Kris Aquino ibinahaging siya ay nagtataglay ng isa pang autoimmune disease. Dagdag pa ng TV host-actress, mula sa kumpirmadong lima baka maging anim pa ang sakit na nagpapahirap sa kaniyang kalusugan.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
Kris Aquino disease update
Unti-unti ng umaayos ang kalusugan ni Kris Aquino kung titingnan sa pinakabago niyang Instagram post. Medyo nagkalaman at glowing na ulit si Kris kumpara sa mga ibinahagi niyang larawan at video niya ng mga nakaraang buwan. Pero sa caption ng post na ito ni Kris ay may malungkot na balita ang kilalang TV host. Siya daw ay kumpirmadong may pang-limang autoimmune disease. Ito raw ay possible pang maging anim base sa bagong mga findings ng doktor sa katawan niya.
Pagpapaliwanag ng aktres, siya daw ay naka-classify at positibo sa mixed connective tissue disease. Ito ay matapos makitaan siya ng scarring at micronodules sa kanang bahagi ng kaniyang lungs. Bagamat, sa ngayon hindi pa tukoy kung ito ba ay SLE o lupus, Rheumatoid arthritis, o scleroderma. Pero dagdag ng aktres, pareho siyang nagpapakita ng physical signs ng mga nabanggit na sakit. Kaya naman siya ay nagsimula sa pag-inom ng gamot na methotrexate na isang uri ng antimetabolites.
“I can’t be classified as outright having SLE or RA because I’m exhibiting physical manifestations for both. For now it’s definite I have 5, possibly 6 autoimmune conditions and I bit the bullet and started my baby dose slowly increasing the dosage to 7.5 mg per week.”
Ito ang bahagi ng post ni Kris.
Kuwento pa niya, noong una ay medyo nagdadalawang-isip pa raw sana siyang subukan ang naturang gamot. Ang methotrexate ay kilalang gamot sa cancer na nagpapabagal ng pagdami ng cancer cells. Gamot din ito sa sakit na psoriasis na nagpapabagal ng pagdami ng scales o tila kaliskis sa balat. Ito rin ay gamot sa rheumatoid arthritis na nagbabawas ng activity ng immune system.
Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino
Mensahe ni Kris sa kaniyang mga supporters
May mensahe rin si Kris sa mga taga-suporta niya kaugnay sa kalagayan ng kaniyang kalusugan. Ito ang sabi ng kilalang TV host.
“How badly I wanted to keep this private because I’m scared baka mawalan kayo ng gana to keep praying for me & my doctors, my sons, and my sisters. Hindi ako sumusuko, sana wag rin kayo sumuko? Please? My gratitude post will follow. 💛”
We are praying for you Kris!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!