Kris Aquino binahagi na siya at kaniyang mga anak ay tinamaan ng COVID-19. Ipinaalam din ni Kris ang kaniyang pinagdadaanan sa Amerika habang siya ay nagpapagamot para sa ilang autoimmune condition.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Mensahe ni Kris Aquino para sa kaniyang Kuya
- Kris Aquino at kaniyang mga anak, tinamaan ng COVID-19
- Iba pang updates sa health ni Kris Aquino
Mensahe ni Kris Aquino para sa kaniyang Kuya
Matinding pagsubok ang pinagdaanan ni Kris Aquino at kaniyang pamilya sa nakalipas na mga araw. Ito ay matapos niyang ikuwento na siya pati ang kaniyang mga anak ay tinamaan ng COVID-19.
Nitong Huwebes ay nag-post sa Instagram si Kris Aquino para magbigay ng update tungkol sa kaniyang kalusugan. Kasalukuyang nasa Amerika ang ‘Queen of All Media’ para magpagamot dahil sa kaniyang mga autoimmune disease.
Nagbigay rin ng mensahe si Kris Aquino para kay late President Benigno ‘Noynoy’ Aquino III. Noong June 24 ang 1st death anniversary ng dating Pangulo na kapatid ni Kris.
Makikita sa video na pinost ni Kris Aquino ang ilang larawan kung saan kasama nila si Noynoy. Sa message niya sa kaniyang kuya ay humingi siya ng sorry dito.
“Sorry that our greeting for your 1st birthday in heaven is coming five days late.”
Mensahe ni Kris para sa kanyang kuya na si Noynoy.
Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino
Kris Aquino at kaniyang mga anak, tinamaan ng COVID-19
Binahagi rin ni Kris Aquino na noong June 20 ay nagpositibo sa COVID-19 ang kaniyang panganay na si Josh.
“Kuya Josh tested positive for COVID in June 20 — nurse took his temperature then they got antigen kits. Tested him first because he was so unlike himself. He was just lying down, on the sofa, no energy to play or watch YouTube on his phone.”
Nang malaman ni Kris Aquino na nagpositibo sa naturang virus si Josh ay agad siyang nag-alala. Gusto sana niyang yakapin si Joshn. Ngunit agad siyang inabisuhan na kailangan niya munang lumipat sa hotel kasama si Bimby at nurse.
Ito ay dahil immunocompromised si Kris Aquino, at kapag tinamaan siya ng COVID-19 ay posibleng malagay siya sa intensive care unit.
Payo sa kaniya ng nurse practitioner ay mag-ingat sa virus dahil mahirap kapag sila ni Bimby ang tinamaan nito.
“Ms. Aquino, your son will survive this. It’s you and your younger asthmatic son I am more worried about. Please move elsewhere as soon as you can.”
Nagtungo na si Kris Aquino sa hotel. Ngunit ilang araw ang lumipas ay kakaiba ang naramdaman ng aktres dahil sa panlalamig.
“By the 23rd mid morning, I asked Nurse Eloi to please check my temperature because I had chills and something was off. True enough, I had fever.”
Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino
Doon na siya muling isinalang sa antigen test, at wala pa ang limang minuto ay nakita na ang resulta. Dalawang red lines ang lumabas sa test kit. Ibig sabihin ay positibo sa COVID-19 si Kris Aquino.
Hapo at agad nakatulog si Kris Aquino. Noong siya ay magising agad niyang kinumusta sa kasama kung anong status ni Bimby. Sinabi sa kaniya na halos pitong oras na natutulog ang kaniyang bunso.
Dahil sa mother’s instinct, kaagad niyang pinag-antigen test din si Bimby. Doon napag-alaman na positibo rin ito sa COVID-19.
Naniniwala naman si Kris na kanilang malalampasan ang naturang sakit. Nagbigay rin siya ng mensahe para sa lahat ng nagdadasal para sa kaniya.
“Please know that I remain thankful for all the concern and prayers you have sent our way. But during very difficult times, I want to just keep the suffering to myself with only family and trusted friends…”
BASAHIN:
Kris Aquino sisimulan na ang mahabang gamutan sa America: “Time is now my enemy.”
Mom loses fingers and toes to rare disease but remains strong for her son
KC Concepcion muntik makaranas ng paralysis dahil sa COVID: “Stay SAFE everyone. This is not like the flu.”
Iba pang updates sa health ni Kris
Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino
Maraming gamot ang sinusubukan kay Kris Aquino para sa kaniyang mga autoimmune disease. Kasama na rito ang corticosteroid challenge na nagdudulot ng matinding pain sa aktres.
Sa ngayon, ang confirmed na sakit ni Kris ay ang autoimmune thyroiditis pati chronic spontaneous urticaria. Isa pang autoimmune condition ni Kris Aquino ay ang rare type ng vasculitis.
Samantala, question mark pa rin kung mayroon siyang lupus, ngunit paliwanag niya ay malapit na siya sa ‘borderline’ para sa naturang sakit.
Ang good news naman para sa health condition ni Kris Aquino, negatibo siya sa ilang types ng cancer, base sa resulta ng cancer gene panel.
Ilan sa mga cancer na nagnegatibo si Kris Aquino ay ang sa skin, endocrine, breast, hematologic, brain at gastrointestinal. Maayos din ang function ng kaniyang kidneys at liver.
Nangako rin si Kris Aquino sa kaniyang mga followers na kapag mayroon na ulit siyang good news, muli siyang magpo-post sa social media.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!