X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Kris Aquino kinumpirma ang pakikipaghiwalay sa fiancé na si Mel Sarmiento

5 min read
Kris Aquino kinumpirma ang pakikipaghiwalay sa fiancé na si Mel Sarmiento

Kris mangingibang bansa at nais na maging peaceful ang lahat bago siya umalis at tuluyang makapag-move on.

Kris Aquino at Mel Sarmiento break up isang halimbawa ng mga love story na may temang “kapag mahal mo, kailangan mong i-let go.” Alamin dito kung bakit.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kris Aquino and Mel Sarmiento break up story.
  • Pahayag ni Kris sa paghihiwalay nila ng fiancé na si Mel Sarmiento.

Kris Aquino and Mel Sarmiento break up story

Kris Aquino kinumpirma ang pakikipaghiwalay sa fiancé na si Mel Sarmiento

Image from Kris Aquino’s Instagram account

Kahapon ay naging usap-usapan ang biglang pagkawala ng mga pictures ni Mel Sarmiento sa Instagram ng host at aktres na si Kris Aquino.

Inedit niya rin ang ilang IG post niya kung saan nabanggit niya ang dating DILG Secretary.  Marami ang nagulat at nagkaroon na ng spekulasyon. Kagabi ay kinumpirma na ni Kris ang mga spekulasyon. Sila ay naghiwalay na ni Mel Sarmiento.

Sinimulan ni Kris ang pagbabahagi ng dahilan sa likod ng paghihiwalay nila ni Mel Sarmiento sa pagbibigay update sa health condition niya ngayon.

Sabi ng aktres ay patuloy na bumababa ang kaniyang timbang at lumalala ang kaniyang kondisyon. Ang aktres ay kasalukuyang lumalaban sa sakit na Chronic Spontaneous Urticaria.

Ito ay isang uri ng lupus o autoimmune disease na walang lunas. At para mapahaba pa ang kaniyang buhay at magawa pa ang iba pang posibleng treatments sa kaniyang sakit ay lilipad sa ibang bansa si Kris.

“I want to spare myself and my loved ones from further rumors & speculation. My health was continued to deteriorate, and I will soon fly abroad for further diagnostic tests and if needed, do all the treatments and procedures to help address my drastic weight loss (i now weigh 88 lbs/40 kilos) and if still possible, strengthen my immunity.”

Ito ang bungad ng aktres sa kaniyang Instagram post.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)

BASAHIN:

Kris Aquino at Mel Sarmiento share love story: “Parang ang tanga ko na kung pakawalan ka pa.”

Kris Aquino on engagement to Mel Sarmiento: “I am proud to be an Aquino, looking forward na kong maging Sarmiento”

“Why would you judge a child?” Bimby Aquino Yap speaks out against rumors that he is gay

Kris nais na maayos na makapag-move-on at mag-focus sa kalusugan niya

kris aquino health

Image from Kris Aquino’s Instagram account

Sabi pa ni Kris, sa kondisyon niya ngayon ay napakahirap sanang magkuwento tungkol sa paghihiwalay nila ni Mel Sarmiento. Para sa kaniyang peace of mind, kalusugan at para na rin maayos na makapag-move-on ay ibabahagi niya ang dahilan ng break up nila.

“Sa pinagdadaanan ko ngayon, may tao bang gustong pag-usapan pa ang kaniyang paghihiwalay? But in order for me to be able to peacefully move on, and focus on myself and my health. BECAUSE my sons still need me. Kuya Josh has autism, and Bimb will only turn 18 in 3 years, 3 months, and 16 days. I must end this chapter.”

Sa parehong Instagram post ay isinama ni Kris ang huling text message sa kaniya ni Mel. Sa naturang mensahe ay sinabi ng dating DILG Secretary na nagkaroon siya ng realizations sa ilang araw na magkalayo sila ni Kris.

Isa na nga rito ang napakabigat na responsibilidad na maiwasang mahawa si Kris ng sakit na COVID. Ito ay magagawa lang kung lilimitahan ang paglabas at pagsunod sa striktong health protocols. At ayon kay Mel ay hindi na niya kayang gawin pa.

Dahilan ng paghihiwalay ni Kris Aquino at Mel Sarmiento

“For the past two days, I had enough time to think about things and accepted the fact that ensuring you don’t get covid is an enormous responsibility.

Given my nature, who loves to go out, I accepted the fact that I already have bubble fatigue and I will not be able, sad to say, be able to continue living in a bubble.”

Kaya naman kahit mabigat sa kaniyang kalooban, pagpapatuloy pa ni Mel ay kailangan niya ng mag-let go. At ito daw ay mismong si Kris rin ang nagbigay sa kaniya ng ideya na tamang gawin.

“On that note, with a heavy heart I accepted your offer of letting me go. For I cannot in conscience be able to accept that something will happen to you brought about my going out of the bubble.”

Pahabol ng dating DILG Secretary, kahit mahal niya si Kris ay mas mahalaga ang kalusugan nito lalo pa’t may mga anak ito na dapat alagaan. Pero magkaganoon pa man ay mananatiling espesyal si Kris sa kaniyang puso.

“I will always cherish in my heart the happy moments we had together. I do love you, but I guess this is goodbye for your life is of greatest importance given that you have Bimby and Josh to take care of. You will forever be in my heart.”

Ito ang bahagi ng text message na pinadala ni Mel Sarmiento kay Kris Aquino na kumpirmasyon rin ng kanilang paghihiwalay.

kris aquino mel sarmiento break up

Image from Kris Aquino’s Instagram account

Sa huli, hiling ni Kris sana ay i-respeto ang kaniyang humanity at natitirang privacy. Ito ay para malabanan niya ang sakit at mas makasama pa ng matagal ang kaniyang mga anak.

Matatandaang Oktubre ng nakaraang taon ng ibahagi ni Kris at Mel Sarmiento na sila ay engaged na. Ayon sa kanila, ang dating presidente at kapatid ni Kris na si Noynoy Aquino ang naging daan sa pagsisimula ng love story nila.

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

 

Source:

Instagram 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Kris Aquino kinumpirma ang pakikipaghiwalay sa fiancé na si Mel Sarmiento
Share:
  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.