texture sa iyong mukha.
Mayroon namang mga paniniwala na kapag oily ang iyong skin type ay puwede mo na itong i-skip, ngunit mali rin ito. Kung hindi ka maglalagay ng moisturizer ay mas magre-release ang iyong skin ng oil.
4. Serum
Ito naman ay hindi necessary step, pero ang serum ay nakatutulong din sa hydration at pag-plump ng skin. Mayroong iba’t ibang serum na puwede mong pagpilian depende sa needs ng iyong skin.
5. Hydrating facial mask
Image from Freepik
Ito naman ay hindi araw-araw na ginagawa, pero malaking tulong din sa moisture ang masks. Bukod dito, masaya rin itong gawin lalo na kung kasama ang iyong pamilya.
Para sa mga buntis, mayroon bang mga limitations ang skin care?
Gamot sa pregnancy acne, posibleng maging sanhi ng birth defects
Napag-alaman ng mga pag-aaral na ang isotretinoin, bukod sa pagiging epektibo sa acne, ay isang teratogen. Ang teratogen ay mga kemikal o gamot na nakakapagdulot ng birth defects sa mga sanggol.
Bagama’t pinaghigpitan ang paggamit ng gamot na ito sa mga nagbubuntis, hindi pa rin ito ibinawal. Kaya’t kahit na bumaba nga ang kaso ng mga sanggol na nagkaroon ng deformity, masyado pa rin itong mataas, at posibleng ang patuloy na paggamit ng acne medicine ang salarin.
May iba pang masamang epekto ang isotretinoin
Kamakailan lang ay mayroong lumabas na pag-aaral na nagsasabing hindi lang raw birth defects ang posibleng maging side-effect ng isotretinoin. Malaking porsyento raw ng mga gumagamit ng gamot na ito ay nakaranas ng anxiety, depression, eating disorders, at paminsan ay suicide.
Ibig sabihin, hindi basta-basta gamitin ang ganitong gamot, at kinakailangan na sumailalim muna sa ilang mga tests ang isang tao bago bigyan ng reseta para dito.
Ang gamot na ito ay makikita sa mga brands ng acne medicine tulad ng Accutane o Roaccutane. Kaya’t importante na maging maingat ang mga ina pagdating sa mga gamot na iniinom nila, at siguraduhing basahin muna ang label ng gamot upang makasiguradong safe ito sa kanila at kay baby.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
Source:
Allure
Basahin:
5 Tips to help you say bye-bye to bacne
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!