Kris Aquino at Mel Sarmiento share love story: “Parang ang tanga ko na kung pakawalan ka pa.”

Mel Sarmiento to Kris: “Aalagaan kita at kasama mo ko sa buong buhay na.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kris Aquino at Mel Sarmiento love story, parang telenobela! Alamin dito kung bakit at ano ang kwento ng kanilang pag-iibigan.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kris Aquino at Mel Sarmiento love story.
  • Pangako ni Mel Sarminento kay Kris Aquino.

Kris Aquino at Mel Sarmiento love story

Image from Kris Aquino's Instagram account

Nitong Linggo, October 24 ay ginulat tayo ng announcement ng aktres at talk show host na si Kris Aquino na siya ay engaged na. Ito ay kay dating DILG Secretary Mel Sarmiento.

Nakakabigla man para sa marami ang balitang ito, marami rin naman ang natuwa na sa wakas ay muli na namang may nagpatibok sa puso ng Queen of All Media.

Pero paano nga ba nagsimula ang pagmamahalan ng dalawa? Ito ay ikinuwento nila sa pamamagitan ng isang interview sa kanila ng anak ni Kris na si Bimby. Ang interview ay ibinahagi ni Kris sa kaniyang Instagram account.

 
View this post on Instagram

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pag-alala ni Mel Sarmiento, una silang nagkakilala ni Kris sa Bahay Pangarap, isang residential building sa loob ng Malacañang Palace. Nang mga panahong iyon ay nag-aaalangan na umano siya kapag nakakaharap si Kris.

Mel Sarmiento matagal na raw crush si Kris

Kuwento naman ni Kris, para sa kaniya noong una ay very weird daw ang dating DILG Secretary. Dahil hindi daw siya pinapansin at kinakausap nito.

“We would ride in the same helicopter. And then sabi ko, kuwento naman ako ng kuwento sa kaniya but how come hindi niya ako pinapansin.

And it was so weird kasi sabi ko most people kapag kinukwetuhan ko and I asked questions they are natutuwa naman to talk to me. Siya talaga he'll ignore me. I don’t think naman he's gay kasi if he's gay edi natuwa na siya sa 'kin.”

Sagot naman ni Mel Sarmiento, ito ay dahil noon pa man ay crush niya na si Kris. Dagdag pa ang takot niya sa kuya nito na si dating presidente Noynoy Aquino.

“Kasi sa TV crush ko siya , napanood mo sa TV tapos biglang nasa harap mo. Tapos Boss ko pa Kuya niya, noong nasa tabi na siya hindi na ako makapagsalita.”

Ito ang natatawang sabi ni Mel Sarmiento. Dagdag pa niya, naalala pa niya noon kung paano niya iniiwasan si Kris dahil sa takot na magalit ang kuya Noy nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nang panahong iyon, kuwento ni Kris ay single siya. Pero hindi umano talaga gumawa ng hakbang si Mel Sarmiento na mapalapit o mas kilalanin siya.

Kaya naman si Kris ang gumawa ng paraan para mapalapit kay Mel. Kinaibigan niya ito at naging madalas na ang pagbisita ng dating DILG secretary sa bahay nila.

BASAHIN:

Kris Aquino on engagement to Mel Sarmiento: “I am proud to be an Aquino, looking forward na kong maging Sarmiento”

Kris Aquino greets “special” man: “Thank you for coming into my life”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

And yet another Kris Aquino emotional outburst that attacks James Yap as a father

Mel humingi ng tawad sa puntod ng dating pangulong Noynoy Aquino

Hanggang sa nasawi na ang dating presidente Noynoy Aquino na mas naglapit sa dalawa at naging pagsisimula ng espesyal na pagtitinginan nila.

“He started coming here more often. It took the 3rd dinner for me to finally get him to talk," kuwento ni Kris.

“Tapos balik na ako ng balik. Siyempre nakakasama ko na kayo. Sa pagdaan ng panahon, iba na nararamdam ko. I wanted to first control myself pero wala.”

Ito naman ang sabi ni Mel Sarmiento.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nang magkaroon na nga umano ng relasyon ang dalawa ay bumisita si Mel sa puntod ng dating presidente. Doon ay humingi siya ng tawad ng dahil sa hindi sinasadya ay na-inlove siya sa kapatid nitong si Kris.

Pero paniniwala ni Kris at Mel, ang dating presidente ang naging matchmaker sa pagmamahalan nila.

“Our monthsarry is actually a month after Tito Noy died. I guess that’s why he said there's a matchmaker in heaven," sabi ni Kris kay Bimby.

Kris pinasalamatan ng mga anak ni Mel

Image from Kris Aquino's Instagram account

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, botong-boto naman ang anak ni Kris na si Bimby sa kaniyang Tito Mel. Sabi nga ni Bimby ay very cool ito.

Kuwento naman ni Kris, nakausap niya rin ang dalawang anak na lalaki ni Mel. Siya ay humingi ng tawad sa mga ito. Pero sa hindi inaasahan ay nabigla daw si Kris sa sinabi ng mga anak ni Mel sa kaniya.

“I said sorry to them that they weren't seeing their dad as often. I was really touched when they said thank you. They said they have never seen their dad as happy and I really felt that they must really love their dad.”

Ito ang sabi ni Kris.

Mensahe ni Kris at Mel sa isa’t isa

Image from Kris Aquino's Instagram account

 

Sa ngayon, ayon kay Kris ay hindi niya na mai-imagine ang buhay niya na wala si Mel Sarmiento. At tanga na umano siya na maituturing kung pakakawalan niya pa ito.

“You showed me talaga with no hesitation that you are ready to step in and the fact that you tried your best to make me happy. I really feel how much you love me so parang ang tanga ko na kung pakawalan ka pa.”

“I love you and I totally love you with all my heart. For whatever’s left of my life you have me.”

Ito ang nasabi ni Kris sa ngayon ay fiancé niyang si Mel Sarmiento. Ang sagot naman sa kaniya ni Mel ay ito.

“Aalagaan kita at kasama mo ko sa buong buhay na.”

Source:

Instagram