TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Kris Aquino sisimulan na ang mahabang gamutan sa America: "Time is now my enemy."

5 min read
Kris Aquino sisimulan na ang mahabang gamutan sa America: "Time is now my enemy."

Lampas isang taon mawawala sa Pilipinas si Kris Aquino para ipagamot ang kaniyang sakit.

Magpupunta na si Kris Aquino sa America para sa treatment ng kaniyang rare disease. Makakasama niya patungong ibang bansa ang kaniyang mga anak na sina Josh at Bimby.

Mababasa ang mga sumusunod sa artikulong ito:

  • Kris Aquino’s doctor shares update on her rare disease
  • Treatment for the rare disease of Kris Aquino
  • Mensahe ng ‘Queen of All Media’ sa kaniyang mga fans at kaibigan
kris aquino disease

Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino

Kris Aquino’s doctor shares update on her rare disease

Sasalang sa mahaba-habang gamutan si Kris Aquino para sa kaniyang rare disease na matagal na niyang iniinda. Sa panibagong Instagram post ng ‘Queen of All Media’, makikitang nakahiga siya at kinukuhanan ng saliva sample.

Katabi niya sa higaan si Bimby. At sa caption ni Kris Aquino ay nagpasalamat siya sa lahat ng mga nagdarasal para sa kaniyang recovery.

Doon din binahagi ni Kris na ang titingin sa kaniyang doktor ay si Dr. Niño Gavino, isang Filipino-American doctor na nakabase sa Houston, Texas. Ibinigay ni Dr. Gavino ang detalye tungkol sa tunay na kondisyon ni Kris Aquino tungkol sa kaniyang rare disease.

Ayon kay Dr. Gavino, nakilala niya si Kris Aquino nang i-refer siya dito ng kaniyang kaklase sa University of the Philippines College of Medicine na si Dr. Katrina Canlas-Estrella.

“Dr. Estrella reached out to me in March 2022 to assist in Ms. Aquino’s medical care.”

Pinag-aralan niya ang medical history at record ni Kris Aquino mula sa Pilipinas at Singapore. At doon nagkaroon ng primary working diagnosis ng Eosinophilic Granulomatosis with Polyangiitis (EPGA).

Ang EGPA ay dating nakilala bilang Churg-Strauss syndrome. Ito ay isang rare disease na nagdudulot para magkaroon ng inflammation o pamamaga sa blood vessel ng isang tao.

Lahad ni Dr. Gavino, noong May 6 ngayong taon ay binigyan ng steroid drug challenge si Kris Aquino.

“She was very reluctant, but we tried our best to convince her because this was part of the first line of defense to fight her fast-progressing EPGA.”

Dalawang oras matapos ang drug challenge, nagkaroon ng side effect ang steroid kay Kris Aquino. Kaya lalong nahirapan ang mga doktor para sa treatment ng aktres.

“She is also allergic to a multitude of medications; hence we could not administer any oral or injectable anti-inflammatory medications to alleviate the symptoms she had after the drug challenge.”

BASAHIN:

Kris Aquino ibinilin na sina Bimby at Josh sa kaniyang mga kapatid, ayon kay Cristy Fermin

Kris Aquino lumala ang sakit; nakiusap na huwag nang i-bash sina Bimby at Josh

This little girl has a very rare disease you probably don’t know about

kris aquino health condition

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Kris Aquino

Treatment for the rare disease of Kris Aquino

Kaya naman naghanap sila ng panibagong gamot para maibigay kay Kris Aquino at mai-manage ang kaniyang EPGA. Doon nirekumenda ang Nucala, na tanging sa Amerika lang aprubado ng kanilang Food and Drug Administration (FDA).

“Nucala is only available in the United States. and is not yet FDA-approved nor available in the Philippines and Singapore.”

Balak din nina Dr. Gavino na i-rule out ang ilan pang autoimmune disease ni Kris Aquino tulad ng lupus. Pagdating ng aktres sa Houston ay dadaan siya sa comprehensive blood testing para makita ang status ng kaniyang mga internal organ. Ito ay dahil posibleng maapektuhan ng EPGA ang puso, lungs at kidneys na magkaroon ng permanent damage.

Bukod pa diyan isasalang din si Kris Aquino sa ilang medical examination tulad ng imaging studies, allergy tests, at genetic tests para sa mast cell at eosinophilic disorder.

Sisimulan din ang treatment ni Kris Aquino gamit ang Nucala, kung saan ipapagamit sa kaniya ito kada apat na buwan. Doon titingnan kung magkakaroon ng remission ang disease ni Kris Aquino para malaman kung tumatalab ang gamot sa kaniya.

Lahad ni Dr. Gavino, ang siyam hanggang 12 buwan ng treatment ni Kris Aquino ay mahalaga para malaman kung magkakaroon ng remission at mapaganda ang health condition ni Kris Aquino.

Sambit ng doktor, 25 percent lamang ang life expectancy ng mga tinatamaan ng EPGA kapag walang medical intervention. Masyado kasing rare ang sakit na ito, na isa kada 1 million tao lang ang tinatamaan kada taon.

Kung magiging maganda ang takbo ng treatment ni Kris Aquino, sinabi n Dr. Gavino na aabot ang gamutan ng 18 hanggang 24 buwan. Ito ay kapag walang naging komplikasyon sa health condition ni Kris.

kris aquino health
Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Kris Aquino

Mensahe ng ‘Queen of All Media’ sa kaniyang mga fans at kaibigan

Samantala, nagpaabot ng mensahe si Kris sa kaniyang mga kaibigan at followers. Sabi niya, mami-miss niya ang mga ito at ngayon ay naghahabol sila ng oras para sa kaniyang treatment.

“Time is now my enemy, naghahabol kami hoping na wala pang permanent damage to the blood vessels leading to my heart.”

Nagpaalam din si Kris sa kaniyang mga followers dahil taon ang kaniyang ilalagi sa ibang bansa. Pinagdadasal din niya na ma-survive ng kaniyang katawan ang treatment sa kaniyang disease.

“For now and the next few years- sadly, it’s goodbye. Praying na kayanin ng katawan ko itong matinding pagsubok.”

“Kahit 17 hours away na kami nila kuya josh & bimb to fly to & the Pacific Ocean separates the PH from US, i’d still like to end this with #lovelovelove.”

Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ray Mark Patriarca

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Kris Aquino sisimulan na ang mahabang gamutan sa America: "Time is now my enemy."
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko