Kris Aquino: “Mahaba pa ang laban ko to strengthen my body & heal my broken heart.”

Kris nakilala daw sa ngayon kung sino ang mga taong totoong nagmamahal sa kaniya. Pati na ang mga taong “fake” lang ang ipinapakita.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kris Aquino inaming malayo pa sa pagiging okay ang kaniyang kalusugan at siya ay broken-hearted sa ngayon.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Health status ni Kris Aquino
  • Update kay Kris Aquino matapos ang paghihiwalayan nila ni Mel Sarmiento.

Health status ni Kris Aquino

Kagabi sa kaniyang Instagram ay muling nagbigay ng update si Kris Aquino kung kumusta na ba ang kalusugan niya. Sabi ni Kris “malayo sa okay” ang health status niya sa ngayon. Pero hindi hadlang ito para patuloy siyang tumulong sa mga Pilipino sa gitna ng nararanasan nating COVID-19 pandemic.

“Inamin ko na malayo sa okay ang kalusugan ko… pero ginagawa pa rin namin ang lahat ng kakayanin sa ngayon, para makatulong sa kapwa.”

Ito ang sabi ni Kris. Dagdag pa niya, ito ay kaniyang ginagawa bilang kapalit sa mga taong nagpakita ng pagmamahal, suporta at loyalty sa kanilang pamilya. Paraan niya rin ito para gunitain ang nalalapit na kaarawan ng kaniyang ina na si dating pangulong Cory Aquino.

Pagbabahagi pa ni Kris,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Simple ang dahilan ko, hindi niyo kami iniwan nung kami ang nangangailangan. I am just reciprocating in the way I am at present able to, the LOVE, SUPPORT, KINDNESS, COMPASSION, and LOYALTY many Filipinos have given me and my family. Especially now that many need assistance. Lahat ng napangakuan, ginagawan ng paraan na matupad bago mag January 25, birthday in heaven ng mom ko."

Kris aminadong broken hearted sa ngayon

Image from Kris Aquino's Instagram account

Pagpapatuloy pa niya, hindi lang ang pagpapalakas ng katawan ang inilalaban niya sa ngayon. Siya ay nasa healing process pa rin ng kaniyang broken heart na tantiya niya ay matagal pa ang aabutin para tuluyang makapag-moveon. Pero mananatili umanong malakas at matapang si Kris para sa dalawa niyang anak na sina Josh at Bimby.

“Mahaba pa ang laban ko to strengthen my body & heal my broken heart. BUT from childhood I already knew, for me weakness could never be an option.

Especially NOW because I have Kuya Josh & Bimb who still need me to love, care, and provide for them. Para sa dalawang pinakamamahal ko, hindi ako susuko.”

Nagpasalamat rin si Kris sa mga taong nagpapadala ng mga mensahe, flowers at gifts para sa kaniya. Ito umano ay nagpapagaan ng kaniyang loob.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paraan din ito para makita niya sa ngayon ang mga tunay niyang kaibigan at maasahan. Pero paglilinaw ni Kris sa bahagi ng post niyang ito na hindi ang ex-fiance niyang si Mel Sarmiento ang kaniyang pinapatamaan.

“To all, please know how much your thoughtfulness & gestures of caring, especially your messages and hand written cards, have uplifted me.

At least now I know sino ang totoong nagmamahal at maaasahan.  At sino ang makasarili at fake lang pala. (Hindi po 'yong ex fiancé ang pinatatamaan, kung siya pinangalanan ko na lang.)”

Ito pa ang sabi ni Kris Aquino.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Kris Aquino's Instagram account

BASAHIN:

Kris Aquino kinumpirma ang pakikipaghiwalay sa fiancé na si Mel Sarmiento

Kris Aquino at Mel Sarmiento share love story: “Parang ang tanga ko na kung pakawalan ka pa.”

Lupus: Sanhi, sintomas at gamot para sa karamdamang ito

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mel Sarmiento and Kris Aquino break-up story

Matatandaang higit isang linggo palang ang nakalipas ng ipaalam ni Kris sa publiko na hiwalay na sila ni dating DILG Secretary Mel Sarmiento. Ito ay matapos silang ma-engage Oktubre nito lamang nakaraang taon.

Base sa screenshots na ipinakita ni Kris ng huling text message sa kaniya ni Mel Sarmiento, pinili nitong makipaghiwalay para na rin umano maprotektahan ang kalusugan ng aktres at TV host.

“For the past two days, I had enough time to think about things and accepted the fact that ensuring you don't get covid is an enormous responsibility.

Given my nature, who loves to go out, I accepted the fact that I already have bubble fatigue. And I will not be able, sad to say, be able to continue living in a bubble.”

“On that note, with a heavy heart, I accepted your offer of letting me go. For I cannot in conscience be able to accept that something will happen to you brought about my going out of the bubble.”

Ito ang bahagi ng text ni Mel Sarmiento kay Kris na nagsabi ring forever na mananatili sa kaniyang puso si Kris.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Kris Aquino's Instagram account

Si Kris ay nakikipaglaban sa sakit na Chronic Spontaneous Urticaria. Ito ay isang uri ng lupus o autoimmune disease na walang lunas.

Source:

Instagram