Kris Aquino sa 17th birthday ng anak na si Bimby: “I LOVE YOU not only during my lifetime or yours BUT definitely for eternity”

Ayon kay Kris, nag-iiyak siya sa birthday ni Bimby sa takot na baka huling birthday na ito ng anak na magkasama sila.

Kris Aquino may emotional na mensahe sa 17th birthday ng anak na si Bimby. TV host umaming natatakot siya na baka hindi na siya kasama ng anak sa susunod na birthday nito.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Kris Aquino message to son Bimby on his 17th
  • Hiling ni Kris para sa anak.

Kris Aquino message to son Bimby on his 17th birthday

bimby aquino yap with mom kris aquino and brother josh Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino

Nitong April 19 ay nagdiwang ng kaniyang 17th birthday ang bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby. Sila ay nasa Amerika parin dahil doon kasalukuyang nagpapagamot si Kris sa kaniyang mga sakit.

Sa Instagram ay may emosyonal na mensahe si Kris sa anak. Pagbabahagi ni Kris ay nag-iiyak siya sa mismong kaarawan ng anak dahil sa takot na baka sa susunod na birthday nito ay hindi na sila magkasama.

“I’m sorry for showing weakness yesterday when I cried nonstop because of my fear that I may not be around to be with you on your 18th birthday.”

Ito ang bahagi ng post ni Kris.

kris aquino with son bimby and josh Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino

Hiling ni Kris para sa anak

bimby yap and josh aquino Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino

Pero si Kris, very proud daw sa anak na si Bimby na sa edad palang noon na 11-anyos ay niyakap na ang malaking responsibilidad na alagaan siya at panganay nitong kapatid na si Josh. Kaya naman ang wish niya para sa anak ay hindi ito magbago at panatilihin ang mabuting ugali nito.

“My one wish is for your character to remain STRONG, your values and integrity stay ADMIRABLE, your respectful and polite manner UNCHANGED, and your passion for learning will continue to inspire you to make the most of your education.”

Sa huli ay ipinaabot rin ni Kris ang pagmamahal niya sa anak na magpapatuloy kahit wala na daw siya sa mundo.

“I LOVE YOU not only during my lifetime or yours BUT definitely for eternity. You’re my greatest achievement because of your capacity to love.”

“Love doesn’t die my ?, please remember that. HAPPY BIRTHDAY to the love of my life.”

Ito ang mensahe pa ni Kris Aquino sa 17th birthday ng anak niyang si Bimby.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!