Kris Aquino hindi muna natuloy sa paglipad abroad para sana magpagamot. Ayon sa aktres, hindi siya pinayagan ng mga doktor niya dahil sa kaniyang health condition.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Kris Aquino postponed ang paglipad abroad
- Update sa health condition ni Kris Aquino
Kris Aquino postponed ang paglipad abroad
Image from Kris Aquino’s Facebook account
Nakatakdang lumipad patungong ibang bansa ang aktres at TV host na si Kris Aquino para magpagamot. Base sa mga nauna niyang post doon ay mamalagi sila ng mga anak na sina Josh at Bimby ng higit sa isang taon. Ito ay para matutukan at mabibigyan ng nararapat na treatment ang sakit niya.
“Mare sorry if my greeting is late — we leave in a few days and we’ll be gone for more than a year for my medical treatments. Medyo overwhelming.”
Ito ang pahayag ni Kris na bahagi ng pagbati niya sa naging birthday celebration ni Regine Velasquez nitong nakaraang buwan.
Si Kris ay na-diagnose na may sakit na kung tawagin ay autoimmune disease chronic spontaneous urticaria (CSU). Ito ay isang uri ng lupus o autoimmune disease na walang lunas.
Dahil sa tinataglay na sakit ay very sensitive ang kalusugan ni Kris. Kaya naman siya ay iniingatang hindi ma-expose sa anumang uri ng virus, allergens at bacteria.
Maliban pa dito, si Kris ay natukoy rin na may sakit na erosive gastritis and gastric ulcer. Pero sa kabila nito ay masaya siya na malamang hindi cancer ang iniiinda niyang sakit.
“From the Pet/CT scan results, Dr. Francis gave me the HAPPY NEWS, walang tumors, NO CANCER DETECTED. Dr. Jonard Co’s finding are erosive gastritis and gastric ulcer.”
Ito ang pahayag ni Kris sa isa sa kaniyang Instagram post matapos sumailalim sa mga test. Ginawa ito ng aktres para matukoy ang kaniyang tunay na kalagayan bago siya bigyan ng go signal ng kaniyang mga doktor na mangibang bansa. Doon siya ay mamalagi kasama ang mga anak upang magpagamot.
“EVERYTHING I went through, and will go through, gagawin ko para ma-assure yung dalawang pinakamamahal ko.”
Image from Kris Aquino’s Facebook account
Kris hindi pinayagan ng kaniyang doktor na bumiyahe
Kahapon base sa komento ng aktres sa Instagram post ni Angel Locsin ay hindi natuloy ang pag-alis niya. Inalala niya ang sinabi ni Angel sa kaniya na nagkatotoo daw, kaya na-postponed muna ang flight niya.
“Gel, ikaw kasi, last night sinabi mo na “sana hindi ka pa makatuloy, Ate…” I said, “Gel please don’t be mean, you know kailangan na talaga” then you said : “sorry Ate, selfish ako, di pa ko ready mag let go.”
Ang sinabi daw na ito ni Angel kay Kris ay nagkatotoo. Dahil kahapon ay ready na sana silang umalis ay tumaas ang blood pressure ni Kris.
Hindi siya pinayagang umalis ng mga doktor dahil hindi niya kakayanin ang mahabang biyahe. Kaya naman sina Josh at Bimby lang muna ang bumiyahe at lumipad pa-Amerika.
“Grabe your gift of i don’t know if premonition or pang-awat, true enough nasa airport na si kuya Josh, Bimb, and Rochelle. My doctors didn’t clear me to travel 140/92 waking BP, 136/93 pa rin until now… hindi ko kakayanin ‘yong long haul flight.”
Dagdag pa ni Kris, umatake rin daw ang asthma niya at chronic sinusitis na iniinda niya ilang linggo na. Pero hirit niya kay Angel ay sana makadalaw ito sa kaniya.
“Nag-asthma attack last night, more than 6 weeks of chronic sinusitis, na lang sobra sobra ang pagkabilib at ‘pag love ko sa yo. But please makakadalaw ka naman diba?”
Ito ang sabi pa ni Kris kay Angel.
Si Angel agad namang sumagot sa kaniyang Ate at sinabing pupuntahan niya agad ito sa oras na makabalik na siya sa Maynila.
“@krisaquino omg ate sorry! Nandito pa ako sa Cebu ate! Visit kita agad.”
Ito ang sagot ni Angel sa kaniyang itinuturing na ate na si Kris.
BASAHIN:
Kris Aquino on her health status: “HAPPY NEWS, walang tumors, NO CANCER DETECTED.”
Vien Iligan naluha sa big surprise para kay Junnie Boy: “Mother of two na ako.”
Lupus: Sanhi, sintomas at gamot para sa karamdamang ito
Reaksyon ng mga netizens
Ang mga netizens hindi napigilang humanga sa closeness ng dalawa. Nagpaabot rin sila ng prayers nila para kay Kris.
“Pagaling po kayo. Fighting po. Sending a virtual hug po.”
“Hi Ms. Kris, nawa makaalis kana at makapag-treatment nang gumaling kana agad. 140/92 i think is not that high and can be managed by bp meds. Hope your doctors can figure something out so as not to delay your treatment. #JesusWeTrustInYou“
“You’re always in my prayer Po for healing and quick recovery. ILY. God bless you and your family.”
“Marami pa din kaming nagmamahal sayo at sa pmilya mo..walang pupuwedeng magbura ng lahat ng kabutihang nagawa mo at ng pamilya mo. Keep on fighting lang po. God bless Miss Kris.”
Ito ang sabi pa nila sa aktres na patuloy na nakikipaglaban sa kaniyang sakit.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!