Masayang ibinahagi ni Kris Aquino ang balita patungkol sa bunsong anak niya na si Bimby at ang kaniyang Tatay na si James Yap.
Kris Aquino suportado ang pag-reach out ni Bimby sa tatay na si James Yap
Marami ang natuwa sa balitang nagkaayos na ngayon ang anak ng Queen of All Media na si Bimby Aquino at ang tatay nitong si James Yap.
Noong nakaraang Father’s day, nagpahiwatig si Kris na nag-usap ang mag ama. Full support naman siya sa pagreach-out ng anak sa kanyang ama.
Dahil gusto ni Bimby na makausap ang ama at muling magkaroon ng communication at connection bilang father and son.
Nakwento rin ni Kris na alam niya ang feelings ng isang “fatherless” na anak. Ayaw niya itong maranasan ng anak dahil naexperience niya ito after ng Martial Law.
Ang childhood ni Krissy ay fatherless siya dahil namatay ang ama noong Martial Law. Kaya naman gusto niya na ring magkaayos ang mag-ama para hindi ito maranasan ng anak.
“Maraming hindi pagkakaunawaan pero ayokong masabi na pinipigilan ko si Bimb… my own childhood was fatherless because of Martial Law so why’d I subject my bunso to the same fate?”, emosyonal na pagkwekwento niya.
Dagdag niya pa, may freedom to decide naman si Bimby simula ng 8 ito, kaya support lang ito sa decisions ng anak. Kaya naman ngayon 16 ang anak at nauna itong makipag-communicate may chance na magkaayos ang lahat.
Nai-share rin niya ang ginawang pag-reach out ng anak noong nagdaang Father’s Day. Halos isang linggo nga daw hawak ni Bimby ang contact at naghe-hesitate pa raw ito. Pero ito ang gumawa ng first step para mag-rebuild ang relationship nilang mag-ama.
Larawan mula sa Instagram account ni James Yap
Nakuwento ni Kris, na alam niyang kailangan ng mahabang panahon para marepair ang relasyon ng anak at ama nito. Pero ang mahalga ay nagsisimula na ang kanilang communication.
Natuwa ang mga netizens sa balitang ito ni Krissy dahil pinalaking tama ng aktres ang anak dahil nag-reach out sa ama.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!